wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 7:Pagtataya ( 1st Assessment_1stQuarter )

Total questions: 25

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

1. Ang sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:

a)

a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay

b)

b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon

c)

c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad

d)

d. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan

2.

2. Ang sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.

a)

a. Pagsisikap na makakilos nang angkop sa kanyang edad

b)

b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki c.

c)

Pagtatamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa

d)

d. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

3.

3-4. Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang bilang 3-4

Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika labintatlong taon, nagsisimula ang matulin at kagyat na pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali. Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa paglalaro, ngayon ay tila naaakit na siyang tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae: nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa isang ganap na babae. Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo ang kanilang pag-iisip at pag-uugali: laging tila humaharap sa hamon na susubok sa kanilang katapangan. Nagiging mapangahas sila sa anumang bagay, waring ipinagwawalambahala ang panganib, nagkukunwarinng hindi nababalisa sa anumang suliranin. Ito ang panahon na tila naghihimagsik ang isang kabataan, waring di matanggap ang katotohanang hindi pa siya ganap na lalaki at nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay wala pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad, laging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang kanyang kahalagahan. Sa panig ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay nagsisimulang iwan ang daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos nang magaslaw o tila bata. Isa siyang bulaklak na nagsisimulang mamukadkad.

3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?

a)

a. Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

b)

b. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata.nagdadalaga at nagbibinata

c)

c. Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong kanilang pinagdaraanan

d)

d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang

4.

4. Ano ang pangunahing pagkakaiba ng isang nagdadalaga sa isang nagbibinata ayon sa paglalarawan?

a)

a. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay nakararamdam ng kalituhan

b)

b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro ng manika at iba pang laruan.

c)

c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga ay nagsisimulang maging pino sa kanilang kilos.

d)

d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay nagsisimula nang kumilos na tulad ng isang ganap na babae.

5.

5. Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?

 Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat pakakamali ay mayroong siyang matututuhan

 Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga pagtatanghal bilang isang mang-aawit.  Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan.  Hindi natatakot si Renato na harapin ang anumang hamon upang ipakita niya ang kanyang talento.

a)

a. tapang

b)

b. talento at kakayahan

c)

c. tiwala sa sarili

d)

d. positibong pagtingin sa sarili

6.

6. Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?

a)

a. Upang masiguro niya na may tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan

b)

b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipagugnayan sa mga kasing-edad

c)

c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipagugnayan nang maayos sa kanyang kasing edad

d)

d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya

7.

7. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:

a)

a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na kasarian sa maagang panahon.

b)

b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.

c)

c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon. .

d)

d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer

8.

8. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?

a)

a. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.

b)

b. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.

c)

c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa mga mayayamang kamag-aral

d)

d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama.

9.

9. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang pangungusap ay:

a)

a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa. .

b)

b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipagugnayan.

c)

c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.

d)

d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap

10.

10. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa paaralan dahil sa takot na hindi ito maging kalugodlugod sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Bernard? a. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang talento .

a)

a. ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan.

b)

b. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang maiangat ang kanyang tiwala sa sarili angat sa lahat

c)

c. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang kanyang kalakasan.

d)

d. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya ay nakaa

11.

Para sa bilang 11-20 

Tukuyin ang mga sumusunod na palantandaan sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata. ( PANGKAISIPAN, PANLIPUNAN, PANDAMDAMIN, AT MORAL)

11.  Alam kung ano ang tama at mali

(a)  

12.

12. Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang mga magulang

(a)  

13.

13. Nangangailangan na maramdamang may halaga sa mundo at may pinaniniwalaan

(a)  

14.

14. Madalas malalim ang iniisip

(a)  

15.

15. Madalas na mainitin ang ulo; kadalasang sa mga nakatatanda o may awtoridad ipinatutungkol ang mga ikinagagalit

(a)  

16.

16. Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya o desisyon

(a)  

17.

17. Hindi magsisinungaling

(a)  

18.

18. Mas nakapagmememorya

(a)  

19.

19. Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang magulang; nagiging rebelde

(a)  

20.

20. Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian ang mga babae kaysa mga lalaki

(a)  

21.

 21. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:

a)

a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.

b)

b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.

c)

c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.

d)

d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.

22.

BASAHIN: Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanilang lamang bahay kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.

22. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?

a)

a. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang

b)

b. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan

c)

c. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao

d)

d. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at magtangha

23.

23. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?

a)

a. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-awit sa sinoman na kanyang narinig sa paaralan.

b)

b. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa lahat ng kanyang paligsahan at pagtatanghal.

c)

c. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang anomang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan

d)

d. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang knayng talento at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao

24.

24. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?

a)

a. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan

b)

b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan

c)

c. Upang makapaglingkod sa pamayanan

d)

d. Lahat ng nabanggit

25.

25. . Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?

a)

a. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin

b)

b. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento

c)

c. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento

d)

d. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman ito makaagaw atensyon