NEW
Font size
WorksheetsPagbibigay ng hinuha
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Gumising nang maaga si Vincent. Naligo, kumain, nagsipilyo at nagsuot ng uniporme.
a. mamimili sa palengke
b. papasok sa paaralan
mamasyal sa plasa
manonood ng sine
Kumuha ng palanggana si Aling Lita, hiniwalay niya ang mga puti sa may kulay na damit. Nilagyan ng tubig at sabon ang palanggana. Ano kaya ang susunod na gagawin ni Aling Lita?
a. isasampay ang mga damit
maglalaba ng may kulay na damit
unang lalabhan ang puting damit
babanlawan ang mga damit na iba-iba ang kulay
Uminom ng mainit na kape si Bob nang madaling araw, kinuha niya ang lambat at nilabas ang bangkang de-motor.
maliligo sa dagat
mag-iigib ng tubig
maglalayag siya upang mangisda
mamasyal sa karagatan upang makalanghap ng sariwang hangin
Tuwing hapon nagwawalis ng silid-aralan si Tony. Subalit ng hapong iyon hindi siya nakapaglinis dahil tinawag siya ng kaniyang guro at pinagsabihang magdala ng pala, kalaykay at panghakot sa lupa. Ano kaya ang gagawin niya?
magsusunog ng mga basura
gagawa ng plot para taniman
maglilinis ng palikuran ng paaralan
magrerepaso para sa paligsahan
Si Justine ay naghahanda ng iluluto, ang sumunod ng mga sangkap ay itlog, asin, mantika, sibuyas at kamatis. Ano kaya ang lulutuin niya?
hot cake
scrambled na itlog
nilagang itlog
sunny side-up na itlog
May humintong ambulansiya sa tapat ng bahay ni Gng. Teresita Mendoza. Maramimg tao ang nag-usyoso sa mga pangyayari. Ano kaya ang nangyari kay Gng Mendoza?
Dadalhin sa ospital si Gng Mendoza.
Naubusan ng gasolina ang ambulansiya.
Napahinto lamang ang ambulansiya
May hinatid lamang ang tsuper ng ambulansiya kay Gng Mendoza.
Maraming mag-aaral ang huminto ngayong pasukan dahil sa Covid-19. Bakit kaya sila huminto sa pag-aaral?
Ayaw na nilang mag-aral.
Natatakot sa bagong guro.
Walang perang pangtustos ang kanilang magulang.
Natatakot silang madapuan ng hindi nakikitang sakit na ito
Kaaarawan ni Steve ngayong araw subalit hindi man lamang naalala ng kaniyang mga magulang. Ano ang gagawin ni Steve?
Matutulog na lamang siya.
Hindi siya uuwi ng kanilang bahay.
Magtatampo siya sa kaniyang mga magulang
Itatakwil ni Steve ang kaniyang mga magulang.
Nadulas si Alvin sa balat ng saging dahil hindi tinapon ng kaniyang kapatid sa basurahan. Ano kaya ang susunod na gagawin ni Alvin?
Gumanti siya sa kapatid
Pinagalitan niya ang bunsong kapatid
Pinagsabihan ang kapatid na dapat itapon sa tamang lalagyan ang mga basura.
Pinagalitan ng kanilang ina si Alvin
Nanalo si Biene sa lotto ng sampung milyong piso. Ano kaya ang gagawin niya sa napalunang pera?
Ibibigay lahat sa mga pulubi.
Idedeposito niya ito sa bangko.
Gagastuhin niya lahat ang napanalunang pera sa isang araw
Ibibili niya ng maraming cellphone.
