Font size
WorksheetsFilipino 2nd Summative Test (Q1)
Total questions: 23
Worksheet time: 14mins
I. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na mensaheng nais iparating ng sumusunod na sitwasyon.
_____1. Nakita ni Nikka ang magandang bulaklak sa parke. Gusto niya itong pitasin ngunit nabasa niya sa karatula ang “Bawal pitasin ang mga bulaklak” kaya masaya na lang niya itong pinagmasdan.
a. maging matapat
b. pangalagaan ang mga halaman
c. matutong maghiwalay ng basura
d. panatilihin ang kalinisan
e. umuwi ng maaga sa bahay
I. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na mensaheng nais iparating ng sumusunod na sitwasyon.
_____2. Nagpapatupad ng kalinisan sa parke. Nabasa mo ang “Bawal magkalat.”
a. maging matapat
b. pangalagaan ang mga halaman
c. matutong maghiwalay ng basura
d. panatilihin ang kalinisan
e. umuwi ng maaga sa bahay
I. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na mensaheng nais iparating ng sumusunod na sitwasyon.
_____3. Nakagawian mo na ang pagpunta sa bahay ng iyong kaklase tuwing uwian para makipaglaro. Habang ikaw ay naglalakad sa daan ay nakita mo ang paalala, “Curfew ng mga kabataan: Ikapito ng gabi.”
a. maging matapat
b. pangalagaan ang mga halaman
c. matutong maghiwalay ng basura
d. panatilihin ang kalinisan
e. umuwi ng maaga sa bahay
I. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na mensaheng nais iparating ng sumusunod na sitwasyon.
_____4. Unang araw ng klase may napulat kang pera sa inyong silidaralan at inilagay mo iyon sa “Lost and Found.”
a. maging matapat
b. pangalagaan ang mga halaman
c. matutong maghiwalay ng basura
d. panatilihin ang kalinisan
e. umuwi ng maaga sa bahay
I. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na mensaheng nais iparating ng sumusunod na sitwasyon.
_____5. Isa sa ordinansa ng barangay ang paghihiwalay ng mga basura na nabubulok at di-nabubulok. Inilagay ni Roy ang balat ng mga prutas sa nabubulok.
a. maging matapat
b. pangalagaan ang mga halaman
c. matutong maghiwalay ng basura
d. panatilihin ang kalinisan
e. umuwi ng maaga sa bahay
II. Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Pindutin ang puso kung tapos na magbasa at nais na tumungo sa katanungan.
Ang Matalik na Magkaibigan
Akda ni: Lea C. De Jesus
Matalik na magkaibigan sina Tiktok Manok at Ming Pusa. Mahal nila ang isa’t isa. Madalas na maglaro ang dalawa sa bukid. “Bilisan mo naman ang takbo Tiktok malayo na ang bola,” ang wika ni Ming. Saluhan ng bola ang madalas nilang nilalaro. Sa kanilang pag-uwi lagi silang nakikipagunahan sa paglubog ni Haring Araw.
6. Sino-sino ang bida sa kuwento?
A. Beng at Ming
B. Tiktok at Maya
C. Tiktok at Ming
D. Beng at Mata
7. Saan madalas maglaro ang magkaibigan?
A. sa bundok
B. sa ilog
C. sa daan
D. sa bukid
8. Ano ang madalas nilang nilalaro?
A. Harangang batis
B. saluhan ng bola
C. tagu-taguan
D. tumbang preso
9. Paano ipinakita ng magkaibigan ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa?
A. Madalas silang maglaro.
B. Palagi silang nag-aaway.
C. Sabay silang kumakain.
D. Sila ay nagbibigayan.
10. Bakit mahalagang magkaroon ng kaibigang tulad nina Tiktok at Ming?
A. upang maging masaya
B. upang magkaroon ng kalaro
C. upang laging may kasama
D. lahat ay tama
II. Basahin at unawain ang tula. Alamin ang mahalagang mensahe nito. Pindutin muli ang puso kung tapos na magbasa at nais na tumungo sa katanungan.
Ang Bulaklak
Ma. Luisa Lining
Bulaklak ay humahalimuyak
Sa tahanan naming payak.
Taglay nitong ganda
Tunay na nakakahalina
Kaya ang bubuyog na umaaligid
Dagdag sa ganda ng paligid.
Bawat araw ito'y nagbibigay sigla
Sa mga taong nababahala.
Ang pagsibol nito sa hardin
Ay may pag-asang hain.
11. Ayon sa unang linya ng tula. Ano ang sinasabi nito?
A. Ang bulaklak ay may nagbibigay samyo sa bahay
B. Ang bulaklak ay pampaganda lamang ng tahan
C. Ang bulaklak ay mabango lamang sa magagandang bahay
D. Ang bulaklak ay nagbibigay ng mabaho na samyo sa loob at labas ng tahanan
12. “Taglay nitong ganda, Tunay na nakakahalina.”
A. Wala itong buting naidududlot.
B. Palamuti lamang ito sa paligid.
C. Nagbibigay kagalakan sa ng puso.
D. Nagpapalungkot sa puso.
13. Kaya ang bubuyog na umaaligid. Dagdag sa ganda ng paligid.
A. Sinisira ng bubuyog ang bulaklak.
B. Dahil kaibigan ng bubuyog ang bulaklak
C. Naiinis ang bubuyog sa bulaklak na nasa hardin
D. Ang bubuyog ay nahahalina rin sa bulaklak dahil sa tamis nito.
14. Anong mensahe ang tinutukoy ng kabuuang tula?
A. Kalat lang ang bulaklak sa hardin.
B. Ang bulaklak lang ang pag-asa para mabuhay ang tao.
C. Kailangan ng bulaklaka ng tao para maalagaan siya nito.
D. Sinasabi na ang bulaklak ay may kaugnayan din sa tao para makapagbigay ng kasiyahan at dagdag kasiyahan sa hardin.
(15.)
Panuto: Basahin ang kasabihan. Sumulat ng isang pangungusap na mensahe tungkol sa kasabihan.
II. Basahin at unawain ang maikling kuwento. Pindutin muli ang puso kung tapos na magbasa at nais na tumungo sa katanungan.
Baha
Ma. Luisa Lining
Si Rumi ay mahilig magtapon ng kalat kahit saang lugar. Nagbara ang kanilang kanal dahil sa kalat na kaniyang itinapon.Isang gabi, habang siya ay mahimbing na natutulog, bumuhos angmalakas na ulan. Ang kalat na kaniyang itinapon ay pumasok sakanilang bahay. Nagulantang siya sa mga pangyayari. Nagsisi siya.na kung hindi siya makalat, hindi babaha sa kanilang lugar.Pagkahupa ng baha, agad siyang tumulong sa paglilinis ng kanilang bahay at ng kanilang barangay. Mula noon, hindi na nagkalat si Rumi.
16. Ano ang pangalan ng pangunahing tauhan sa maikling kuwento?
A. Rim
B. Rima
C. Rumi
D. Rama
17. Ano ang katangian ng pangunahing tauhan sa maikling kuwento?
A. Mahilig siyang mag-ayos ng kaniyang mga gamit.
B. Mahilig siyang magtabi ng kaniyang mga kalat.
C. Mahilig siyang magkalat sa kapaligiran.
D. Mahilig siyang magtapon sa tamang lugar ng kaniyang kalat.
18. Bakit bumalik sa kanilang tahanan ang mga kalat na tinapon niya?
A. Dahil maayos niyang naitapon ang mga kalat.
B. Dahil kung saan-saang lugar siya nagtatapon ng kalat niya.
C. Dahil ang kaniyang mga kalat ay nasa tamang lalagyan.
D. Dahil nasa maayos na lagayan ang mga kalat niya.
19. Paano naipakita ng pangunahing tauhan ang kaniyang pagsisisi?
A. Tumulong siya sa paglilinis ng kanilang barangay.
B. Pagkalinis ng paligid ay muli siyang nagtapon ng mga kalat..
C. Nagdasal siya na huwag ng bumaha muli..
D. Humingi siya ng tawad sa kapitan ng Barangay.
20. Ano ang aral na napulot mo sa maikling kuwento?
A. Ilagay sa plastic ang mga basura at itapon sa kanal.
B. Linisin ang mga kalat sa loob ng bahay at ilagay sa kalye.
C. Itapon sa tamang lugar ang mga kalat.
D. Hindi baling makalat sa loob ng bahay at sa labas ng bahay.
