WorksheetsPayabungin Natin
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Sa maraming lugar sa Pilipinas, ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay sa:
pagluluksa at kalungkutan
pag-ibig at pagkabigo
paghihirap at gutom
giyera at kaguluhan
Ang oyayi ay awiting-bayang iniuugnay sa:
bangka, pamingwit at isda
ina, hele, sanggol
walis, bunot, basahan
rosas, gitara, pag-ibig
Ang balitaw at kundiman sa mga lugar ng Katagalugan ay karaniwang iniuugnay sa:
pangangaso
panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig
paggawa ng mga gawaing-bahay
paggaod ng bangka
Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:
pagiging mapamahiin
pagiging masipag
pagiging masayahin
pagiging matampuhin
Ang awiting-bayan sa iba't ibang lugar sa Pilipinas ay karaniwang iniuugnay sa:
materyal na kayamanan ng isang bayan
pagdurusang dinanas ng isang bayan
kultura't kaugalian ng isang bayan
politika ng isang bayan
Dala ang kanyang lambat, si Mang Dante ay sumakay sa kaniyan bangka at pumalaot. Siya ay namasol. Ang namasol ay...
lumangoy
naligo
nangisda
Sinabihan siya ng asawang si Aling Selya na magbalon para hindi gutumin. Ang magbalon ay...
maghukay ng balon
magbaon
magsaing
Ang mga huli niya guibaligya niya sa palengke. Ang guibaligya ay...
ipinagbili
ipinamigay
ipinadala
Nagluto siya ng sinigang. Gustong-gusto niya kasi ang sabaw na may aslom. Ang aslom ay...
init
asim
pait
Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kaniyang guihigugma. Ang guihigugma ay...
minamahal
hinihintay
binabantayan
