WorksheetsMga Pagbabago sa Solid, Liquid at Gas bunga ng Temperatura
Total questions: 10
Worksheet time: 30mins
Alin sa mga sumusunod ang Tama tungkol sa solid?
A. Ang solid ay hindi nakikita.
B. Ang solid ay walang bigat.
C. Ang solid ay walang tiyak na hugis.
D. Ang solid ay may sariling hugis, kulay at tekstura.
Ang mga sumusunod ay katangian ng solid maliban sa isa, alin ito?
A. dumadaloy
B. nahahawakan
C. may sariling hugis
D. may tekstura
Ang buhangin, papel de liha, langka ay mga bagay na inuri sa pamamagitan ng_____.
A. hugis
B. tekstura
C. kulay
D. sukat
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng solid maliban sa isa, alin ito?
A. pisara
B. krayola
C. holen
D. gatas na evaporada
Kapag ang tubig sa baso ay inilagay mo sa freezer, ano ang mangyayari dito?
A. titigas
B. matutunaw
C. liliit
D. mawawala
Ano ang nangyari sa kandilang natutunaw kapag ito ay lumamig?
A. lumambot
B. naglaho
C. tumigas
D. nag-iba ang kulay
Ang mga sumusunod ay maaaring magpalit ng anyo kapag pinalamig maliban sa isa, alin ito?
A. tubig
B. ice candy
C. tinunaw na floor wax
D. bakal
Alin sa mga sumusunod na proseso ang tawag sa pagbabagong anyong liquid tungo sa solid?
A. evaporation
B. freezing
C. melting
D. sublimation
Ano ang mangyayari sa tinunaw na mantekilya kapag inilagay ito sa freezer?
A. magbabagong anyo ito tungo sa solid
B. magbabagong anyo ito tungo sa gas
Alin sa mga sumusunod na solid ang matigas?
A. lapis
B. papel
C. upuan
D. bato
