wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

TALAS-ISIP

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

MADALING KATEGORYA

1. Aling pangkat ng pangngalan ang nasa uring tahas?

a)

a.    kaligayahan, pangarap, pag-ibig,galit

b)

b. mangkok, sandok, upuan, bulaklak

c)

c.   pulutong, buwig, tumpok, angkan

d)

d. kalinisan, kalayaan, lahi, kaban

2.

2. Ano ang gamit ng nakahilig na pangngalan sa pangungusap?

Si Josefa ay nagtapon ng basura sa tamang lalagyan.

a)

a. simuno

b)

b. kaganapang pansimuno

c)

c. tuwirang layon

d)

d. layon ng pang-ukol

3.

3. Ano ang gamit ng pangngalan kung ang simuno at ang isa pang pangngalang nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang?

a)

a. simuno

b)

b. kaganapang pansimuno

c)

c. pamuno

d)

d. pantawag

4.

4. Anong uri ng panghalip ang nakahilig sa pangungusap?

Lahat ng tao at hayop ay binigyang buhay ng Diyos.

a)

a. pamatlig

b)

b. panao

c)

c. panaklaw

d)

d. pananong

5.

5. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng personipikasyon?

a)

a. Ang mga damo ay sumasayaw.

b)

b. Si Leny ay kawangis ng aming ina ng tahanan.

c)

c. Si Elena ang may pinakamaamong mukha sa kanilang magkakapatid.

d)

d. O araw, sumikat ka at bigyang liwanag ang aking daraanan.

6.

KATAMTAMANG KATEGORYA

1.    Anong uri ng tula ang iyong gagawin kung ikaw ay maglalahad ng isang kuwento o pangyayaring magkakaugnay?

(a)  

7.

2. Ano ang katumbas na pangngalang pambalana ng Jose Rizal?

(a)  

8.

3. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap sa baba?

"Magkasing-amo tulad ng kordero sina Martin at Frank."

(a)  

9.

4. Tukuyin ang kailanan ng panghalip panao na may salungguhit sa pangungusap.

 

"Ako ang magluluto ng tanghalian mamaya."

 

(a)  

10.

5. Anong panghalip panao ang maaring pamalit sa may salungguhit?

Ikaw, si Amalia, at ako ay maghahanda ng mga palamuti na magpapaganda sa okasyon.

(a)  

11.

MAHIRAP NA KATEGORYA

1. Ano ang gamit ng pangngalan ng may salungguhit sa pangungusap?

Si Anne, ang panganay ni Gng. Curtis, ay magtatapos sa susunod na taon.

(a)  

12.

2. Anong pangkalahatang sanggunian ang iyong gagamitin kung ikaw ay naghahanap ng kahulugan, baybay o ispeling ng salita?

(a)  

13.

3. Ano ang katumbas na pangngalang pambalana ng mga pangngalang Angel Locsin, Anne Curtis at Vice Ganda?

(a)  

14.

4. Ano ang kaukulan ng panghalip na ginamit sa pangungusap sa ibaba?

"Nagpaabot ng tulong para sa kanila ang bise presidente ng bansa."

(a)  

15.

5. Tukuyin ang panghalip sa pangungusap at ang uri nito.

Sang-ayon ka ba na dapat pahalagahan ang edukasyon?

(a)