NEW
Font size
WorksheetsPonemang Suprasegmental (Graded & Recorded)
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Alin sa mga sumusunod ang angkop na pahayag gamit ang tono bilang patunay na masaya ka sa iyong pagbabago?
Nagbago na ako.
Nagbago na ako?
Nagbago na ako!
Nagbago na, ako.
Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag ang pagpaparating ng tamang damdamin sa pagpapahayag. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga ponemang suprasegmental?
Intonasyon, Tono at Punto
Haba at Diin
Palaisipan
Hinto o Antala
Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi-kolon at kolon sa pagsulat upang maipakita ito.
Intonasyon, Tono at Punto
Hinto o Antala
Haba at Diin
Palaisipan
Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito?
“Hindi, akin ang makapal na aklat na iyan!”
Sinasabing hindi sa kanya ang aklat na itinuturo.
Sinasabing siya ang may-ari ng aklat na itinuro.
Sinasabing hindi makapal ang aklat.
Sinasabing makapal ang aklat na itinuturo.
Piliin sa mga larawan ang kahulugan ng salitang Upo, na nasa unang pantig ang diin.
Hindi namin namalayan, bukas pala ang aming pinto.
Nasaan ang diin sa salitang bukas sa pangungusap.
buKAS
BUkas
Alin sa mga sumusunod ang pahayag para sa senaryong:
Ipinakikilala mo ang iyong ama sa iyong guro.
Si John ang aking tatay/
Sir/ John/ ang aking tatay/
Sir John/ ang aking tatay/
Ang aking tatay ay si Sir John/
Saan makikita ang antala sa pahayag kung ituturo mo kay Isabel na ang babae sa may pintuan ang nanalo sa patimpalak sa pagbigkas ng tula.
Siya ang nanalo sa patimpalak/ si Isabel/
Si Isabel/ ang nanalo sa patimpalak sa pagbigkas ng tula/
Isabel/ siya ang nanalo sa patimpalak sa pagbigkas ng tula/
Si Isabel ang nanalo sa patimpalak sa pagbigkas ng tula/
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag na ipinakikilala mo ang isang kaibigan sa dalawang tao?
Rodrigo Jose ang aking kaibigan./
Rodrigo/ Jose /ang aking kaibigan./
Rodrigo Jose /ang aking kaibigan./
Rodrigo /Jose/ ang aking kaibigan?
Magpasalamat tayo at tayo ay buHAY pa rin sa kabila ng pandemyang ito.
biyaya ng Diyos
hindi patay
Tumutukoy sa lakas ng bigkas ng pantig ng salita.
antala
diin
tono
Tumutukoy sa taas-baba na iniuukol sa pagbibigkas ng pantig ng isang salita.
antala
diin
tono
Tumutukoy sa saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.
antala
diin
tono
Ang mga _____ ay singkit.
HApon
haPON
Natumba ang ____ ng santol.
puNO
PUno
