NEW
Font size
WorksheetsLARANGAN NG HILIG
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
Outdoor- Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor). Halimbawa: Paglalaro ng basketball, hiking.
Clerical- Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina. Halimbawa: Pag-eencode sa computer.
Social service- Nasisiyahang tumulong sa ibang tao. Halimbawa: Pagtulong sa nangangailangan.
Mechanical – Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools). Halimbawa: Pagkukumpuni ng sirang relo.
Scientific – Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo, at pag-imbento ng mga bagay o produkto. Halimbawa: Paglikha ng bagong makina sa pananahi.
Artistic- Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay. Halimbawa: Pagguhit ng magandang tanawin.
Computational – Nasisiyahan na gumawa na gamit ang bilang o numero. Halimbawa: Pagso-solve ng math problems.
Literary- Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat. Halimbawa: Pagsulat ng komposisyon.
Musical- Nasisiyahan sa pakikinig at paglikha ng awit at pagtugtog ng instrumentong musical. Halimbawa: Pagtugtog ng piyano.
Persuasive – Nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o pakikipagkaibigan. Halimbawa: Pakikipag-usap sa ibang tao.
