wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Gawaing Pasulat - 1MA456

Total questions: 50

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Ang epiko ay mula sa salitang Griyego na epos, ibig sabihin salawikain o

awit ngunit ngayon ito`y tumutukoy sa _______na isinasalaysay.

a)

kabayanihan

b)

karangalan

c)

kasawian

2.

Estilong ginagamit sa pagsulat ng epiko na karaniwa`y nagsisimula sa

panalangin, masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati

a)

dactylic hexameter

b)

doctrine hexameter

3.

Epikong patula sa Mesopotamia na kinikilala bilang kauna- unahang

dakilang likha ng panitikan

a)

Gilgamesh

b)

Iliad and Odyssey

c)

Beowulf

4.

Salitang pananda na nagsasaad ng kondisyon o pasubali.

a)

saka

b)

kung

c)

maliban

5.

Ang mga sumusunod ay mga salitang maaaring gamitin kung nais ipakita

ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari maliban sa________.

a)

noon

b)

pagkatapos

c)

ngunit

d)

sumunod

6.

Ang sumusunod ay mabuting idinulot nang pagkawala ng kuwintas sa

buhay ni Mathilde maliban sa_________.

a)

Naunawan niyang mamuhay sa gitna ng tunay na kahirapan.

b)

Natuto siyang magpahalaga sa mga mumunting bagay na meron siya.

c)

Nawala ang taglay niyang alindog at labis siyang nagdusa.

d)

Naipakita niya ang katatagan sa pagharap sa matinding pagsubok ng

buhay.

7.

Pinakaunang epiko ng Pilipinas

a)

Biag ni Lam-ang

b)

Si Baltog

c)

Indarapatra at Sulayman

8.

Malimit na sa pagmamasid niya sa babaeng Briton na

gumaganap ng ilang pangangailangan ay napuputos ng lumbay ang puso ni Mathilde.

Anong kohesyong gramatikal ang makikita sa pangungusap?

a)

Anapora

b)

Katapora

9.

“Mahal, akala ko’y ikatutuwa mo ang pagkakuha ko sa

paanyaya.”

Anong kohesyong gramatikal ang makikita sa pangungusap?

a)

Anapora

b)

Katapora

10.

Hindi masaya si Mathilde sa buhay na kayang ipagkaloob sa kaniya ng mahirap na

kabiyak. Kanino maaaring ihalintulad ang tauhang si Mathilde sa kasalukuyan

panahon?

a)

mga taong tamad at umaasa na lamang sa tulong ng kapwa

b)

yaong mga tao na hindi marunong makontento sa buhay

c)

mga taong walang pangarap na umasenso ang buhay

11.

Ang epikong Baltog at Gilgamesh ay parehong nagpapahiwatig na anumang lakas ng tauhan ay kailangan pa rin ng tulong mula sa kanilang ____.

a)

kaibigan

b)

pamilya

c)

kababayan

12.

Ang pangunahing tauhan sa epiko ay nagtataglay ng ____.

a)

agimat

b)

supernatural na kapangyarihan

c)

birtud

13.

Ano ang pangkalahatang layunin ng epiko?

a)

Gumising sa damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan

b)

Pumukaw sa isipan ng mambabasa

c)

Magpaliwanag ng katangian ng tauhan

d)

Magbigay aral sa mambabasa

14.

Ang epiko ay sinisimulan sa isang ____.

a)

panalangin

b)

talumpati

c)

paglalahad

15.

Ang kalakhang bahagi ng Mesopotamia ay bansang _____ kaya naman sa kasalukuyan, ito na rin ang bagong ngalan nito.

a)

Iraq

b)

Iran

c)

Turkey

d)

Syria

16.

Epikong isinulat ni Virgil ng Roma na hinalaw sa epikong isinulat ni Homer ng Gresya

a)

The Aenid

b)

The Divine Comedy

c)

Chanson de Roland

17.

Karamihan ng mga epiko sa Pilipinas ay mula o likha ng mga ninunong mula sa relihiyong ____.

a)

Muslim

b)

Kristiyano

18.

Karaniwang masasalamin sa epikong pandaigdig ang ______

a)

kultura

b)

ekonomiya

c)

pananampalataya

19.

Anong mensahe ang ipinarating ng mga diyos kay Gilgamesh sa pamamagitan ng kaniyang kaibigang si Enkido?

a)

Maging mabuti upang hindi mapunta sa impyerno

b)

Patuloy na ipakita ang lakas at kapangyarihan

c)

Maghanap ng kaibigan na tulad niya

20.

Ang epiko ni Rustam at ng kaniyang kabayong si Raksh ay mula sa bansang _____.

a)

Iran

b)

Ehipto

c)

Syria

21.

Kung nais ipakita ang pagbabagong-lahad ay maaring gamitin

ang mga sumusunod na salita. Alin ang hindi kabilang?

a)

sa kabilang dako

b)

sa ibang salita

c)

kung iisipin

d)

di tulad ng

22.

Bakit kahiya-hiya para kay Enkido ang kaniyang naging kamatayan?

a)

dahil ito ay dulot ng sakit at hindi pakikipaglaban

b)

dahil hindi niya ito nalabanan

c)

dahil iba ang dapat na mamatay

23.

Anong kultura ng Mesopotamia ang ipinahiwatig sa tinalakay na epiko?

a)

Pagpayag ng mga kababaihan sa pang-aabuso

b)

Pagiging malupit ng kanilang hari

c)

Pagkakaroon ng mga halimaw sa lugar

24.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng isang

epiko?

a)

Nababasa sa isang upuan lamang

b)

Nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng tauhan

c)

Inaawit sa selebrasyon ng mga ninuno

25.

Ang kauna-unahang bersyon ng epiko ni Gilgamesh sa Old Babylonian ay noong ika-18 siglo BC at pinamagatang Shutur eli sharri (Surpassing

All Other Kings)

a)

Tama po.

b)

Mali po.

26.

Ama ng Maikling Kuwento ng Pilipinas

a)

Deogracias Rosario

b)

Alejandro Abadilla

c)

Pat Villafuerte

27.

Ang chauvinism ay kultura ng France kung saan nakahihigit sa anumang bagay ang mga ____.

a)

kalalakihan

b)

kababaihan

28.

Bahagi ng pananalita na inihahalili sa ngalan ng tao, bagay, lugar o pangyayari

a)

pandiwa

b)

panghalip

c)

pang-ugnay

29.

Anong uri ng maikling kwento ang 'Ang Kwintas?'

a)

kuwento ng tauhan

b)

kwentong-bayan

c)

kwento ng madulang pangyayari

30.

Sa simula pa lamang ng kwento, naipahiwatig na ang katangian ni Matilde bilang babaeng mataas ang tingin sa sarili. Sa anong paraan ng paglalarawan ng tauhan ito ipinakita sa kwento?

a)

Nasasalig sa panloob na anyo (ang isipan, mithiin at damdamin)

b)

Nasasalig sa panlabas na anyo (pagkilos at pananalita)

31.

Ang mga sumusunod ay mga aral na maaaring mapulot mula sa akdang “Ang

Kuwintas” Alin ang hindi kabilang?

a)

Huwag maghangad ng kaligayahan sa maikling panahon lamang.

b)

Ang pagiging materyalistik ay hindi nakabubuti sa sinuman.

c)

Sa halip na magreklamo ay ipagpasalamat sa Diyos ang lahat ng biyayang

natatamo maliit man ito o malaki.

d)

Huwag kalilimutang bayaran ang lahat ng iyong pinagkakautangan.

32.

Naniniwala _____ sa sarili na magwawagi sa paligsahan kaya’t hindi

nawalan ng pag-asa si Andre.

a)

ako'y

b)

kaming

c)

siya

33.

Labis ang naranasan ______ pagdurusa subalit hindi

sumuko ang mga taong lansangan.

a)

nilang

b)

naming

c)

niyang

34.

Siya’y isa sa magaganda’t mapaghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.

Anong elemento ng maikling kuwento ang binanggit?

a)

tauhan

b)

suliranin

c)

banghay

35.

Anong pangyayari ang nagpabago sa pangunahing tauhan sa kwentong 'Ang Ama'?

a)

pagkamatay ng anak

b)

pagkatanggal sa trabaho

c)

pagmamahal ng pamilya

36.

Elemento ng epiko na tumutukoy sa pagpapangkat ng mga taludtod ng isang tula at tinatawag ding taludturan

a)

indayog

b)

saknong

c)

matatalinhagang pananalita

37.

Ang 'Matandang Lalaki sa Tulay' ba ay mula sa bansang Pransiya?

a)

Opo.

b)

Hindi po.

38.

Naparusahan ba sina Gilgamesh dahil sa diyosang si Ishtar?

a)

Opo.

b)

Hindi po.

39.

Kinakailangan ba ng diksyunaryo para mabigyang kahulugan ang isang salita kung gagamitan mo ito ng context clues?

a)

Opo.

b)

Hindi po.

40.

May tatlong uri ng panghalip (panao, pamatlig at panaklaw)

a)

Tama po.

b)

Mali po.

41.

Nakalahad rin sa ilang epiko ang tunay na pangyayari sa kasaysayan ng bansang pinagmulan nito

a)

Opo.

b)

Hindi po.

42.

Ilan ang kilalang epiko sa Pilipinas?

a)

28

b)

27

c)

29

43.

Hindi sa lahat ng panitikan ay nauugnay ang mga tauhan at ang iba't ibang pwersa ng kalikasan.

a)

Tama po.

b)

Mali po.

44.

Sa isinalaysay ni Enkido na kaniyang panaginip, ipinahiwatig lamang ang katotohanan na ____.

a)

Walang pinipiling estado ang mga dinadala sa impyerno, basta't makasalanan.

b)

May mga halimaw talagang magdadala sa tao sa dilim.

c)

Mas maraming babae ang makapangyarihan.

45.

Nagkakapareho ang kalagayan ng bansang Singapore at Pilipinas pagdating sa kahirapan na ipinakita sa kwentong 'Ang Ama.'

a)

Opo.

b)

Hindi po.

46.

Ang epiko ay mahabang tulang pasalaysay na inaawit.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

47.

Ang pagsasakripisyo ng ipon ni G. Loisel para kay Matilde ay nagpapakita ng ____.

a)

labis na pagmamahal sa asawa

b)

kaginhawaan ng buhay

48.

Hindi na pumapayag ang madla na magpabulag pa sa mga pinunong mapaniil.

Ang panghalip na madla ay halimbawa ng panghalip na ____.

a)

panaklaw

b)

pamatlig

c)

panao

49.

Sa amin ang punong pinagmulan ng masasarap na manggang iyan.

Alin ang panghalip panao na paari sa pangungusap?

a)

amin

b)

iyan

50.

Ang epiko ay tulang _____ na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing

tauhan na nagtataglay ng di pangkaraniwang kapangyarihan na

kadalasan ay buhat sa lipi ng diyos o diyosa.

a)

pasalaysay

b)

padula