NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO 9-DULA
Total questions: 34
Worksheet time: 17mins
Naisip ni Julia na ang pamagat ng kaniyang dulang "Ubos-ubos Biyaya, Pagkatapos Nakatunganga" ang maging paksa na rin ng kaniyang dula. Anong uri ng dula ayon sa anyo ang kaniyang nais gawin?
Parodya
Proberbyo
Tragikomedya
Melodrama
Nagbabalak bumuo ang TALA ng isang Sarsuwela na ang paksa ay magaan lamang at katawa-tawa upang maitampok ang mga #EpicMoments ng komunidad ng mga panggabing iskolar. Anong uri ng dula ayon sa anyo ang nais buoin ng TALA?
Parsa
Tragikomedya
Saynete
Komedya
Nais bumuo ni Juan Dela Cruz ng isang dula na magpapakita ng masamang kapalarang sinapit ng mga magsasaka sa kamay ng pamahalaan. Bunga nito, nais niyang magkaroon ng malungkot na wakas ang kaniyang dulang "Tahip". Anong uri ng dula ayon sa anyo ang kaniyang nais buoin?
Saynete
Parsa
Trahedya
Melodrama
Ito ay climax sa Ingles
TUNGGALIAN
KASUKDULAN
KAKALASAN
SAGLIT NA KASIGLAHAN
Ito ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kaniyang paligid, at tauhan laban sa kaniyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patong-patong na tunggalian ang isang dula.
TUNGGALIAN
KASUKDULAN
KAKALASAN
SAGLIT NA KASIGLAHAN
Ito ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.
TUNGGALIAN
SAGLIT NA KASIGLAHAN
KASUKDULAN
KAKALASAN
Ayos sa kanya " Ang mundo ay isang Teatro"
Santos
Shakespeare
Aristottle
Sauco
Ayon sa kanya..Ang Dula ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito.
Arrogante
Shakespeare
Sauco
Santos
Ayon sa kanya...Ang Dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng dula , nailalarawan ang buhay ng tao na maaaring malungkot, masaya, mapagbiro.
Arrogante
Shakespeare
Sauco
Santos
Ayon sa kahalagahan ng Dula inaangkin daw nito ang ano?
lahat ng ugali at asal ng tao
lahat ng kilos ng tao sa pang-araw araw
lahat ng katangiang umiiral sa buhay ng mga tao
lahat ng kayang sakupin ng isip ng tao
Sangkap ito ng Dula kung saan matatagpuan ang KASUKDULAN
Simula
Gitna
Wakas
Sangkap ito ng Dula kung saan makikita ang Sulyap sa suliranin
simula
Girna
Wakas
Ito ang tawag sa paglabas at pagpasok ng mga kung sinumang tauhan ang gaganap sa eksena.
yugto
tanghal-eksena
tagpo
Ito ay uri ng Dula kung saan ang pagtatanghal ay isinasagawa sa loob ng tahanan
Pantanghalan
Panlasangan
Pantahanan
Ang PANULUYAN ay isang halimbawa ng dulang..
Panlasangan
Pantahanan
Pantanghalan
Ang SENAKULO ay isang halimbawa ng dulang...
pantahanan
panlansahgan
pangtanghalan
Ito ang tawag sa nag-aayos at pumipili ng magtatanghal sa palabas
manunulat
impesaryo
direktor
aktor
Ito ang pinaka kaluluwa ng isang Dula.
aktor
iskrip
tanghalan
dayalogo
Siya ang nag i-interpret sa iskrip mula sa pagpapasya sa itsurang tagpuan, damit ng tauhan hanggang sa paraan ng pagganap.
direktor
iskrip
tanghalan
aktor
Kung wala ang ementong ito ay hindi maituturing na dula ang isang pagtatanghal, dahil kaya sinabing dula ay upang itanghal. at kapag sinabing maitanghal ,kailangan ay may makasaksi
direktor
iskrip
manonood
dayalogo
1.Nagmula ang salitang teleserye sa _________.
telebisyon at serye
teledula
serye & dula
Ayon kay Aristotle, ito ay isang paglalarawan ng buhay at imitasyon o panggagagad ng buhay. Uri ng panitikang maaaring nahahati sa ilang yugto maraming tagpo. Layunin nitong maitanghal sa tanghalan.
Maikling Kuwento
Dula
Nobela
Uri ng dula na tinutukoy ng larawan.
Dulang Pantanghalan
Dulang Panradyo
Dulang Pantelebisyon at Pampelikula
Siya ang nag-iinterpret ng iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit o kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga aktor.
Direktor
Aktor o Gumaganap
Manonood
Uri ng dula na tinutukoy ng larawan.
Dulang Pantanghalan
Dulang Panradyo
Dulang Pantelebisyon at Pampelikula
Paglabas-pasok ng mga aktor o tauhang gumaganap sa tanghalan.
Tagpo
Yugto
Eksena
Piliin ang hindi kasali sa sangkap ng dula.
Tauhan
Tunggalian
Larawan
Kakalasan
Kasukdulan
Isang uri ng panitikan ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Dula
Maikling Kuwento
Sanaysay
Tula
Sila ang pinanonood na tauhan sa dula.
Aktor
Direktor
Iskrip
Tanghalan
Ito ang panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
Saglit na kasiglahan
Sulyap sa suliranin
Tagpuan
Tauhan
Tawag sa mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon.
Dayalogo
Iskrip
Karakter
Manonood
Ito ay nangangahulugang “gawin o ikilos”. Binigyan ito ng pakakahulugan ng iba’t ibang eksperto sa panitikan
DULA
TULA
KWENTO
KANTA
Ano ang kadalasang ipinakikita sa isang dula?
kabayanihan ng mga tauhan
kagandahan ng kapaligiran
nagaganap sa buhay ng tao
pinagmulan ng isang bagay
