Font size
WorksheetsG4-AP-Q1-2ndLT
Total questions: 75
Worksheet time: 1hrs 17mins
Sa kabuuan, ang klima ng bansa ay ______________.
mainit
malamig
tropikal
maulan
Ano ang posibleng dahilan kung bakit maraming iba’t ibang halaman at hayop ang matatagpuan sa Pilipinas?
Mahilig ang mga Pilipino sa mga halaman.
Madaling tumutubo ang mga ito sa Plipinas.
Mahaba ang tag-araw sa bansa at angkop sila dito.
May matabang lupa at angkop ang klima ng Pilipinas sa mga ito.
Ito ang tawag sa bilang ng mga taong naninirahan sa isang lugar.
industriya
agrikultura
populasyon
hanapbuhay
ito ay ang pagpaparami ng mga gawaing pamproduksiyon gaya ng pagpaparami ng mga hayop, halaman, at iba pa.Ito ay nakabatay sa pisikal na kalagayan ng isang lugar.
industriya
agrikultura
populasyon
hanapbuhay
Alin sa mga sumusunod ang dahilan bakit nakararanas ng iba’t ibang klima ang Pilipinas?
Dahil sa kinalalagyan nito sa mundo.
Dahil sa mabundok itong bansa.
Dahil sa iba’t ibang salik tulad ng temperatura, taas ng lugar, galaw ng hangin at dami ng ulan.
Dahil sa napaliligiran ito ng mga bansa.
Pinakamalawak, pinakamalaki, at pinakamalalim na anyong tubig
karagatan
ilog
bulkan
lambak
Ito ay umaagos na tubig
karagatan
ilog
bulkan
lambak
Isang mataas na anyong lupa na may butas sa tuktok nito
karagatan
ilog
bulkan
lambak
Ang Lambak ng Cagayan sa Hilagang Luzon ay isang halimbawa nito
karagatan
ilog
bulkan
lambak
Isang mataas na lupa ngunit mas mababa sa bundok
burol
bundok
bulubundukin
dagat
Iba’t-ibang mineral ang nakukuha rito tulad ng ginto, pilak, at tanso
burol
bundok
bulubundukin
peninsula
Tawag sa magkakakawing na bundok o magkakarugtong na mga bundok
burol
bundok
bulubundukin
peninsula
Kapag nakaramdam ng lindol at nasa loob ka ng bahay ay lumabas ka agad.
Tama
Mali
Ilagay ang mga babasaging bagay sa loob ng aparador.
Tama
Mali
Pagkatapos ng malakas na lindol, kaagad bumalik sa inyong tahanan upang malaman kung ano ang napinsala.
Tama
Mali
Kapag idineklarang walang pasok sa paaralan dahil sa bagyo, manatili sa bahay.
Tama
Mali
Hindi dapat iwanan ang tahanan nang walang bantay kahit na pinalilikas na ng mga awtoridad upang makaiwas sa panganib.
Tama
Mali
Dapat na maging kalmado kapag may sakuna upang makapag-isip nang mabuti.
Tama
Mali
Magdala ng maraming pagkain at inumin kung sakaling lilikas kung may banta ng malakas na bagyo.
Tama
Mali
Siguraduhing nakaharang sa pintuan ang mga upuan at lamesa para hindi makapasok ang tubig-baha.
Tama
Mali
Alamin ang pinakamalapit na ligtas na lugar kung sakaling lilikas kung may banta ng malakas na bagyo.
Tama
Mali
Kapag inabot ka ng lindol sa labas ng bahay, manatili sa open space at proteksiyonan ang ulo.
Tama
Mali
Ang _____________ ay pag-aaral ng katangiang pisikal ng lugar tulad ng lokasyon, hugis, sukat, lawak, klima,anyong-lupa, anyong tubig at iba pang pinagkukunangyaman.
HEOGRAPIYA
KLIMA
HANGIN
PANAHON
Ang ______ ay ang pangmatagalang kalagayan ng panahon sa isang lugar
HEOGRAPIYA
KLIMA
HANGIN
PANAHON
Ang ______ naman ay pansamantalang kalagayan ng atmospera na maaaring
magbago anumang oras
HEOGRAPIYA
KLIMA
HANGIN
PANAHON
Anu-ano ang nakaaapekto sa klima ng isang lugar?
Hangin at tubig
Topograpiya
Dami ng ulan
Lokasyon
Ang __________ ay isang pambansang institusyon sa Pilipinas na nilikha upang magbigay ng mga babala tungkol sa baha at sa mga bagyo.
PAGASA
MMDA
DOLE
PHILVOCS
Ito ay ang manaka-nakang ihip ng hangin
Monsoon
Hanging habagat (southwest monsoon)
Hanging amihan (northwest monsoon)
Hanging hilaga (north wind)
Ito ang hanging nagmumula sa timog-kanluran. Ito ay nakakaapekto sa bansa mula Mayo hanggang Oktubre. Malakas ang ulang dala nito.
Monsoon
Hanging habagat (southwest monsoon)
Hanging amihan (northwest monsoon)
Hanging hilaga (north wind)
Ito ang hanging kasabay ng hanging amihan.
Monsoon
Hanging habagat (southwest monsoon)
Hanging amihan (northwest monsoon)
Hanging hilaga (north wind)
Malawak na lupain na patag at mababa at ito ay angkop sa pagtatanim ng gulay, mais, at palay
Kapatagan
peninsula
bundok
burol
Patag na lupa sa ibabaw ng bundok
Kapatagan
talampas
bundok
burol
Anyong lupang napaliligiran ng tubig
Pulo
Peninsula
Bulkan
Kapuluan
Ang kapuluan o arkipelago ay binubuo ng iba’t ibang mga pulo
Pulo
Peninsula
Bulkan
Kapuluan
Ito ay mga anyong lupang nakausli at naliligiran halos ng katubigan
Pulo
Peninsula
Bulkan
Kapuluan
Maliit na bahagi ng karagatan
Dagat
Ilog
Lawa
Golpo
Ito ay napalilibutan ng lupa. Ang tubig dito ay hindi umaagos sa dagat at hindi maalat
Dagat
Ilog
Lawa
Golpo
Anyong tubig na halos napalilibutan ng lupa ngunit matatagpuan ito sa bukana ng dagat.
Dagat
Ilog
Lawa
Golpo
Ito ay karaniwang pook-pasyalan dahil sa magandang anyo nito. Ito ay bumabagsak mula sa bundok patungo sa mababang lugar
Dagat
Ilog
Lawa
Talon
Ito ay ang iba't ibang uri ng produksiyon o maaari ring pagmamanupaktura ng mga produkto o kalakal maging sa serbisyo.
industriya
agrikultura
populasyon
hanapbuhay
Ang ___________ ay isang lugar na tila hugis horseshoe ng magkakaugnay na mga oceanic trenches, volcanic arcs, at magkakarugtong na bulkan at tectonic plates na matatagpuan sa Pacific Ocean
Pacific Ring of Fire
Pulo
Kapuluan
Dagat
Ano ang ibig sabihin ng NDRRMC
Natural Disaster Risk Reduction and Management Council
National Disaster Risk Reduction and Management Council
National Disaster Risk Reduction and Management Center
National Disaster Risk Reduction and Managing Council
Sa mahigit 200 bulkan sa Pilipinas, ilan ang aktibo dito?
Dalawampu't-isa
Dalawang daan
Limampu
Isang Daan
Ito ay matatagpuan ito sa Gitnang Luzon. Pumutok ito noong 1991 mula sa pananahimik ng 600 taon. Libo-libong tao ang lumikas upang maiwasan ang rumaragasang lahar. Napakaraming tahanan at ari-arian ang natabunan ng abo, bato at putik.
Bulkang Pinatubo
Bulkang Mayon
Bulkang Taal
Bulkang Kanlaon
Ang aktibong bulkan na ito ay sumabog nang matindi noong 1814 na dahilan upang matabunan ang bayan ng Cagsawa. May mga pagsabog pa ito tulad noong 1897 at 2006. Ang huling pagsabog nito ay noong Enero 15, 2018. Hanggang sa kasalukuyan ay nagpaparamdam pa ito ng pagiging aktibo.
Bulkang Pinatubo
Bulkang Mayon
Bulkang Taal
Bulkang Kanlaon
Ang bulkang ito ang itinuturing na pinakamaliit na bulkan sa buong mundo. Kakaiba ito dahil napalilibutan ito ng isang lawa. Magmula 1911 ay manaka-nakang pumuputok ito.
Bulkang Pinatubo
Bulkang Mayon
Bulkang Taal
Bulkang Kanlaon
Ito ay tinagurian kambal na bulkan sa pagitan ng Negros Oriental at Negros Occidental. Aktibo ng isa at ang isa ay isa nang lawa. Ang bulkan ay pumutok na ng 25 beses mula noong 1866. Natahimik ito sa pagsabog noong 1985. Subalit noong 1996, muli itong sumabog.
Bulkang Pinatubo
Bulkang Mayon
Bulkang Taal
Bulkang Kanlaon
Ano ang ibig sabihin ng PHILVOCS
Philippine Volcanoligists
Philippine Volcanoes
Philippine Institute of Volcanology and Seismology
Philippine Information on Volcanoes
Ang Pilipinas ay kabilang dito at itinuturing na isang bansang insular o maritime, suliranin din ng bansa ang madalas na pagpasok ng mga bagyo sa kapuluan at ang mabilis na pagtaas ng tubig na nagiging sanhi ng pagbaha lalo na sa panahon ng tag-ulan.
typhoon belt
storm surge
Pacific Ring of Fire
climate change
Ang _______ ay tinatawag din na sakuna. Ito ay isang malaking kapinsalaan na dumarating sa mga hindi inaasahang pangyayari o pagkakataon at panahon. Ito ay maaaring gawa ng tao o natural ang dahilan ng pangyayari.
kalamidad
hazard map
panganib o hazard
geohazard map
Ang ________ ay mga pangyayaring likas o likha ng tao na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay , ari-arian, kabuhayan, o paghinto ng mga gawain
ng isang pamayanan
kalamidad
hazard map
panganib o hazard
geohazard map
Ang _________ ay mapa na nagpapakita ng mga lugar na madaling bahai. Magagamit ang mapang ito sa pagtukoy ng mga posibleng lugar na makararanas ng pag-apaw ng tubig, malalakas na pag-ulan, at maging daluyong.
kalamidad
hazard map
panganib o hazard
geohazard map
Ang _________ ay nagpapakita ng mga lugar sa Pilipinas na maituturing na mapanganib. Mapanganib ang lugar na ito dahil sa kanila lokasyon na sakop ng Pacific Ring of Fire. Nakatutulong ang mapang ito sa pagbibigay impormasyon tungkol sa sakunang maaaring mangyari sa mga taong naninirahan sa mga delikadong lugar na ito.
kalamidad
hazard map
panganib o hazard
geohazard map
Ito ay pagguho ng lupa dulot ng paglindol
landslide
tsunami
storm surge
flash flood
Ito ay matataas na alon sa dagat dulot ng paglindol
landslide
tsunami
storm surge
flash flood
Ang ________ ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat o
karagatan dulot ng lakas ng hanging dala ng bagyo.
landslide
tsunami
storm surge
flash flood
Nakatira sa tabing-dagat ang mag-anak ni Mang Joselito. Araw-araw
siyang nanghuhuli ng isda upang may maibenta. Dahil ditto, napagtapos niya ang
kaniyang mga anak sa pag-aaral.
FACT
BLUFF
Madalas daanan ng bagyo ang lugar nina Emma. Ang bahay nila ay
malapit sa mga bukubundukin. Dahil dito, ang bahay nila ay ligtas dahil
nagsisilbing panangga sa bagyo ang mga bundok.
FACT
BLUFF
Maraming naninirahan sa may baybayin ngunit hindi ligtas sa tuwing
may nagbabadyang storm surge.
FACT
BLUFF
Ang inyong lugar ay may malawak na kapatagan. Maraming mga
magsasaka ang nagiginhawahan dito dahil mainam ito na taniman ng palay .
FACT
BLUFF
Maganda ang Bulkan Mayon ngunit nagdadala ito ng panganib sa
tuwing pumuputok.
FACT
BLUFF
Nagsisilbing panangga sa mga bagyo.
Ito ang kahalagahan ng anong katangiang pisikal?
kapatagan
bulubundukin
bulkan
dalampasigan, ilog, lawa, talon
Nagsisilbing pasyalan dahil sa magandang hitsura nito kahit mapanganib.
Ito ang kahalagahan ng anong katangiang pisikal?
kapatagan
bulubundukin
bulkan
dalampasigan, ilog, lawa, talon
Matatagpuan ang malalaking taniman ng palay, tubo at mais.
Ito ang kahalagahan ng anong katangiang pisikal?
kapatagan
bulubundukin
bulkan
dalampasigan, ilog, lawa, talon
Piknikan, pangisdaan, nagbibigay saya lalo na sa panahon ng tag-init.
Ito ang kahalagahan ng anong katangiang pisikal?
kapatagan
bulubundukin
bulkan
dalampasigan, ilog, lawa, talon
Paano mo mapapatunayan na ang Pilipinas ay isang arkipelago?
binubuo ng maraming pulo
maraming katubigan
may malawak na lugar
may malaking kagubatan
Alin sa mga sumusunod ang maaring magsilbing panangga sa mga bagyong dumarating sa ating bansa?
matatarik na mga bangin
mahahabang bulubundukin
malalawak na mga kapatagan
matataas at aktibong mga bulkan
Ang mga bulkan na bagaman ay mapanganib pero maaari ring magsilbing _________ dahil sa mga angkin nitong kagandahan.
pasyalan
libangan
dausan ng konsyerto
pahingahan
Sa anong aspeto maaaring makatulong sa pag-unlad ang mga naggagandahang anyong tubig at anyong lupa ng Pilipinas?
turismo
kalusugan
edukasuon
kapayapaan
Ang pagkakaroon ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig sa Pilipinas ay may malaking ambag sa ________________.
pagbagsak ng ekonomiya ng bansa
pagdami na populasyon ng bansa
pagtaas ng bilang ng krimen sa bansa
pag-unlad ng bansa lalo na sa larangan ng turismo
Ano ang magandang naidulot ng pagiging masagana ng bansa sa mga katangiang pisikal?
kamalasan
kaunlaran
kakulangan
kahirapan
Bakit maraming dayuhan ang pumupunta sa Pilipinas?
dahil sa likas na kagandahan nito
dahil maraming magagandang Pilipina dito
dahil maraming malalaking gusali sa bansa
dahil marami ang bilang ng populasyon sa Plipinas
Ano ang magandang epekto ng pagkakaroon natin ng malawak na katubigan?
Ito ay mainam para sa pagbabangka o pagbibiyahe.
Ito ay maaaring maging daanan ng mga kalakal.
Ito ay maaaring pagkakitaan sa pamamagitan ng pangingisda.
Lahat ng nabanggit ay tama.
Paano nakatutulong sa bansa at mga Pilipino ang mga katangiang pisikal nito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Kung ang PANAHON ay tumutukoy sa pang-araw-araw na kalagayan ng atmospera, ano naman ang ibig sabihin ng KLIMA?
init o lamig ng atmospera
paggalaw ng hangin mula sa mababa patungo sa mataas na presyur
taglay na halumigmig ng atmospera
tagla
kondisyon ng panahon sa loob ng mahabang panahon
