wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 6

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Tumutukoy sa _____________ ang mapanuring pag-iisip.

a)

pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin

b)

pagtatanong sa iyong guro ng kaniyang opinyon

c)

pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba

d)

pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya

2.

Nakita mong nagsusunog ng plastic at iba pang mga basura ang kaibigan mo sa bakuran nila. Ano ang gagawin mo?

a)

Isusumbong ang buong pamilya sa kapitan ng barangay.

b)

Awayin ang kaibigan dahil sa kaniyang pagpapabaya sa kalikasan.

c)

Ipaliwanag sa kaniya ang pinsalang dulot nito sa tao at sa kalikasan.

d)

Pababayaan lang siya dahil sa kanilang bakuran naman nangyari ito.

3.

Narinig mo mula sa isang programa sa TV ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang malusog at malinis na pangangatawan. Nananawagan sila na kailangan mong seryosohin ang pangangalaga sa iyong sarili lalo na ngayon sa pahanon ng pandemya. Paano mo matutugunan ang panawagang ito?

a)

Araw-araw maglaro ng ML at iba pang online games

b)

Palagiang magpagod sa pagtulong sa mga gawaing-bahay.

c)

Gabi-gabing magpupuyat sa panood ng paboritong telenovela.

d)

Piliting kumain ng mga masusustansiyang pagkain kahit hindi ito gusto.

4.

May patalastas sa TV tungkol sa isang produkto na mabisang makagagamot sa tagihawat. Hinimok ka ng iyong mga kaibigan na bumili nito upang tulad nila masosolusyunan na rin ang matagal mo nang dinadalang problema sa balat. Alam mong hindi ka mahihirapang bumili nito dahil maraming suplay nito sa botika. Ngunit, may kamahalan ito at kapos ang pamilya mo sa pera ngayon. Pansamantalang natigil kasi ang ama mo sa kaniyang trabaho dahil sa ipinatutupad na quarantine sa inyong lugar. Bibili ka ba sa produktong ito?

a)

Oo, dahil marami na sa iyong mga kaibigan ang gumagamit nito.

b)

Oo, dahil ito na ang sagot sa matagal mo nang problema sa balat.

c)

Hindi, dahil pare-parehong di-makatotohanan ang lahat ng patalastas.

d)

Hindi, dahil hindi ito prayoridad na panggagamitan ng pera sa ngayon.

5.

Nabalitaan mo sa radyo na sangkot daw sa pagbebenta ng shabu ang tatay ng kaklase mo. Depensa naman ng kaklase mo na napagbintangan lang ang tatay niya sa kaso. Paano mo ngayon pakikitunguhan ang nasabing kaklase?

a)

Hindi mo na siya kikibuan magmula ngayon

b)

Pagtawanan siya at sabihing siya ay nagsisinungaling.

c)

Layuan ang kaklase bago siya makaiimpluwensiya sa iyo ng masama.

d)

Bigyan mo siya ng lakas ng loob dahil nahihirapan din siya sa ngayon.

6.

May isang di kilalang tao ang lumapit sa iyo paglabas mo ng paaralan. Isinasama ka niya sa isang lugar at sinabing magkakaroon ka ng lahat ng mga laruan at tsokolate na nais mo. Pero hindi mo dapat sabihin kahit kanino, lalo na sa iyong mga magulang at guro ang kaniyang pag-anyaya. Ano ang gagawin mo?

a)

Agad na babalik sa paaralan

b)

Tatawagin ang guwardiya ng paaralan at sasabihin dito ang nangyar

c)

Lalapit sa iba pang mag-aaral at unti-unting lalayo sa di kilalang tao

d)

Lahat ng pagpipiliang sago

7.

May lalaking nagsabi sa iyo na ibigay ang isang maliit na pakete sa isang taong naghihintay sa tindahan. Nangako siyang bibigyan ka ng P500 kapag ginawa mo ito para sa kaniya. Ano ang gagawin mo?

a)

Magsasabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao

b)

Hahanapin muna ang alok na P500 bago sumunod

c)

Sasabihin sa kamag-aral mo na samahan ka sa tindahan

d)

Sasabihin agad sa iyong guro at/o mga magulang ang nangyayar

8.

Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga magulang na pumili ng tamang kaibigan. May mga pagkakataon na gusto mong magdesisyong mag-isa. Susundin mo ba ang iyong mga magulang tungkol sa pagpili ng kaibigan

a)

Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong pasamahin.

b)

Gagawin ko ang gusto ko. Ako naman ang pipili ng kaibigan

c)

Pag-iisipan ko. Gusto ko rin kasi ang magdesisyon mag-isa.

d)

Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng magulang para sa kanilang anak.

9.

Papunta ka sa silid-aklatan nang hiramin ng kaibigan mo ang aklat mo sa Math. Ipinangako niyang isasauli iyon pagkaraan ng dalawang oras. Matagal kang naghintay, pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang magiging reaksiyon mo?

a)

Hindi ko na siya ituturing na kaibigan

b)

Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi ko lang siya gagamit.

c)

Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na pinag-usapan.

d)

Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga gamit.

10.

Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na magpunta pagkatapos ng iyong klase sa isang video shop na malapit sa inyong paaralan. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka nang maaga dahil mayroon siyang ipagagawa sa iyo. Ano ang gagawin mo?

a)

Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao

b)

Ipaalam sa magulang ang sitwasyon

c)

Kausapin sila at ipaunawa na ang pakikinig sa utos ng magulang ay mas higit pa kaysa sa sariling kasiyahan

d)

Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain