WorksheetsNagagamit ang magagalang na pananalita
Total questions: 5
Worksheet time: 3mins
Nasalubong mo ang iyong guro sa palengke na hindinakauniporme, anong sasabihin mo sa kanya?
“Mamamalengke ka Ma’am?”
hindi papansinin tutal wala naman kayo sa paaralan
“Magandang araw po Ma’am, mamamalengke po ba kayo?”
babanggain mo ang kanyang balikat sabay sabing, “Hello Ma’am”
Galing ka sa paaralan, anong gagawin at sasabihin mo pagdating sa inyong bahay?
“Ma! Anong ulam natin ngayon?”
dadaanan lang ang mga magulang sa sala at deretso sa kuwarto upang makapaglaro sa cellphone
“Magandang hapon po itay, inay” sabay mano sa kanilang mga kamay.
darating sa bahay na parang wala lang, uupo at kakain sa mesa
Maganda ang palabas sa telebisyon at nanonood ka ngunit inilipat ng tatay mo sa basketbol na paborito rin niya. Anong sasabihin mo sa kanya?
“Pwede po bang tapusin ko muna ang palabas, ‘tay?”
“Ooppss! Ano ba ‘yan nanonood ako.”
“Nakaiinis naman ang matanda dito sa bahay!”
“Naku! Ano ba ‘yan, nakaiirita ka ‘tay.”
May matandang nagtatanong sa iyo at hinahanap ang direksyon ng bahay ng kakilala niya ngunit hindi mo alam. Anong isasagot mo?
“Hindi ko alam,” sabay talikod
“Sorry po Lola, hindi ko po alam, tutulungan na lang kitang magtanong”.
ituturo ang direksyong hindi naman totoo para lamang umalis ang matanda
“Lola, hindi ‘yan dito nakatira,” at tatakbong palayo
Tinatawag ka ng nanay mo at mayroong gustong iutos sa iyo. Anong isasagot mo?
“Pagod ako ‘nay!”
“Nandiyan na po ‘nay!”
magdadabog sabay sabing “palagi na lang ako!”
“Basta ang sukli sa akin ha?”
