WorksheetsQ1W4 LIKAS NA YAMAN NG ASYA (Ikalawang Bahagi)
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Ito ay bansa sa Silangang Asya na napanatili ang karamihan sa mga kagubatan nito sa pamamagitan ng pagbili sa ibang bansa ng mga hilaw na materyales mula sa kagubatan. Anong bansa ito?
A. China
B. Japan
C. Mongolia
D. South Korea
Itinuturing ang kape bilang pangunahing produktong iniluluwas ng bansang ito sa Timog Silangang Asya. Anong bansa ito?
A. Brunei
B. Cambodia
C. Laos
D. Malaysia
Aling pahayag ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa likas na yaman sa Timog Asya?
A. Itinuturing ang India bilang isa sa pinakamalaking prodyuser ng mangga sa daigdig.
B. Matatagpuan sa Sri Lanka ang mga kagubatang evergreen
C. Mayaman ang Bangladesh sa mga batong hiyas
D. Sagana sa yamang mineral ang Nepal tulad ng iba pang mga bansa sa rehiyon
Aling pangkat ng mga bansa sa Timog Silangang Asya ang kabilang sa mga bansang may mayamang deposito ng tin sa daigdig
A. Brunei, Cambodia, Singapore at Vietnam
B. Indonesia, Myanmar, Pilipinas at Vietnam
C. Laos, Malaysia, Indonesia at Thailand
D. Malaysia, Timor Leste, Pilipinas at Singapore
Aling bansa sa Timog Asya ang may saganang yamang dagat dahil sa pagiging kapuluan nito?
A. India
B. Maldives
C. Pakistan
D. Sri Lanka
Anong pananim ang mahalaga sa Taiwan dahil ito ay kanilang iniluluwas at nagdadala ng kita sa bansa
A. ginseng
B. kamoteng kahoy
C. palay
D. tsaa
Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa likas na yaman ng Thailand?
A. Pinagmumulan ito ng mga perlas na kulay kahel na makukuha lamang sa isang uri ng suso na tinatawag na melo melo.
B. Ang palay ay pinagmumulan ng kita ng bansa sa pamamagitan ng pagluluwas ng bigas mula rito.
C. Itinuturing na pinakamahalagang likas na yaman ang langis dahil malaki ang naging ambag nito sa ekonomiya ng bansa.
D. Ang bansa ang nangungunang prodyuser ng palm oil sa buong daigdig.
Alin sa sumusunod ang walang katotohanan tungkol sa likas na yaman ng Pilipinas?
A. Mayroon din ang Pilipinas ng reserbang nickel, bakal, at tanso.
B. Sagana sa langis ang Pilipinas na makikita sa West Philippine Sea
C. Iba’t ibang uri ng isda at yamang dagat ang matatagpuan sa Pilipinas.
D. Isang agrikultural na bansa ang Pilipinas kung kaya’t mayaman ito sa yamang pananim.
Paano natutugunan ng Singapore ang pangangailangan nito sa enerhiya?
A. Bumibili ito ng coal mula sa China.
B. Gumagamit ito ng enerhiya mula sa hangin.
C. Kumukuha ito ng enerhiya mula sa singaw ng lupa.
D. Nag-aangkat ito ng langis at natural gas mula sa ibang bansa
Ito ay bansa sa Timog Asya na 80% ng populasyon ay nakaasa sa agrikultura. Anong bansa ito?
A. Bhutan
B. India
C. Nepal
D. Pakistan
