Font size
WorksheetsMaikling Pagsusulit (Gamit ng Wika sa Lipunan)
Total questions: 20
Worksheet time: 19mins
1. Gusto kong linisin mo ang iyong kwarto! Mga salitang nasambit ni Anna sa kaniyang kapatid sa sobrang galit. Anong gamit ng wika ang ipinakita sa sitwasyon?
A. Imahinatibo
B. Heuristiko
C. Impormatibo
D. Instrumental
2. Habang bumibili si Nene sa tindahan, nalaman niya na wala ng pasok sa kadahilanang signal no. 3 na ang bagyo sa kanilang lugar. Anong gamit ng wika ang ipinakita sa sitwasyon?
A. Regulatori
B. Heuristiko
C. Impormatibo
D. Interaksyonal
3. Si Marco ay nasa ikalimang baitang ng elementarya at nagkaroon sila ng takdang aralin kung bakit nga kulay asul ang karagatan kaya siya ay nagtanong sa kaniyang kapatid. Batay sa sitwasyong inilahad, anong gamit ng wika ang makikita rito?
A. Regulatori
B. Heuristiko
C. Impormatibo
D. Interaksyonal
4. Nagpositibo si Pepito sa Corona Virus kaya upang maibsan ang kanyang dinadala nag-isip nalang siya ng mga bagay na kanyang gagawin kung siya ay magiging superhero. Anong gamit ng wika ang ipinakita sa sitwasyon?
A. Imahinatibo
B. Instrumental
C. Impormatibo
D. Interaksyonal
5. Habang naglalakad si G. Mike ay maraming nag – iingay sa koridor ng kanilang klase kaya upang hindi na lumala pa ang ingay ay nagbigay siya ng paalala o babala sa mga mag-aaral na nag-iingay upang matigil na ang kanilang ginagawa. Anong gamit ng wika ang ipinakita sa sitwasyon?
A. Regulatori
B. Heuristiko
C. Impormatibo
D. Interaksyonal
6. Hindi makakaasang magiging mahusay na mahusay ang mga mag-aaral kung hindi mahusay na mahusay ang modelo – ang mga guro.” Ito ang opinyon ni Ruth Elynia-Mabanglo noong Agosto 2015, sa ginanap na kongreso ng pagpaplanong pangwika. Anong tungkulin ito ng wika ang ipinakita sa sitwasyon?
A. Instrumental
B. Heuristik
C. Personal
D. Interaksyunal
7. Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan at nakapagpapanatili/nakapagpapatatag ng relasyong sosyal. “Ikaw at ako” ang maiiugnay na mga salita. Ano ang gamit ng wika ito?
A. Instrumental
B. Heuristik
C. Personal
D. Interaksyunal
8. “PARA KANG MAPA, SAPAGKAT BINIGYAN MO NANG DIREKSYON ANG AKING BUHAY” sambit ni Pablo kay Maria nung mga oras na iyon. Anong gamit ng wika ang ipinakita sa sitwasyon?
Heuristiko
Instrumental
Imahinatibo
Regulatori
Tama o Mali. 9. Kapag nawala ang isa sa mga gamit ng wika sa lipunan ay maaaring maapektuhan ang pakikipag-usap, pakikisama at pakikisalamuha ng bawat indibidwal.
(a)
Tama o Mali. 10. Hindi na kinakailangan pang sundin o alamin ang mga gamit ng wika sa lipunan sapagkat ito ay natutunan naman.
(a)
Tama o Mali. 11. Maaaring magamit ang ilan sa gamit ng wika sa lipunan nang sabay-sabay habang nakikipag-usap.
(a)
Tama o Mali. 12. Ang imahinatibo ay gamit ng wika upang makahimok at maka-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakikiusap.
(a)
Tama o Mali. 13. Ang isang lipunan ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan sa pamamagitan ng paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa iba pang lipunan.
(a)
14. Nagbigay ng babala ang POD ng paaralan hinggil sa maaaring mangyari sa mga mag-aaral kapag hindi nagsusuot ng kanilang I.D. Anong gamit ng wika ang ipinakita sa sitwasyon?
(a)
15. Bumati ng “magandang umaga” ang mga mag-aaral nang makita ang kanilang guro.
(a)
16. Nag-iisip (nag-iimagine) si Pepito Manaloto ng mga bagay na kanyang gagawin kung siya ay magiging superhero.
(a)
17. Ibinalita ng DepEd ang kanselasyon ng mga klase dahil sa malakas na bagyo.
(a)
18. May isang magadang dilag ang lumapit sa iyo at nagtanong ng direksyon papunta sa accounting office.
(a)
19. Suriin ang nasa larawan. Anong gamit ng wika ang nais ipakita o ipahiwatig nito?
(a)
20. Suriin ang nasa larawan. Anong gamit ng wika ang nais ipakita o ipahiwatig nito?
(a)
