wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1- ESP WRITTEN TEST #2

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

1. Mahilig umawit si Vilma, dahil dito, siya ay napasama sa paligsahan sa pag-awit sa kanilang paaralan. Ano ang maitutulong ng pagiging mahilig ni Vilma sa pag-awit sa kanya?

a)

A. Hahangaan si Vilma ng maraming tao.

b)

B. Maaaring manalo siya sa kanilang paligsahan.

c)

C.Maipagmamalaki siya ng kanyang mga magulang.

d)

D. Mapagkakakitaan ni Vilma ang hilig niya sa pag-awit

2.

2. Sinanay ka ng iyong tatay sa paglalaro ng badminton subalit ayaw mo ang larong ito. Paano mo sasabihin sa tatay mo na hindi mo gusto ang larong badminton?

a)

A. ”Hindi po ako mahilig mag badminton tatay”

b)

B.“Maaari po bang iba na lang ang laruin ko ?.”

c)

C.“Susundin ko po kayo kasi iyan ang gusto ninyo para sa akin”

d)

D. “Tatay hindi ko po gustong mag badminton kasi basketball po ang gusto ko.”

3.

3. Lagi kang abala sa pag-aaral gamit ang iyong tablet. Nalilimutan mo na ang tamang oras sa pagkain. Ano ang dapat mong gawin?

a)

A. Lagyan ng alarm ang tablet para maalala mo ang oras ng iyong pagkain.

b)

B. Bigyan ng oras ang paggamit ng iyong tablet.

c)

C.Magpahain ng pagkain kay nanay.

d)

D. Kakain ka sa takdang oras.

4.

4.Si Roberto ay araw-araw na naliligo . Ano ang kahalagahan ng paliligo araw-araw?

a)

A. Presko ang pakiramdam.

b)

B. Darami ang iyong kaibigan .

c)

C. Para sabihin na ikaw ay mabango

d)

D. Magiging malinis ka sa iyong sarili at malalayo sa sakit.

5.

5.Mahilig kang kumain ng kendi at tsokolate at pinagbabawalan ka na ni Lola na kumain nito ng sobra. Bakit kaya ?

a)

A. Masyado itong matamis.

b)

B. Nakakasira ito ng ngipin.

c)

C.Nakakasawa itong kainin.

d)

D.Mawawalan ka na ng gana sa pagkain.

6.

6. Bawal ang lumabas kasi marami nang may COVID 19. Sumunod ka sa babala. Ano ang maidudulot nito sa iyo?

a)

A.Sapat na pahinga.

b)

B. Hindi ko makakasama ang aking mga klaro.

c)

C. Makakasama ko po ang aking mga magulang .

d)

D. Magiging ligtas po ako sa hawa ng virus..

7.

7.Gustong-gusto mo ang damit na binili para sa iyo, dahil dito hindi ka na nagpalit nito sa loob ng tatlong araw. Ano ang magiging pangunahing epekto nito sa kalusugan mo?

a)

A. Mag-aamoy pawis ka na.

b)

B. Maaari kang magkasakit .

c)

C. Hindi ka na magiging masigla.

d)

D. Mainit ang iyong magiging pakiramdam.

8.

8.Maraming kalat sa inyong bahay. Nakita mo na nagliligpit si nanay . Paano ka makatutulong kay nanay?

a)

A. Lilinisin ko ang mga kalat.

b)

B. Titingnan ko ang mga kalat .

c)

C. Si nanay na lang ang magligpit.

d)

D. Yayain ko si ate na tulungan namin si nanay.

9.

9. Tuwing umaga kayo ay nag eehersisyo ng iyong ate. Bakit mo kailangang mag ehersisyo?

a)

A.Upang marami akong makain pagkatapos kong mag-ehersisyo.

b)

B. Sapagkat ito ay makabubuti sa aking kalusugan

c)

C. Para tularan din ako ng aking mga kamag-aral.

d)

D. Upang mapalakas ang iyong katawan.

10.

10.Madalas ang inihahanda ni nanay sa aming hapag-kainan ay ulam na may gulay. Bakit dapat kang kumain ng gulay?

a)

A.Nakatutulong ito para lalong lumakas ang iyong katawan.

b)

B. Ito ay isang paraan para maiwasan mo ang pagkakasakit.

c)

C. Masustansiya ang mga gulay.

d)

D. Masarap kumain ng gulay.