wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

niven

Total questions: 5

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili lamang.” Ano ang pinakatamang pagpapakahulugan sa katagang ito?

a)

Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kaniyang sarili at sa kapuwa.

b)

Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kaniyang sarili kundi para sa kapuwa

c)

Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya niya ang

kaniyang sarili para sa pagtulong sa kaniyang kapuwa.

d)

Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kaniyang

sarili sa kaniyang kakayahang makipagkapuwa

2.

Bilang nagdadalaga o nagbibinata kanino ka may pinakamalaking tungkulin?

a)

sarili

b)

pamilya

c)

kalikasan

d)

pamayanan

3.

Madalas na napagsasabihan si Ellen ng kaniyang ina dahil sa kaniyang pagkahilig sa paglabas kasama ang kaniyang mga kaibigan. Wala naman sanang masama dahil sila ay nag-aaral lamang na tumugtog ng gitara. Isang gabi matutulog na lamang sana siya nang marinig na tumatawag ang kaniyang mga kaibigan sa labas ng kanilang bahay. Paano haharapin ni Ellen ang sitwasyong ito?

a)

A. Tatakas na lamang siya sa ina dahil sandali lamang siyang lalabas

b)

B. Umiwas na lamang sa kaniyang mga kaibigan at huwag na silang pansinin.

c)

C. Ipagwawalang-bahala na lamang ang ina sapagkat nakapagpasiya na

siyang sumama sa kaniyang mga kaibigan

d)

Kausapin ang ina at magpaalam na siya ay lalabas sandali. Sasabihin ang dahilan, saan at kung sino ang kaniyang mga kasama.

4.

Ano ang pangunahing dahilan sa pagtupad ng tungkulin bilang isang magaaral?

a)

Makapagpundar ng sariling bahay, kotse at ari-arian

b)

Magkaroon ng mataas na marka at mga parangal sa pagtatapos ng klase

c)

Maipagmalaki ng mga magulang

d)

Matutuhan ang mag-isip at maisabuhay ang mga araling natutunan na magsisilbing gabay sa buhay

5.

Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa bawat isa. Alin ang nagpapaliwanag sa salitang may salungguhit?

a)

Malaya ka kung gagawin mo o hindi ang iyong pananagutan

b)

Tayo ay nilalang ng Diyos na may misyon na dapat maisakatuparan pamamagitan ng paggawa ng ating tungkulin sa mga ugnayan.

c)

Pinipili lamang natin ang ating tutulungan dahil mahirap na tayo ay managot sa lahat

d)

Ang pananagutan ay bagay na hindi natin kailangang bigyan ng halaga dahil ito ay hindi naman para sa lahat