wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP5 Q1 W3-Pagtataya

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: Basahing maigi ang bawat aytem. Piliin at BILUGAN ang letra ng tamang sagot. 1. Umiiyak ang isa ninyong kamag-aral na si Dahlia dahil nahihirapan siya sa pagsagot sa Gawain sa Matematika. Ikaw ay marunong sa asignaturang ito.

a)

A. Isumbong sa guro na umiiyak siya.

b)

B. Kakantiyawan na iyakin siya.

c)

C. Alukin ng tulong sa pagsagot ng gawain

d)

. D. Huwag itong pansinin.

2.

Mayroon kayong proyekto sa EPP at kinakailangan na itong isumite sa makalawa. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Manghingi ng pera sa nanay para bibili nalang

b)

B. Gagawin ang proyekto sa abot ng makakaya.

c)

C. Iiyak sa nanay para tulungan ka niya.

d)

D. Magpagawa sa kaklase.

3.

Mahusay kang gumawa ng tula kaya naatasan ka ng inyong guro na gumawa ng isang jingle para sa Nutrition Month.

a)

A. Tatanggi sa guro dahil nahihiya ka.

b)

B. Tatanggapin ngunit masama ang loob.

c)

C. Maki-usap sa guro na kung pwede ay yung ibang kaklase nalang ang gagawa.

d)

D. Tatanggapin ng maluwag sa kalooban at husayan ang pagbuo ng jingle.

4.

Mayroon kayong takdang-aralin tungkol sa paggawa ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng edukasyon.

a)

A. Magsaliksik sa internet at kopyahin nalang lahat ng nakasulat doon.

b)

B. Magsaliksik sa internet, basahin at intindihin at kukuha lamang ng ideya.

c)

C. Magpaggawa nalang sa nakakatandang kapatid para mataas ang makukuhang iskor.

d)

D. Hindi nalang gagawa dahil masyadong mahirap ito.

5.

Nahalal kang president ng inyong klase. Alam mo na marami itong gawain na gagampanan.

a)

A. Sisikapin itong gampanan ng mabuti at buong husay

b)

B.Uutusan palagi ang ibang miyembro.

c)

C.Pabayaan ang responsibilidad sa klase.

d)

D.Mas paghusayan ang pagganap ng responsibilidad bilang president at pabayaan ang pag-aaral.

6.

Sina Ronald, Jameson at Ric ay mahusay sumayaw. Nangangailangan pa ng miyembro ang kinabibilangan mong Dance Troup.

a)

A. Huwag sila pasalihin baka mas maging sikat sila kaysa sayo.

b)

B. Hikayatin silang sumali sa grupo na kinabibilangan mo.

c)

C. Sasabihan na sumali nalang sila sa ibang grupo ng mananayaw.

d)

D. Pasalihin sila sa grupo ninyo pero magbigay ng mga kondisyon.

7.

Si Rene ay magaling sa pagguhit. Ano ang pwede niyang gawin para maibahagi sa iba ang ang kanyang talento?

a)

A. Gumuhit ng libre.

b)

B. Gumuhit para sa sarili.

c)

C. Maging mapili sa tuturuang gumuhit.

d)

D. Magturo sa mga gustong matutong gumuhit.

8.

Maingay ang klase ni Mr. Dizon sa kadahilanang agaran siyang ipinatawag ng punongguro upang kausapin. Nag-iwan siya ng gawain at inatasan si Romeo na mangasiwa muna sa mga kamag-aral at magpatahimik. Ano ang dapat gawin ni Romeo?

a)

A. Ilista lahat ng kaklase, maingay man o hindi.

b)

B. Manguna sa pag-iingay

c)

C. Pagsabihan ang mga kaklase na maingay, patayo-tayo at hindi gumagawa.

d)

D. Papayagan ang kaklase na lumabas at pumunta ng canteen.

9.

Nakita mong parati nalang natutulog sa klase si Roger. Parati itong inaantok dahil sinabi niya sa iyo na inabot siya ng hatinggabi sa paglalaro ng kompyuter games.

a)

A. Isumbong ito sa guro para mapagsabihan ito.

b)

B. Hayaan mo lamang siya na parating tulog sa klase.

c)

C. Pakopyahin nalang ito sa pagsusulit dahil kawawa naman.

d)

D. Magpaturo rin kay Roger ng nilalaro niya sa kompyuter.

10.

Isa ka sa mga pinaki-usapan ng inyong guro na tumulong sa pagtuturo tuwing recess kina Rose, Jian, at Liza na nahihirapan sa pagbabasa.

a)

A. Sasabihin sa guro na hindi ka rin masyado marunong magbasa.

b)

B. Tatanggi ka dahil napakahirap silang turuan.

c)

C. Tanggapin ng buong gayak ang responsibilidad na maibahagi ang kaalaman.

d)

D. Tuturuan sila pero palihim mong hingan ng bayad ang mga ito.