wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan 3

Total questions: 37

Worksheet time: 37mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay matatagpuan sa Malolos, Bulacan. Sa simbahang ito unang magpulong ang mga hinirang na kinatawan ng Kongreso sa Malolos noong ika-15 ng Setyembre 1898. Dito binuo ang Saligang Batas ng Malolos sa pamumuno ni Felipe Calderon.

a)

Barasoain Church

b)

Baclaran Church

2.

Dito matatagpuan ang libingan ng ikalawang pangulo ng ating bansa at Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon.

a)

Quezon Memorial Circle

b)

Quezon Memorial Triangle

3.

Ito ang naging tanggulan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano habang nakikipaglaban sa mga Hapones.

a)

Isla ng Corregidor

b)

Isla ng Catanduanes

4.

Dito itinayo ang Dambana ng Kagitingan bilang paggunita sa kabayanihan ng mga sundalong namatay sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan sinakop tayo ng mga Hapon.

a)

Bundok Samat

b)

Bundok Samar

5.

Ito ang pagpapalakad ng mga Hapones sa mga sumukong sundalong Amerikano at Pilipino kaya marami sa kanila ang namatay sa sobrang uhaw, gutom at pagod at sakit.

a)

Martsa ng Kauhawan

b)

Martsa ng Kamatayan

6.

Ito ay itinayo bilang pag-alala sa ginawang tulong ng mga Amerikano sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

a)

Leyte Landing Memorial

b)

American Landing Memorial

7.

Tuwing ika-14 ng Hunyo, ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Manggagawa tuwing ika-1 ng Nobyembre bilang pagpapahalaga sa kanilang paglilingkod sa bansa.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan tuwing ika-9 ng Abril bilang pag-alala sa mga matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Makasaysayan ang Araw ng Rebolusyong EDSA na ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ay naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre bilang paggunita sa kapanganakan ni Jesus.

a)

Pasko

b)

Bagong Taon

12.

Ito ang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre at tumatagal hanggang ika-24 ng nasabing buwan.

a)

Misa de Gallo

b)

Misa de Galyon

13.

Dito inaalala ang paghihirap, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo upang mailigtas o matubos ang mga tao sa kasalanan.

a)

Semana Santa

b)

Semano Santo

14.

Isinasagawa ito tuwing ikasiyam na buwan ng kalendaryong Islam. Ang mga Muslim ay nag-aayuno o umiiwas kumain at uminom mula pagsikat ng araw hanggang paglubog nito.

a)

Ramadan

b)

Pista ng Itim na Nazareno

15.

Ito ang pagtatapos ng Ramadan. Masayang nagtutungo sa mosque ang mga Muslim para manalangin at magpasalamat kay Allah sa pagbibigay sa kanila ng lakas at pagpapala sa buong buwan ng kanilang pag-aayuno.

a)

Hari Raya Puasa

b)

Hari Rahasia

16.

Ipinagdiriwang ito sa pagkakatatag ng Caloocan.

a)

Pamaypay Festival

b)

Caloocan Festival

17.

Ito ay nililok na anyong tao na may kaugnayan sa kanilang anito o diyosdiyosan. Ayon sa mga Ifugao, ito ay inaasahan na magbabantay ng kanilang kamalig, bigasan, taniman at ari-arian habang sila ay tulog o wala sa tahanan.

a)

Bulul

b)

Bulol

18.

Tumutukoy ito sa geometriko at paikot-ikot na disenyo na ginagamit bilang motif sa sining at kagamitan ng Maranao at iba pang Muslim sa Mindanao.

a)

Okkir

b)

Kirro

19.

Nagtataglay ito ng mga makukulay na pakpak, malabalahibong buntot at mapalamuting ulo na pinaniniwalaang nagdadala ng suwerte.

a)

Sariwang manok

b)

Sarimanok

20.

Kilala sa tawag na lepa lepa at sakayan ay tradisyonal na bangkang matatagpuan sa pulo ng Mindanao.

a)

Vinta

b)

Ventah

21.

Si Antonio Luna ang lumikha ng obra maestrang Spolarium.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Ito ay isa sa pinakatanyan na obra ni Fernando Amorsolo.

a)

Dalagang Bukid

b)

Dalagang Pilipina

23.

Ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pamamahala at pagpapanatiling mataas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

a)

Kagawaran ng Edukasyon

b)

Kagawaran ng Kalusugan

24.

Tinutulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng mga makabagong paraan ng pagtatanim.

a)

Kagawaran ng Agrikultura

b)

Kagawaran ng Enerhiya

25.

Nagpapatupad at inuugnay ang mga programa at gawain ng gobyerno na may kinalaman sa paggamit, pamamahagi at pagtitipid sa enerhiya.

a)

Kagawara ng Enerhiya

b)

Kagawaran ng Kuryente

26.

Pagpapanatiling ligtas, ng mga kayamanan ng bansa bilang pamana sa susunod na henerasyon. Tumutulong na mapigilan ang pagkasira ng kagubatan sa pamamagitan ng proyektong muling pagtatanim sa kagubatan at kabundukan at wastong pag-aalaga nito.

a)

Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan

b)

Kagawaran ng Ugnayang Panlabas

27.

Nagpapatupad ng mga polisiyang pambanyaga upang mapangalagaan at mabigyan ng proteksiyon ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa.

a)

Kagawaran ng Ugnayang Panlabas

b)

Kagawaran ng Pananalapi

28.

Nangangalaga at nangangasiwa sa pera ng gobyerno o utang sa loob at labas ng bansa at pagbubuwis. Ang ahensiyang ito ang nagpapalabas ng pera na kailangan ng iba 't ibang ahenisya ng ating pamahalaan.

a)

Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad

b)

Kagawaran ng Pananalapi

29.

Pinangangasiwaan ang lahat ng serbisyo at produktong pangkalusugan at mabigyan ng tulong at alituntunin sa kalusugan ang mga mamamayan.

a)

Kagawaran ng Paggawa at Empleyo

b)

Kagawaran ng Kalusugan

30.

Nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa.

a)

Kagawaran ng Paggawa at Empleyo

b)

Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan

31.

Nangangalaga sa pampublikong imprastruktura, mapangalagaan ang mga kalsada, tulay at sistemang pambaha.

a)

Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan

b)

Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad

32.

Namamahala sa pagbabahagi ng tulong pinansiyal at materyal sa mga biktima ng bagyo, lindol, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad.

a)

Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad

b)

Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan

33.

Pinauunlad ang produkto at sistema ng kalakalan, pinaghuhusay ang pag-aangkat at pagtitinda sa ibang bansa upang lumaki ang kita ng mga mamamayan.

a)

Kagawaran ng Repormang Pansakahan

b)

Kagawaran ng Kalakalan at Industriya

34.

Tinuturuan ang mga magsasaka ng wastong pangangalaga sa lupang tinatamnan at paggamit ng pataba.

a)

Kagawaran ng Repormang Pansakahan

b)

Kagawaran ng Katarungan

35.

Ligal na tagapagtanggol at tagapayo ng gobyerno.

a)

Kagawaran ng Tanggulang Pambansa

b)

Kagawaran ng Katarungan

36.

Pagtatanggol sa pambansang kaligtasan laban sa panloob at panlabas na banta.

a)

Kagawaran ng Tanggulang Pambansa

b)

Kagawaran ng Agham at Teknolohiya

37.

Tungkuling manghikayat, palaguin, isulong ang turismo at ipakilala ang Pilipinas bilang isang destinasyon. Palaganapin ang benepisyo ng turismo sa pribado at pablikong sektor.

a)

Kagawaran ng Agham at Teknolohiya

b)

Kagawaran ng Turismo