WorksheetsPanghalip Palagyo
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ano ang tawag sa bahagi ng pananalita na ipinanghahalili sa pangngalan?
Pandiwa
Pangngalan
Panghalip
Ano ang tawag sa kaukulan ng panghalip na ginagamit bilang paksa o simuno ng pangungusap.
Pamatlig
Palagyo
Paari
Alin ang panghalip na maaaring gamitin sa pangungusap sa kaukulang palagyo?
amin
kanila
tayo
Alin sa mga pangungusap ang may panghalip na nasa kaukulang palagyo?
Sa iyo ba ang bagong sasakyang iyon?
Sila ang nagmamay-ari ng malaking palaisdaan.
Aling panghalip na nasa kaukulang palagyo ang nasa unang panauhan?
Ako ay maglalaan ng mahabang panahon para sa pag-aaral.
Sila ang magiging kinatawan ng ating paaralan.
(Tukuyin ang panauhan ng panghalip)
Si Rica ay nagpunta ng mall kanina. Siya ay bumili ng gitara.
Unang Panauhan
Ikalawang Panauhan
Ikatlong Panauhan
(Tukuyin ang panauhan ng panghalip)
Sila ay naghahanda ng kanilang gamit pagpunta sa Tagaytay bukas.
Unang Panauhan
Ikalawang Panauhan
Ikatlong Panauhan
(Tukuyin ang panauhan ng panghalip)
Kami ay bumili ng mais sa kantina.
Unang Panauhan
Ikalawang Panauhan
Ikatlong Panauhan
(Tukuyin ang panauhan ng panghalip)
Ikaw naman ang magbubura ng pisara at mag-aayos ng mga upuan.
Unang Panauhan
Ikalawang Panauhan
Ikatlong Panauhan
Ang panghalip na nasa kaukulang palagyo ay may tatlong panauhan.
Tama
Mali
