WorksheetsImperpektibong Pandiwa
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Piliin ang tamang pandiwa na bubuo sa pangungusap.
__________ ngayon, ang mga tao sa paglilinis ng paligid.
kikilos
kumilos
kumikilos
pinakilos
Madalas_________ ang aming mag-anak kapag may reunion.
magkwentuhan
nagkukwentuhan
nagkwentuhan
magkukwento
Palagi akong ______ sa mga nangangailangan sa aming lugar.
tumulong
tutulong
tumutulong
natulong
Tuwing Linggo ay ________ kaming mag-anak sa Manila Cathedral.
sumimba
sumisimba
sisimba
nagsimba
Hanggang ngayon ay _________ pa rin ng magkakapatid ang kanilang kalat.
nilinis
nililinis
maglilinis
naglinis
________ ko ang aking takda ngayon sa tabi ni Mommy.
ginagawa
gagawin
nagawa
gagawin
Oras-oras ay ___________siya sa Panginoon na matapos na ang pandemya.
magdarasal
nagdarasal
nagdasal
dadasalin
________ ni Beth ngayon ang problema niya sa kanyang magulang.
Sasabihin
Sinabi
Sinasabi
Nagsabi
Tuwing Pasko, _________ ang aming pamilya sa aking lolo at lola.
dumalaw
dadalaw
dumadalaw
dadalawin
____________ naman palagi ang problema basta tayo ay nagtutulungan.
malutas
nalutas
malulutas
nalulutas
11.Tuwing umaga ay _________ ko ang aking mag gamit sa pag-aaral.
ayusin
aayusin
inaayos
inayos
12.Tunay na __________ ko ang aking pamilya palagi.
mahalin
minamahal
minahal
nagmahal
Ang bunso kong kapatid ay palaging __________.
umiyak
iiyak
nag-iyak
umiiyak
14. ___________ ko ang mga bote at plastic na walang laman sa aming kusina.
Kinuha
Kukunin
Kinukuha
Kumukuha
15.Madalas ko ring _________ ang kalagayan ng ating kapaligiran.
inisip
iniisip
isipin
nag-iisip
