wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GRADE 8 FILIPINO REVIEW

Total questions: 15

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

“Ang masamang ugali ay isusuka ng lipunan” ito ay halimbawa ng:

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Sawikain

d)

Palaisipan

2.

Ito ay paraan ng paglalahad ng pagkakatulad o pagkakaiba.

a)

Magkatulad

b)

Di Magkatulad

c)

Palamang

d)

Paghahambing

3.

Piliin sa mga sumusunod na halimbawa ang BULONG.

a)

Ang batang makulit, napapalo sa puwit

b)

Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.

c)

Ang batang iyakin, nagiging mutain.

d)

Tabi, tabi po… makikiraan lang po.

4.

Ang mga katangian ng karunungang-bayan na SAWIKAIN ay ang mga sumusunod maliban sa:

a)

Tuntunin ng kagandahang-asal

b)

Nagtataglay ng talinghaga

c)

Tinatawag na idyoma

d)

May eupimistikong pahayag.

5.

Alin sa mga sumusunod ang totoo sa karunungang-bayan na BULONG?

a)

Ito ay anyong tuluyan

b)

Tinatawag na MOTHER GOOSE RHYMES

c)

Pahayag na ginagamit sa pangkulam o pangontra sa kulam

d)

Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan

6.

Magsingganda ang aking guro sa Filipino at English. Anong uri ng paghahambing ang makikita sa pangungusap.

a)

magkatulad

b)

palamang

c)

pasahol

d)

di magkatulad

7.

Piliin kung anong pangungusap ang nagpapakita ng paghahambing na PASAHOL.

a)

Di-hamak na malinaw ang dagat sa Batanes keysa Batangas.

b)

Si Gina ay higit na may mahabang buhok kompara sa kambal niya.

c)

Ang problemang kinaharap ngayon ng Pilipinas ay di gaanong nabibigyang pansin.

d)

Kapwa matalino ang lumahok sa paligsahan.

8.

Ang markang aking nakuha ay mas mataas sa marka ng aking kaibigan. Anong salita sa pangungusap

ang nagpapakita ng paghahambing?

a)

marka

b)

mas mataas

c)

kaibigan

d)

nakuha

9.

Ang Filipino _____ English ay hindi ko inisip na mahirap na asignatura pala.

a)

maging

b)

saka

c)

habang

d)

kaya

10.

Ang Martial Law ay walang ibinigay na kabutihan sa ating mga Pilipino ______ ang sigaw ng mga tao ay “NEVER AGAIN.”

a)

sapagkat

b)

kaya

c)

sana

d)

habang

11.

“Vote Wisely!” Sigaw ng maraming Pilipino. ___________ paulit-ulit natin itong naririnig, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nagbebenta ng boto.

a)

bagama't

b)

samakatwid

c)

maging

d)

saka

12.

_______ sa kabi-kabilang pambabatikos sa ama ni Bongbong Marcos na si Ferdidand Marcos, marami ang bumatikos sa artistang si Toni Gonzaga dahil naging daan daw ang kanyang panayam sa pagkakaroon ng “Historical Revisionism.”

a)

kaya

b)

dahil

c)

sakali

d)

maging

13.

Ang hudyat na tuloy, kaya, at sapagkat ay nagpapahayag ng bunga o resulta.

a)

tama

b)

mali

c)

maaari

d)

lahat ng sagot ay tama

14.

Ito ang unang hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik.

a)

Paglilimita ng paksa

b)

Pagpili ng paksa

c)

Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya

d)

Pagrerebisa

15.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng salawikain maliban sa:

a)

Kung ano ang puno, siya ang bunga.

b)

Nye, nye nye, matapang ka’t nasa bakuran.

c)

Kung walang tiyaga, walang nilaga.

d)

Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.