WorksheetsKOMPAN QUIZ 4
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
“Handa na ba kayo? “Ito ay pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa programang Rated K. Kahit hindi ka nakatingin sa telebisyon at naririnig ang kaniyang pagsasalita ay tiyak na malalaman mong si Korina nga ito dahil sa sarili niyang estilo sa pagbigkas.
Sosyolek
Dayalek
Etnolek
Idyolek
Uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan.
Diyalekto
Sosyolek
Idyolek
Etnolek
Ala! Ang kanin eh malate eh! Malata eh!
Sosyolek
Rehistro
Idyolek
Dayalek
Ala! Ang kanin eh malate eh! Malata eh!
Sosyolek
Rehistro
Idyolek
Dayalek
Wikang espesyalisadong nagagamit sa isang partiklar na domeyn.
Sosyolek
Register
Etnolek
Pidgin
Isang guro sa Filipino II si Bb. Bayot at mula sa iba’t ibang lugar nagmula ang kanyang mga mag-aaral. Sa oras ng klase sa araling rehistro ng wika, pinabigkas niya ang salitang ganda na may damdamin sa apat na mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang lugar.
Cavite: Aba, ang ganda!
Batangas: Aba, ang ganda ah!
Bataan: Kaganda ah!
Rizal: Ka ganda hane!
Anong paraan ng pagsasalita ang ginamit?
Sosyolek
Dayalek
Etnolek
Idyolek
Nagpunta sa David Salon si Coleen matapos makatanggap ng kaniyang
unang suweldo sa pabrikang kanyang pinagtatrabahuhan. Marami sa mga
tao sa loob ang gumagamit ng wika ng mga bakla o beki. Pamilyar na siya sa
ganitong salita dahil ito’y gamitin na saan mang panig ng bansa. Anong
barayti ng wika ang kanyang narinig?
Sosyolek
Dayalek
Etnolek
Idyolek
Sa iyong sariling palagay, bakit napapabilang sa barayti ng wikang jargon ang mga termino tulad ng account, balance, diagnosis at test paper?
Sapagkat ito ay may kaugnayan sa iba’t ibang hanapbuhay o larangan
Sapagkat ito ay mula sa isang partikular na komunidad
Sapagkat ito ay mula sa mga etnolingguwistikong grupo
Sapagkat ito ay wikang hindi pag-aari ninuman
Wika na kadalasan ay nagmula o sinasalita sa loob ng tahanan.
Dayalek
Etnolek
Idyolek
Ekolek
Barayti ng wika na sinasalita ng mga tao sa heograpikong komunidad.
Idyolek
Etnolek
Dayalek
Sosyolek
Ito ay pinauso at ginamit ng isang sangay ng lipunan natin na nakaugat sa kulturang popular ng kabataang gumagamit ng text messaging sa kanilang pakikipag-komunikasyon.
Rehistro
Jejemon
Homogeneous
Heterogeneou
Ang paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino sa programang “The Buzz” ay nakilala natin at naging marka ito ng kaniyang pagkakakilanlan sa larangan ng telebisyon. Anong barayti ng wika ito?
Etnolek
Taglish
Idyolek
Dayalek
Iisang anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit sa isang lingguwistikong komunidad.
Homogeneous
Bilingguwal
Heterogeneous
Heterogeneous
Ang wikang Filipino ay binubuo ng maraming kasalong wika, nananatili pa rin ang barayti at baryasyon nito kahit pa sabihing mayroong pambansang wika.
Multilingguwalismo
Bilingguwalismo
Heterogeneous
Homogeneous
Sa komersiyal ng brand ng gatas, ipinakita ang mga kagamitan ng mga kawani tulad ng laptop, autocad, T-square, blueprint at miniature. Sa anong larangan nabibilang ito?
Accountancy
Engineering
Arkitektura
Medisina
