WorksheetsREVIEW QUIZ EPP 4 (First)
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Ang tinapay, cereals, piniritong itlog, hotdogs at mainit na tsokolate ang kadalasang inihahain sa oras na ito.
Agahan
Tanghalian
Hapunan
Maaari itong ihain mula 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.
Agahan
Tanghalian
Hapunan
Ito ay inihahain mula 5:00 hanggang 9:00 ng umaga.
Agahan
Tanghalian
Hapunan
Bahagi nito ang sabaw, kanin, ulam na sagana sa protina, gulay at pang himagas na ihinahain sa kalagitnaan ng isang araw.
Agahan
Tanghalian
Hapunan
Inihahanda nito ang ating katawan para sa mga gawain sa maghapon.
Agahan
Tanghalian
Hapunan
Nararapat na matigas, tuyo ang balat at walang pasa ang gulay ito upang masiguro ang kalidad nito.
Sibuyas
Tangkay
Manok
Nararapat na siksik ang laman.Walang tubig sa pagitan ng balat at laman ang pagkaing ito upang masiguro natin na sariwa at bagong katay.
Saging
Isda
Manok
Ang palatandaan na sariwa at bago ang pagkain ito ay nararapat na magaspang ang balat at malinaw ang loob kung itatapat sa liwanag.
Itlog
Prutas
Isda
Walang masangsang na amoy, walang guhit o mantsang maitim sa kalamnan ang palatandaan kung sariwa ang pagkain ito.
Itlog
Isda
Karne
Malalaman natin na sariwa ang pagkaing ito kung malinaw ang mga mata, makintab ang kaliskis at nakadikit sa laman.
Itlog
Isda
Karne
Ang pagkaing ito ay nararapat na mabigat at naaayon sa kanilang laki, walang hiwa, sugat o butas-butas upang masiguro natin na ito ay sariwa at bagong pitas.
sibuyas
prutas
damo
Nararapat na malago ang dahon, matigas o malutong ang mga tangkay nito upang masiguro natin na sariwa ang pagkaing ito.
Sanga
Sibuyas
Gulay
Dapat mamula-mula at natural ang kulay malambot at siksik ang laman, ito ang palatandaan na sariwa ang pagkaing ito.
Itlog
isda
karne
Isa sa unang tinitingan upang malaman na sariwa ito ay dapat mapula ang hasang at walang masangsang na amoy.
Itlog
Isda
karne
Ito ay artipisyal na inihahalo sa pagkain na nangangahulugang hindi galing sa kalikasan kundi likha ng tao.
Food Additives
Food Snacks
Sawsawan
Ang yogurts ay nagtataglay ng artificial food additives na ito.
High Fructose Corn Syrup
High Fiber Corn Syrup
High Floss Corn Syrup
Halos lahat ng sitsirya at mga naka packed na soup ay nagtataglay ng food additives na ito.
Magnesium Glutamate
Monosodium Glutamate
Monosodium Sweeteners
Ito ay maaaring de kuryente o kaya ay ginagamitan ng LPG maaari din itong gamitan ng kahoy at uling.
Lutuan o kalan
Almires
Gadgaran
Ito ay gawa sa aluminum o stainless steel na karaniwang pinaglulutuan ng mga putaheng may sabaw.
Siyanse
Kaserola
Peeler
Ito ay gawa sa aluminum at ito ay ginagamit sa pagpiprito ng pagkain, paggigisa at pagsasangag.
kawali
kaldero
palanggana
Ito ay may iba’t-ibang gamit at sukat, ginagamit sa paghihiwa ng mga sangkap sa pagluluto
Mga Peeler
Mga Kutsilyo
Mga Sandok
Ito ay maaring gawa sa kahoy o bato(marmol) na ginagamit sa pagdidikdik ng bawang,paminta,sili at iba pa.
Peeler
Kaserola
Almires
Ito ay ginagamit sa pagpiprito ng isda, karne at iba pa, may iba’t-ibang laki rin ito.
Sandok
Kutsara
Siyanse
Ito ay gawa sa plastik o aluminum,may iba’t-ibang laki at ginagamit sa paggagadgad ng keso, kamoteng kahoy, carrots, ube at iba pa
Almires
Peeler
Gadgaran
Ito ay gawa sa plastik o kahoy,dito hinihiwa ang mga sangkap ng pagkaing lulutuin.
Sandok
Sangkalan
Kaserola
Ito ay ginagamit sa pagbubukas ng mga de latang pagkain tulad ng sardinas, gatas at iba pa.
Abrelata
Sandok
Peeler
Ito ay gawa sa metal at ginagamit sa pagtatanggal ng balat ng gulay at prutas.
sangkalan
peeler
almires
Ito ay gawa sa plastik o stainless steel na ginagamit sa pagsasala ng mga sangkap sa pagluluto.
sandok
kutsara
Strainer o Kolander
Dapat laging malinis ang pinaglulutuan.
Tama
Mali
Maging maingat sa paggamit ng mga kasangkapan sa bahay lalo na ang kutsilyo.
Tama
Mali
