wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP-Week 5

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

1. Si Mang Andoy ay matagal nang nagta-trabaho sa Munisipyo.

Siya ay kinagigiliwan ng lahat sapagkat taos-puso niyang

ginagampanan ang kanyang tungkulin. Dahil dito, hinihingi ng Mayor ang pangalan ng kanyang anak upang gawing scholar ng bayan. Isinulat niya ang palayaw ng anak sa kontratang papel.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

2. Nasa ika-anim na baitang si Nilo. Handa na siyang pumasok sa mataas na paaralan sa susunod na pasukan. Maagang nanghihingi ng lista ng mga magaaral ang Mataas na Paaralan ng San Jose. Hinihingi ang mga impormasyong nauukol sa kanyang sariling pamilya. Nasagot niya lahat ang mga ito.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

3. Ang Munisipyo ay naglalaan ng pundo para sa mga kabataan.

Sa bakasyon, may dalawampung araw na pagtatrabaho ang

ilalaan sa paglilinis ng kalsada, mga parke at iba pang

pampublikong lugar. Tinatawag itong summer job. Gusto mong

mag-apply. Hinihingi sa aplikasyon ang petsa ng

kapanganakan ng inyong mga magulang. Hindi mo alam ang tamang petsa. Sinagutan mo ng mga petsang hula mo lang.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

4. Nakatanggap ka ng mensahe mula sa kaibigan mo. Gusto niyang lumabas ka ng bahay upang makita ang tatay mo at ang

kinakatagpo niya na sinasabing babae daw ng tatay mo. Hindi ka naniwala sa kaniya dahil wala kang sapat na basihan nito.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

5. Nabalitaan mo sa iyong facebook account na may isang matandang babae na palaboy-laboy. Nalaman mo na ang nasabing matanda ay ang ina ng tatay mo. Pinuntahan mo kaagad ang matanda at pinagalitan siya.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

6. Si Mang Ernie ay may mga kaibigan. Ilan sa kanila ay

nagtatrabaho sa ibang bansa. Ibinibigay niya sa mga ito ang

cellphone number at email address niya.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

7. Nagkasakit ang siyamnapung taong gulang na lola ni Efren. Tinatanong ng nars ng hospital ang PhilHealth number ng nanay niya. Ibinibigay niya ito.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

8. Nagbakasyon ang buong pamilya sa Baguio. May nakilala kang isang mestiso. Tinulungan ka niyang maghanap ng bangko na pagkukunan mo ng pera. Ibinigay mo ang PIN ng ATM mo para mapadali ang pag-withdraw.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

9. Gusto mong magkaroon ng bagong gadget. Kumuha ka ng hulugang laptop. Sa application form isinulat mo ang buong direksiyon ng tirahan mo.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

10. Nabasa mo sa iyong facebook account na may isang babaeng nanawagan kung sino ang nakakilala sa matandang palaboy- laboy sa kanilang lugar at hinahanap ang kanyang pamilya.

Nakita mo ang mukha ng matanda. Pinaalam mo sa kapitbahay mo na ang lola nila ay nakita sa facebook na matagal na nilang hinahanap.

a)

TAMA

b)

MALI