wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SINING 3: First Quarter: Summative Test 2

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang tawag sa taong may talento sa pagpipinta.

a)

pintor

b)

artist

c)

manlililok

d)

welder

2.

Ito ay ang teknik na kailangan upang maipakita ang layo o distansya ng tao o bagay sa isang guhit o larawan.

a)

teknik

b)

teksturang biswal

c)

ilusyon ng espasyo

d)

disenyong geometric

3.

Para maipakita na ang larawan ay malapit sa tumutingin, kinakailangan itong iguhit ng __________.

a)

katamtaman

b)

maliit

c)

malaki

d)

pantay-pantay

4.

Para maipakita na ang larawan ay malayo sa tumutingin, kinakailangan itong iguhit ng __________.

a)

katamtaman

b)

maliit

c)

malaki

d)

pantay-pantay

5.

Ito ay mga iba’t-ibang paraan upang mas maging kapani-paniwala ang ipinipinta.

a)

teknik

b)

teksturang biswal

c)

ilusyon ng espasyo

d)

disenyong geometric

6.

Ito ay pang-ibabaw na katangian ng lahat ng bagay, likas o di-likas.

a)

tekstura

b)

hugis

c)

linya

d)

shading

7.

Ipinahihiwatig nito na ang tekstura ng isang bagay sa larawan ay mata lamang ang nakakaalam dahil hindi nahahawakan ang bagay na nasa larawan.

a)

Pointillism

b)

Teksturang biswal

c)

Ilusyon ng espasyo

d)

Disenyong geometric

8.

Sa pagpapakita ng teksturang biswal, ito ay ang masining na pinag-ekis-ekis ang patayo at pahalang na mga linya.

a)

Sketching

b)

Shading

c)

Pointillism

d)

Cross Hatch Lines

9.

Naipapakita ang teksturang biswal sa paraan na paglalagay ng mga maliliit na tuldok sa larawang iginuhit.

a)

Sketching

b)

Shading

c)

Pointillism

d)

Cross Hatch Lines

10.

Ito ang pinakamagandang paksa sa pagbuo ng isang guhit ng larawan.

a)

tanawin

b)

tao

c)

mga lumang bahay at gusali

d)

karagatan

11.

Portrait ang tawag sa larawan na iginuhit patayo. __________ naman kapag ang larawan ay iginuhit pahiga.

a)

canvass

b)

painting

c)

landscape

d)

portrait

12.

Sa pagguhit ng isang tanawin, naipapakita ang balanse sa pamamagitan ng paglalagay ng __________, __________, at __________.

a)

Kulay, espasyo, tekturang biswal

b)

Linya, hugis at kulay

c)

Foreground, middle ground at background

d)

Pointillism, Cross Hatch lines at sketching

13.

Ang bahaging ito ay makikita sa pagitan ng foreground at background ng tanawin.

a)

foreground

b)

middle ground

c)

background

d)

landscape

14.

Kapag ang iba’t ibang teknik ay naisagawa ito ay makabubuo ng _____________.

a)

Maganda at makabuluhang larawan

b)

Hugis at tekstura

c)

mga tuldok at linya

d)

espasyo at laki

15.

Ito ay isang paraan upang ang bawat mamamayan ay kumita ng pera para sa ikabubuhay ng kaniyang sarili at pamilya.

a)

hanapbuhay

b)

pag-aaral

c)

pagpipinta

d)

pagsasaka

16.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng hanapbuhay?

a)

Pagsasaka

b)

pangingisda

c)

paggawa ng banga

d)

pagtulog

17.

Ang hanapbuhay tulad ng pangingisda ay maaari sa mga taong nakatira sa tabing-dagat. Ang pagsasaka naman ay maaari sa mga taong nakatira sa kapatagan at bukid. Ang mga uri ng hanapbuhay na ito ay batay sa __________.

a)

lugar

b)

kultura

c)

wala lang ibang mapagkakitaan

d)

kakayahan

18.

Ito ay binubuo ng dalawang tuldok na pinagkabit o pinag ugnay.

a)

disenyo

b)

ilusyon

c)

linya

d)

hugis

19.

Ito ay ang dalawang uri ng linya.

a)

Paalon-alon at paikot

b)

Pataas at pahilis

c)

Tuwid at pakurba

d)

Pakurba at pazigzag

20.

Ito ay teknik na pagtatala ng mga bagay na iyong nakikita sa paligid. Ang mga guhit na ito ay kadalasang simple at hindi detalyado ngunit maganda.

a)

sketching

b)

shading

c)

pointillism

d)

cross hatch lines