Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 10 - 2nd Quarter

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.

a)

Panunuring pampanitikan

b)

Pagsusuri

c)

Sining

d)

Agham

2.

Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa

a)

Realismo

b)

Humanismo

c)

Marxismo

d)

Imahismo

3.

maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan

a)

Imahismo

b)

Sosyalismo

c)

Feminismo

d)

Humanismo

4.

Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan.

a)

Eksitensyalismo

b)

Humanismo

c)

Klasismo

d)

Realismo

5.

Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno.

a)

Klasismo

b)

Humanismo

c)

Realismo

d)

Imahismo

6.

mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan

a)

Sosyolohikal/ Sosyalismo

b)

Sikolohikal

c)

Marxismo

d)

Romantisismo

7.

Tukuyin ang uri ng Teoryang Pampanitikan batay sa kahulugan:

Ipinamamalas nito ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.

a)

Realismo

b)

Bayograpikal

c)

Marxismo

d)

Sosyolohikal

8.

Tukuyin ang uri ng Teoryang Pampanitikan batay sa kahulugan:

Isinasaad ng teoryang ito na higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

a)

Bayograpikal

b)

Marxismo

c)

Realismo

d)

Sosyolohikal

9.

Ipinapakita sa teoryang ito ang pagbabagong nagaganap sa pag-uugali ng tauhan dahil sa may nag-udyok ng pagbabago.

a)

Pormalismo

b)

Sosyolohikal

c)

Sikolohikal

d)

Imahismo

10.

Ipinapakita na ang tao ang simula ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao.

a)

Teoryang Humanismo

b)

Teoryang Realismo

c)

Teoryang Eksistensyalismo

d)

Teoryang Feminismo