Worksheets1st Grading Quiz (AP 3)
Total questions: 25
Worksheet time: 4hrs 10mins
Nais malaman ni Joy ang mga lugar kuung saan matatagpuan ang mga likas na yaman, produkto, at mga industriyang aktibo sa isang lugar. Anong uri ng mapaang kanyang gagamitin?
Mapang Pangklima
Mapang Pisikal
Mapang Pang-Ekonomiya
“Hanggang saan kaya ang sakop ng Davao Region?” Tanong ni Lea.
“Gusto ko din malaman kung gaano kalaki ang sakop ng ating lugar at kung anu-ano kaya ang mga lalawigan na naibilang dito.” Dagdag ni Lee
Anong uri ng mapa ang kanilang gagamitin?
Mapang Politikal
Mapang Pisikal
Mapang Populasyon
Ang Pilipinas ay itinuturing na Archipelago. Ilang pulo mayroon ang Pilipinas?
7,107 na pulo
7,641 na pulo
7,541 na pulo
Ano ang pangalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas?
Luzon
Visayas
Mindanao
Napapaligiran ng mga dagat at karagatan ang Pilipinas. Anong anyong tubig ang makikita sa timog-Kanluran ng bansa?
Dagat Sulu
Karagatang Pasipiko
Dagat Celebes
Sa kasalukuyan, ilang rehiyon ang bumubuo sa bansang Pilipinas?
Labintatlong Rehiyon
Labimpitong rehiyon
Labinwalong rehiyon
Dumayo si Jona sa Calamba City, Laguna upang bisitahin ang Jose RIzal Shrine.
Ang Calamba City ay sentro ng anong Rehiyon?
Rehiyon IV-A CALABARZON
Rehiyon IV-B MIMAROPA
Rehiyon V: Rehiyon ng Bicol
Si Rona ay nakatira sa Manila City. Saang Rehiyon nabibilang ang Manila City?
Rehiyon IV-A: CALABARZON
Rehiyon III: Gitnang Luzon
National Capital Region (NCR)
Nakatira si Joana sa Baguio City. Pinagmamalaki nya ang masasarap na strawberries mula sa kanilang lugar.
Anong rehiyon nabibilang Baguio City?
Rehiyon IV-A: CALABARZON
Cordillera Administrative Region (CAR)
National Capital Region (NCR)
Ang _________ ay bahagi ng kapatagan sa baybayin na nakaungos mula sa malaking bahagi ng lupain.
Tangos o tangway
Baybayin
Talampas
“At narito naman ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa Cordillera, ito ay may taas na 2,954 na metro.” wika ng tour guide
“Napakaganda naman ng Mt. Pulag!” Sabi ni Dannie habang nakatanaw dito.
Anong anyong lupa ang Mt. Pulag?
Burol
Talampas
Bundok
Ito ay anyong lupang tulad ng bundok ngunit ito ay may bunganga na nagbubuga ng kumukulong putik at bato.
Anong uri ng anyong lupa ito?
Bulkan
Burol
Bundok
Ito ay malawak, malalim, at malaking anyong-tubig na tumutuloy sa karagatan. Dito naglalayag ang malalaking barko at idinaraan ang mga kalakal na iniluluwas at inaangkat ng ating bansa.
Anong uri ng Anyong tubig ito?
Ilog
Dagat
Lawa
Ang ____ ay karugtong ng dagat. Ito ay may liko sa baybayin kaya ang ibang bahagi nito ay napapaligiran ng lupa. Higit na mababaw kaysa ibang bahagi ng dagat.
Anong uri ng Anyong tubig ito?
Baybayin
Look
Lawa
Nakatingin lamang si Cecil sa Maria Cristina. ‘Naku, anlakas ng agos ng tubig at nagmumula pa sa taas!’ Napaisip siya. Parang ayaw na niyang maligo.
Anong uri ng Anyong tubig ang Maria Cristina?
Kipot
Talon
Dagat
Ayon sa PAGASA, ilang bagyo ang dumaraan sa Pilipinas taon-taon?
Dalawampung bagyo (20)
Dalawampu’t-isang bagyo (21)
Dalawampu’t tatlong bagyo (23)
“May bagyo ulit?” Tanong n Tony sa kanyang ama.
“Oo, Ton. Kaya maghanda na tayo.”
Bakit madalas daanan ng bagyo ang Pilipinas?
Dahil ang Pilipinas ay nasa lokasyon ng Typhoon belt.
Dahil nakaschedule ang mga bagyo na dumaan sa Pilipinas.
Dahil kailangan daanan ng bagyo ang Pilipinas.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat gawin kapag may bagyo?
Maging Alerto sa mga pangyayari.
Bumalik sa bahay habang may bagyo.
Maghanda ng Emergency Kit.
Anong signal number ang may lakas ng hangin na 30-60 kilometers per hour?
Signal number 1
Signal number 2
Signal number 3
Ito ang tawag sa kalagayan ng panahon na palagiang umiiiral o mararanasan sa isang lugar taon-taon?
Panahon
Klima
Bagyo
Ito ang panandaliang kalagayan ng atmospera sa loob ng mas maikling panahon tulad ng isang oras o isang araw.
Panahon
Klima
Bagyo
Bakit mahalaga ang mapa?
Ang mapa ay maggagamit sa pagtukoy ng pinakamabuting daan patungo sa paroroonan.
Ang mapa ay hindi nagpapakita ng kabuoan ng isang lugar.
Ang mapa ay ginagamit upang tayo ay mawala
Ano ang sentro ng Rehiyon V: Rehiyon ng Bicol?
Tacloban City (Leyte)
Calapan city (Oriental Mindoro)
Legazpi City (Albay)
Saang rehiyon nabibilang ang Davao City (Davao Del Sur)?
Rehiyon XII
Rehiyon XI
Rehiyon XIII
Saang rehiyon nabibilang ang Cotabato City, Maguindanao?
Rehiyon XII: Rehiyon ng SOCCSKARGEN
Rehiyon XI: Rehiyon ng Davao
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
