wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Panahunang Pagsusulit sa Filipino Ika- anim na Baitang

Total questions: 21

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Unang Pagsubok: Pabula at Elemento Nito, Denotasyon at Konotasyon

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang tamang sagot sa ibaba.

Anong elemento ng pabula ang inilarawan sa teksto? 'Labis na pinagsisihan ni Kokoy ang mga nagawa niyang kasalanan kay Chuchu. Simula ng araw na iyon ay hindi na nag-away ang magkaibigang pusa.'

a)

Tauhang Bilog

b)

Tauhang Lapad

c)

Tagpuan

d)

Panahon

2.

Anong elemento ng pabula ang inilalarawan sa teksto? 'Ang pangyayaring iyon ay nagturo ng aral sa datu. Sa susunod ay hindi na niya muling susubukin ang talino ng matalinong pusa.'

a)

Aral

b)

Tagpuan

c)

Panahon

d)

Lugar

3.

Ano ang tinutukoy na elemento? Ito ay pagtatalakay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari ng isang pabula. Makikita rito ang ugnayan ng tauhan, tagpuan, at mga pangyayari.        

a)

Pabula

b)

Tauhan

c)

Banghay

d)

Aral

4.

Anong elemento ng pabula ang mababakas sa teksto? Maaliwalas ang buong kalangitan. Tama lamang ang lakas ng hangin para maging presko ang pakiramdam ng mga naninirahan sa sitio Bagong-Silang.

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Aral

d)

Banghay

5.

Alin ang HINDI katangian ng pabula?

a)

Nagpapakita ng karaniwang pangyayari o mga naganap sa pang araw-araw.

b)

Mga hayop na nagtataglay ng katangian pantao ang tauhan.

c)

Kalimitang hindi nag-iiwan ng aral.

d)

Maikli lamang.

6.

Tukuyin kung ang salita o mga salitang nakasalungguhit ay ginamit sa denotasyon o konotasyong pangkahulugan.

Huwag kang lumapit sa nagbabagang apoy at baka mapaso ka.

a)

Denotasyon        

b)

Konotasyon

7.

Madalang na lamang tayo makakita ng mga tanim na kawayan.

a)

Denotasyon 

b)

Konotasyon

8.

Mga naggagandahang bulaklak ang ipinaparada taon-taon sa Panagbenga Festival.

a)

Denotasyon

b)

Konotasyon

9.

Isa siyang maningning na ilaw sa gitna ng kalungkutan dahil sa pag-asang sala niya.

a)

Denotasyon

b)

Konotasyon

10.

Isang iyak pusa ang aking kapatid, maliit na bagay lamang ay agad na siyang umiiyak.

a)

Denotasyon

b)

Konotasyon

11.

Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang pangngalang PANTANGI.

Unang pangungusap: ___________________________________________

4 lines
12.

Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang pangngalang PANTANGI.

Ikalawang pangungusap: ________________________________________

4 lines
13.

Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang pangngalang PANTANGI.

Ikatlong pangungusap: __________________________________________

4 lines
14.

Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang pangngalang PAMBALANA.

Unang pangungusap: ___________________________________________

4 lines
15.

Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang pangngalang PAMBALANA.

ikalawang pangungusap: ___________________________________________

4 lines
16.

Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang pangngalang PAMBALANA.

Ikatlong pangungusap: ___________________________________________

4 lines
17.

Tukuyin ang uri ayon sa konsepto ng pangngalang may salungguhit. Piliin ang tamang sagot sa ibaba. 

Ang pangkat ng mga magagaling na mag-aaral ang naglinis sa buong covered court.

a)

Tahas o kongkreto

b)

Basal o di-kongkreto

c)

Lansakan

18.

Tukuyin ang uri ayon sa konsepto ng pangngalang may salungguhit. Piliin ang tamang sagot sa ibaba. 

May mga piling hayop ang nakikinabang sa malinis na kapaligiran. 

a)

Tahas o Kongkreto

b)

Basal o Di-kongkreto

c)

Lansakan

19.

Tukuyin ang uri ayon sa konsepto ng pangngalang may salungguhit. Piliin ang tamang sagot sa ibaba. 

Ang pabango na gamit ni Timmy ay galing sa ibang bansa.

a)

Tahas o Kongkreto

b)

Basal o Di-kongkreto

c)

Lansakan

20.

Tukuyin ang uri ayon sa konsepto ng pangngalang may salungguhit. Piliin ang tamang sagot sa ibaba. 

Malaki ang pag-asa ng mga batang manlalaro na manalo sa paligsahan.

a)

Tahas o Kongkreto

b)

Basal o Di-Kongkreto

c)

Lansakan

21.

Tukuyin ang uri ayon sa konsepto ng pangngalang may salungguhit. Piliin ang tamang sagot sa ibaba.

Ang lahi ng mga Kastila ang umalipin sa mga Pilipino.

a)

Tahas o Kongkreto

b)

Basal o Di-kongkreto

c)

Lansakan