wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1_M1_Lesson1: Kahulugan ng Ekonomiks

Total questions: 15

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Ang ekonomiks ay galing sa salitang Griyego na “oikonomia”, samakatuwid ang ekonomiks ay nagsisimula sa ________.

a)

a. Pamahalaan

b)

b. Pamayanan

c)

c. Tahanan

d)

d. Bansa

2.

Ang _________ at ____________ ang sentro ng pag-aaral ng ekonomiks

a)

a. tao: lipunan

b)

b. likas na yaman: pangangailangan

c)

c. agham: matematika

d)

d. suplay: demand

3.

Ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?

a)

a. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon

b)

b. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan

c)

c. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon

d)

d. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon

4.

Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng ugnayan at pangunahing gawain ng bawat sektor ng ekonomiya. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa bahaging ginagampanan ng sambahayan?

a)

a. Nagmamay-ari ng salik ng produksiyon

b)

b. Nagbabayad ng upa o renta sa lupa

c)

c. Gumagamit ng mga salik ng produksiyon

d)

d. Nagpapataw ng buwis sa bahay-kalakal

5.

Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?

a)

a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan

na kinakaharap.

b)

b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa

kanyang pagdedesisyon.

c)

c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning

pangkabuhayan.

d)

d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang katapusang

pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

6.

Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat

a)

a. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang

kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.

b)

b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.

c)

c. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.

d)

d. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.

7.

Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga

pangangailangan at kagustuhan ng tao naman ay

a)

a. may hangganan din.

b)

b. kaunti lamang kayat madaling tugunan

c)

c. parami nang parami at walang katapusan

d)

d. kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.

8.

Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng

pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa

a)

a. paggamit ng mga produkto at serbisyo.

b)

b. paglikha ng mga produkto at serbisyo.

c)

c. paglinang ng likas na yaman.

d)

d. pamamahagi ng pinagkukunang- yaman.

9.

Isa itong mahalagang salik sa produksiyon na kung saan ito ang pinanggagalingan ng

lakas at talino. Aling salik ito?

a)

a. Lupa

b)

b. Puhunan

c)

c. Entreprenyur

d)

d. Pagagawa

10.

Aling pinagkukunan ng salapi ng pamahalaan ang sapilitang iniaatas sa bawat tao, at mga negosyo para sa kapakinabangan ng pamahalaan?

a)

a. pangungutang

b)

b. kita mula sa pribadong tanggapan at negosyo

c)

c. kita sa buwis

d)

d. pagbebenta ng pag-aari ng pamahalaan

11.

Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng Ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks?

a)

a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks na magagamit sa kolehiyo

b)

b. Makakatulong ang mga konseptong malalaman upang maging kritiko ng pamahalaan

c)

c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos at mga siyentipikong pamamaraang

makakatulong upang maging matalino sa pagpapasya

d)

d. Makakatulong upang makapagturo ng Ekonomiks sa hinaharap

12.

Alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng ekonomiks kung ang

pagbabatayan ay ang konsepto ng kakapusan?

a)

a. Ito ay ang pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan

at kagustuhan ng tao sa harap ng kakapusan.

b)

b. Ito ay agham ng pag-uugali ng tao na may epekto sa kanyang rasyonal na

pagdedesisyon

c)

c. Ito ay pag-aaral ng tao at ang lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning

pagkabuhayan.

d)

d. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning

pangkabuhayan na kanilang kinakaharap.

13.

Ang mga ekonomista ay gumagamit ng pangangatwirang ekonomiko sa pagsusuri ng mga problema. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginagamit ng mga ekonomista sa pagsusuri?

a)

a. Istatistika at datos

b)

b. Paniniwala at mungkahi

c)

c. Mga konsepto

d)

d. Mga modelo

14.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na isang agham ang ekonomiks?

a)

a. Nagsasagawa ito ng mga eksperimento sa laboratory.

b)

b. Pinag-aaralan nito ang kalikasan.

c)

c. Pinapatunayan nito ang katotohanan batay sa ebidensiya.

d)

d. Pinag-aaralan nito ang mahahalagang isyu ng bansa.

15.

Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa kanyang ________na pinagkukunang yaman upang matugunan ang kanyang______pangangailangan.

a)

a. sapat; walang hanggang

b)

b. limitado; walang hanggang

c)

c. sapat; may hangganan

d)

d. limitado; may hangganan