wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Uri ng Pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng pre-kolonyal

Total questions: 10

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ang pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang tao sa     pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka ay dahilan ng __________. 

a)

pagtira nila sa mga yungib

b)

pagiging pagala-pagala nila

c)

pagkakaroon nila ng maraming ginto

d)

pagkakaroon nila ng permanenteng tirahan

2.

Naganap sa panahon ng Metal ang pagsisimula ng paghahabi sa pamamagitan ng ______________  tulad ng ginagawa ng mga pangkat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

a)

backloom

b)

paglililok

c)

pagtatahi

d)

pagsasaka

3.

Ang mga sumusunod ay maaaring paraan para maging isang datu maliban sa isa. Alin ito?

a)

pumasa sa pagsusulit ng datu 

b)

anak o galing sa angkan ng mga datu 

c)

nakapangasawa ng isang anak ng datu

d)

matapang, matalino, at nagmana ng mga kayamanan 

 

4.

Ito ang tawag sa sistemang panlipunan, pampulitika, at pang ekonomiya ng mga Pilipino noong pre-kolonyal. 

a)

siyudad

b)

barangay

c)

pamilya

d)

lalawigan 

5.

Walang gamit ang mga tao gaya ng magaspang na kasangkapang bato.

a)

tama

b)

mali

6.

Nabuhay sila sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Pinaniniwalaang sa panahong ito nabuhay ang mga Taong Tabon

a)

tama

b)

mali

7.

Gumawa ng mga sibat, palaso, at kutsilyo gamit ang tanso at bronse.

a)

tama

b)

mali

8.

Nagsimula na silang magsaka at mag-alaga ng hayop noong Panahon ng Bagong Bato. Gumamit din sila ng irigasyon sa pagsasaka ng palay, taro, nipa, at iba pa.

a)

tama

b)

mali

9.

Naninirahan sila sa mga yungib at gumamit ng mga tinapyas na batong magaspang bilang kasangkapan noong Panahon ng Lumang Bato.

a)

tama

b)

mali

10.

Umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino nang matuto ang mga ito      sa_________

a)

pamamangka at paglalayag

b)

paggamit ng magaspang na bato

c)

pagpalipat-lipat ng mga tirahan

d)

pagtatanim ng iba’t ibang halaman at pagpapaunlad ng pagsasaka