WorksheetsESP Pasulit 1.1
Total questions: 15
Worksheet time: 11mins
Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita na sila ay nakaaangat sa buhay.
Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
pinagsama ng kasal ang magulang
pagkakaroon ng mga anak
mga patakaran sa pamilya
Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.
Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya.
Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa iskwela.
Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
“Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.
Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.
Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng
pakikipagkapwa-tao.
Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
May disiplina ang bawat isa
Buo at matatag
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay?
Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.
Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
“Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay?
Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa
Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao.
Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan.
Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
Ang mga sumusunod ay ang mahahalagang misyon ng pamilya MALIBAN sa ___________________.
Pagbibigay ng edukasyon.
Paghubog sa pananampalataya.
Paggabay sa mabuting pagpapasiya.
Pagpapatupad ng mga batas trapiko.
Alin sa mga institusyong ito ang gumagabay upang gawing makatao at mapagmahal ang isang tao sa lipunan?
Paaralan
Pamahalaan
Pamilya
Simbahan
5.Ang pamilya ay ang orihinal na paaralan ng pagmamahal. Ang pangungusap na ito ay ________
tama, sa pamilya lubusang umiiral ang pagmamahal nang walang hinihintay na kapalit.
tama, binibigyang-halaga ang bawat kasapi ng pamilya sa
kontribusyong naiaambag niya rito.
mali, ang pagganap ng mga tungkulin ang natatanging dahilan ng pagmamahalan sa loob ng pamilya.
mali, ang bawat kasapi ng pamilya ay maaaring napapalitan kapag hindi niya naisagawa ang kaniyang gampanin.
Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng
pakikipagkapwa tao.
Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalagang mahubog ng mga magulang ang pananampalataya ng mga anak MALIBAN sa __________
magiging maayos ang binubuong pansariling pananaw.
nagiging malapit ito sa Diyos at gumawa nang ayon sa utos nito.
hindi ito gagawa ng masama at lumaki itong may takot sa Diyos.
nagiging makabuluhan ang pag-iisip na naaayon sa kagustuhan ng Diyos.
Likas sa bawat miyembro ng pamilya ang pagtulong sa kapwa dahil ______
isa ito sa mga paraan ng pagmamalasakit sa iba.
mas napapatibay nito ang ugnayan sa sariling pamilya.
wala nang iba pang magtutulungan kundi ang bawat kasapi ng
pamilya.
kaligayahan ng bawat kasapi ang makitang mabuti ang kalagayan ng iba.
