wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test 1 AP 5 Q1 M1-2

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Batay sa isang alamat, bakit ninais ng isang ibon na paglabanin ang langit at dagat?

a)

Ibig niyang malibang.

b)

Gusto niyang makakita ng nag-aaway.

c)

Nais ng ibon na masabing makapangyarihan.

d)

Napagod na siya sa paglipad at nais niyang magkaroon ng pahingahan.

2.

Paano nabuo ang mga platong tectonik batay sa plate tectonic theory? Dahil ________________.

a)

sa paghagis ng mga higante ng bato.

b)

sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa.

c)

sa lamig na nagmumula sa pinakailalim ng mundo.

d)

sa pagsabog ng bulkan sa ilalim ng dagat at mga paglindol.

3.

Bakit gumagalaw ang ibabaw ng mundo na binubuo ng malalaking tipak ng malalaking bato?

a)

madalas ang pag-ulan

b)

naghahagis ang mga higante ng bato

c)

sa init na nagmumula sa pinakailalim ng mundo

d)

sa lamig na nagmumula sa pinakailalim ng mundo

4.

Paano nalililkha ang malalim na bahagi ng karagatan batay sa plate Tectonic theory? Dahil sa ________.

a)

pagkakaroon ng puwang dahil sa pagkakabaluktot ng plato.

b)

lamig na nagmumula sa pinakailalim ng mundo.

c)

init na nagmumula sa pinaubod ng mundo.

d)

pagdami ng tubig sa ilalim ng mundo.

5.

Ayon sa isang alamat, bakit ninais ng asawa ng datu mamatay ang tatlo nitong anak?

a)

May inggit siya sa mga anak ng datu.

b)

Nais niyang mapasakamay ang kaharian.

c)

Ibig niyang siya lang ang mahalin ng datu.

d)

Nais niyang may ibang magmamana ng kapangyarihan ng datu.

6.

Bakit umalis ang amang higante at iniwan ang tatlong anak na babae?

a)

Nais niyang lumangoy.

b)

Maghahanap siya ng malilipatan.

c)

Mangangaso siya sa kabilang pulo.

d)

Mangingisda siya para sa kanilang pagkain.

7.

Paano nalikha ang malalalim na bahagi ng karagatan?

a)

sa dalas ng pag-ulan

b)

sa paghuhukay ng tao

c)

sa paggalaw ng mga plato

d)

sa pagkakabaluktot ng plato, nagkakaroon ng guwang sa pagitan nito

8.

Paano nakatakas ang tatlong prinsesang anak ng datu?

a)

Tinulungan sila ng kanilang ama.

b)

Itinaboy sila ng kanilang madrasta.

c)

Inalalayan sila ng mga katulong nila.

d)

Tinulungan sila ng mga mapagkakatiwalaang kawal.

9.

Bakit bumuhos ang malakas na ulan habang nasa dagat ang tatlong prinsesa?

a)

Ipinagdasal iyon ng tatlong prinsesa upang di sila makita ng madrasta.

b)

Ginamitan ng mahika ng kanilang madrasta.

c)

Dahil may bagyo noong araw na iyon.

d)

Panahon ng tag-ulan noon.

10.

Bakit nagulat ang marami pagkatapos ng malakas na ulan?

a)

Nagkaroon ng pagbabago sa kulay ng tubig.

b)

Dahil sa pagsulpot ng mga bagong pulo.

c)

Maraming dumi ang nakita sa dagat.

d)

Biglang lumiit ang tubig sa dagat.

11.

Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?

a)

3°- 22° Hilagang Latitud at 114°-126° Silangang Longhitud

b)

4°- 21° Hilagang Latitud at 116°-127° Silangang Longhitud

c)

5°- 26° Hilagang Latitud at 120°-137° Silangang Longhitud

d)

6°- 27° Hilagang Latitud at 126°-139° Silangang Longhitud

12.

Bakit sinasabing ang Pilipinas ay isang arkipelago?

a)

Ito na nasa Timog-Silangang Asya.

b)

Napalilibutan ito ng mga aktibong bulkan.

c)

Binubuo ito ng mga maliliit at malalaking pulo.

d)

Matatapuan dito ang naglalakihang mga puno.

13.

Paano kinukuha ang tiyak na lokasyon ng isang lugar?

a)

Tukuyin ang mga nakapalibot ditong bansa.

b)

Alamin ang mga katubigang nasa paligid nito.

c)

Hanapin ang kung saan matatagpuan gamit ang guhit latitud.

d)

Paggamit ng grid o espasyong nabubuo sa pagtatagpo ng guhit latitud at longhitud sa mapa.

14.

Ang Pilipinas ay binubuo ng _______ na pulo.

a)

7,105

b)

7,306

c)

7,451

d)

7,641

15.

Nababahagi ang mga pulo ng Pilipinas sa tatlong kumpol na mga pulo - Luzon, Visayas at _______________ ?

a)

Cebu

b)

Davao

c)

Metro Manila

d)

Mindanao

16.

Saan rehiyon ng Asya matatagpuan ng Pilipinas?

a)

Hilaga

b)

Kanluran

c)

Timog

d)

Timog Silangan

17.

Ang Bashi Channel ay matatagpuan sa bahaging _________ng Pilipinas.

a)

Hilaga

b)

Kanluran

c)

Silangan

d)

Timog

18.

Ano ang pinagbabatayan kung tutukuyin ang lokasyong insular ng isang bansa?

a)

anyong lupa

b)

anyong tubig

c)

laki ng bansa

d)

likas na yaman

19.

Kung ang Taiwan ay nasa hilaga ng Pilipinas., anong bansa naman ang nasa timog nito?

a)

Cambodia

b)

Indonesia

c)

Thailand

d)

Vietnam

20.

Bakit maraming dayuhanang nakarating sa ating bansa at nakipagkalakalan?

a)

Maganda ang lokasyon ng ating bansa.

b)

Lahat ng mamamayan ng bansa ay mangangalakal.

c)

Ito lang ang tanging bansa tumatanggap sa mga dayuhan.

d)

Maraming kaibigan ang mga katutubong Piiipino mula sa ibang bansa.