NEW
Font size
WorksheetsPagsasaayos ng tahanan EPP5
Total questions: 20
Worksheet time: 8mins
Paano aalisin ang mga alikabok sa mga kuwadro ng larawan?
Walisan ang mga ito.
Kuskusin ng eskoba
Lagyan ng floor wax
Punasan ng tuyong basahan
Ano ang ginagamit sa mabilis at madaling pagpapakintab ng sahig?
bunot
basahan
floor polisher
mop
Ano ang ginagamit na pangtanggal sa mga parte ng bentilador kung ito ay lilinisan?
gunting
lagari
martilyo
screw driver
Alin ang ginagamit na pangkumpuni sa umuugang upuan?
lagari
martilyo
plais
screw driver
Ang paglilinis ng tahanan ay ginagawa araw-araw.
tama
mali
Maghanda ng plano o iskedyul ng mga gawaing-bahay.
tama
mali
Bigyan ng gawain ang nakababatang kasapi ng pamilya na ayon sa kanyang kakayahan.
tama
mali
Responsibilidad lang ng magulang ang pangasiwaan ang kaayusan ng tahanan.
tama
mali
Ang paggawa ng talatakdaan ay isang paraan ng pagpaplano.
tama
mali
Alin sa mga sumusunod ang unang dapat pagsikapan ng mag-anak?
maraming damit
maayos na tahanan
magarang sasakyan
mamahaling kasangkapan
Ang mahusay na pagkakaayos o pagkasunud-sunod ng mga gawain ay nakakatipid ng _________________.
oras at lakas
lakas at lugar
oras at lugar
oras at pera
Upang makatapos ng mga gawain sa tahanan kailangang
ibadyet ang oras
magsimula ng maaga sa paggawa ng gawain
umupa ng makakasama sa paggawa ng mga gawain
huwag ng pumasok sa paaralan kung maraming gawain
Alin sa sumusunod na kagamitan ang napapabilis at napapagaan ang iba panggawaing-bahay?
floor polisher
sewing machine
washing machine
lahat ng nabanggit
Alin ang kasama sa iskedyul ng mga gawaing-bahay?
oras ng pagkain
pag-aaral ng gagawin
taong gagawa
oras ng pahinga
Ano ang iyong mararamdaman kung ikaw ay naninirahan sa isang tahanan namalinis, maayos at kaaya-aya?
magiging masakitin
magiging malungkutin at walang sigla
magiging masaya at payapa ang pakiramdam
magiging bugnutin sa tahanan
Alin sa mga sumusunod na gawain sa tahanan ang kadalasang buwanan lamang ginagawa?
paglalaba
pagwawalis ng sahig
pamamalantsa
pagpapalit ng kurtina
Ito ay kagamitan sa tahanan na ginagamit pampakintab ng sahig.
mop
floor polisher
walis tambo
basahan
Magagawa nang maayos ang lahat ng mga gawaing-bahay kung may _____.
talatakdaan
talaan
talahanayan
badyet
Ang maayos na pagpapatakbo ng tahanan ay tungkulin ng _____________________.
magulang
katulong
ina
mag-anak
Ano ang ginagamit sa paglilinis ng kisame?
basang basahan
walis tambo
bunot
walis tingting
