wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 9- Interactive Activity

Total questions: 20

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ang GNI ay sinusukat gamit ang salapi ng isang bansa ngunit ito ay ipinaghahambing sa dolyar ng United States bilang pamantayan.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Ang Gross National Income ay tumutukoy sa kabuuang pamilihang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyo na nagawa ng mamamayan ng isang bansa.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Ang kabuuang pampamilihang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyo na nagawa sa isang takdang panahon sa loob ng isang bansa ay tumutukoy sa Gross Domestic Product.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Isa kang Amerikano pero dito kana sa Pilipinas at nakapagtatag ng isang negosyo. Ang iyong kita ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income ng Amerika.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Kung isa kang Pilipino na nagtatrabaho sa Hong Kong, ang iyong kita ay kabilang sa pagsukat ng Gross Domestic Product ng Pilipinas.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

Mahalaga ang pagsukat ng pambansang kita sapagkat ito ay nagiging gabay sa pagsulong at pagpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Napakahalaga ng pagsukat ng pambansang kita dahil ito ay haka-haka na nagiging basehan ng matibay na batayan ng paglago ng ekonomiya.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Sa pagtutulungan ng mga mamamayan at pagganap nito sa kanya- kanyang gampaning pang-ekonomiya makakamit ng isang bansa ang pag-unlad at pagsulong sa ekonomiya.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Sa pamamagitan ng National Income Accounting, malabong masukat ang kalusugan ng ekonomiya ng isang bansa.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Walang pagkakaiba ang Gross Domestic Product at Gross National Income dahil pareho silang basehan ng pagsukat ng pambansang kita.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Bago bilhin ni Leni ang isang produkto, matiyaga niya muna itong sinusuri. Pinag-aaralan ang sangkap, presyo, timbang at expiration date ng produkto at inihahambing sa iba upang malaman ang kapakinabangan na makukuha rito. Anong uri ng mamimili si Jose?

a)

Hindi nagpapadaya

b)

Mapanuri

c)

Hindi nagpapadala sa anunsiyo

d)

Sumusunod sa badyet

12.

Napanood ni Bong sa isang patalastas sa telebisyon na nakakapayat at nakakaganda raw ng kutis ang pag-inom ng Brand Z na Tsaa. Napakaganda at balingkintan ang model at alam niyang natural na itong katawan ng babae kaya hindi na siya nag-isip na bumili ng nasabing produkto. Si Bong ay ______________ na uri ng mamimili.

a)

Mapanuri

b)

Sumusunod sa badyet

c)

Hindi nagpapadaya

d)

Hindi nagpapdala sa anunsiyo

13.

Araw-araw na bumibili si Mar ng gatas na Brand A para lumakas ang kanyang resistensiya. Nagkaroon ng delay ang kanyang sahod ngayon, kaya nagdesisyon siyang bumili nalang muna ng Brand B. Anong uri ng mamimili si Mar?

a)

Hindi nagpapadaya

b)

Mapanuri

c)

Marunong humanap ng pamalit o alternatibo

d)

Sumusunod sa badyet

14.

Anong uri ng mamimili ang inuuna ang mga bagay na mahalaga kumpara sa mga luho lamang?

a)

Mapanuri

b)

Hindi nagpapadala sa anunsiyo

c)

Makatwiran

d)

Naghahanap ng Alternatibo

15.

Kailan masasabing matalino kang mamimili?


a)

Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale

b)

Segunda mano ang binili upang makamura at maktaipid sa pamimili na pasok sa badyet

c)

Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap at timbang ng produktong binibili

d)

Bumubili ng labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan

16.

Matagal ng gusting pumuti ni Jojo. Isang araw ay may nag-alok sa kanya na bumili ng isang set ng pampaputi sa murang halaga lamang. Lingid sa kaalaman ni Jojo na ito ay hindi epektibo at nakakasira pa ng balat. Dahil sa kanyang pagiging alerto ay hindi siya naisahang bumili ng produkto. Si Jojo ay _______________.

a)

Mapanuri

b)

Hindi nagpapadaya

c)

Makatwiran

d)

Sumusunod sa badyet

17.

Napag-alaman ni Jun na nagkakakulangan nan g suplay ng face mask sa mga bilihan dahil sa pandemiyang kinakaharap ngayon ng bansa. Kung kaya agad siyang pumanhik at bumili ng face mask na akma lamang sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Anong uri ng mamimili si Jun?

a)

Mapanuri

b)

Naghahanap ng alternatibo

c)

Makatwiran

d)

Hindi nagpapanic-buying

18.

Sa tuwing magpapasko, ako ay bumibili nga pangdekorasyon tulad ng Christmas light. Sinisiguro ko ang aking binibili ay may tatak na ICC. Anong karapatan ng isang mamimili ang aking natatamo sa ICC sticker na nakadikit sa aking biniling produkto?

a)

Karapatang pumili

b)

Karapatan sa Kaligtasan

c)

Karapatan sa isang malinis na kapaligiran

d)

Krapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan

19.

Maari ban a magbigay ng suhestyon sa pamahalaan ang isang mamimili hingil sa nais niyang baguhing polisiya tungkol sa karapatan ng mamimili?

a)

Oo, dahil ito ay para sa kanyang kapakanan

b)

Oo, dahil karapatan ng isang mamimili na dinggin

c)

Hindi, dahil ito ay trabaho lamang ng mambabatas.

d)

Hindi, dahil wala naming alam sa paggawa ng polisiya ang ga mamimili

20.

Paano mo maiiwasang makabili ng isang huwad na produkto na nagkalat sa merkado?

a)

Bibili lang ako ng imported na produkto

b)

Bibili lang ng isang produkto kung ito ay ginagamit o ini-endorso ng mga paborito kong artista

c)

Bibili lang ako ng produkto kung ito ay galing sa kilalang department store o supermarket

d)

Bibili lang ako ng isang produkto matapos koi tong masuri at malaman ang mga impormasyon ukol rito