wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE TEST IN ESP- GMELINA

Total questions: 30

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Ang dalawang kalikasan ng tao ay _____

a)

materyal at ispirituwal

b)

isip at kilos-loob

c)

pandamdam at emosyo

d)

panlabas at panloob

2.

Ang wastong paggamit ng kilos-loob o will ay naipakita ni _____

a)

Deon. Lumabas pa rin siya ng bahay kahit na mapanganib pa.

b)

Nelly. Ipinamalita niya sa mga kapitbahay na wala ng COVID-19.

c)

Julius. Binato niya ang pusa matapos siyang biglaang kagatin nito.

d)

Edna. Pinigilan niyang kumain ng masarap dahil bawal ito sa kanya.

3.

Makagagawa ka ng angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan kung _____

a)

pipiliin mo ang mali upang mapasaya ang iba

b)

isaaalang-alang mo ang kabutihan para sa sarili

c)

gagamiting mo nang tama ang isip at kilos-loob

d)

hahayaang magkamali sa pasya at magsisi na lang

4.

Ito ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa kanya sa gitna ng isang moral na pagpapasya.

a)

konsiyensiya

b)

dignidad

c)

kalayaan

d)

moralidad

5.

Ang mga sumusunod ay ang mga yugto ng paghuhusga sa tama o mali. Ang tamang pagkakayos nito mula sa una hanggang huli ay _____.

I. alamin at naisin ang mabuti

II. kilatisin ang kabutihan

III. hatulan ang mabuting pasya at kilos

IV. suriin ang sarili at magninilay

a)

I, II, III, IV

b)

IV, III, II, I

c)

II, IV, III, I

d)

I, IV, III, II

6.

Ito ang itinuturing na kakambal ng kalayaan.

a)

kilos-loob

b)

konsensiya

c)

pagmamahal

d)

responsibilidad

7.

Dahil ikaw ay may kalayaan, maaari mo ng gawin at sabihin ang lahat ng gusto mo. Ang pahayag na ito ay _____

a)

Mali. Puwede ring isama rito ang iyong mga naisin at naiisip.

b)

Tama. Kasama ito sa iyong mga karapatan at mga pribilehiyo.

c)

Mali. Dapat pa ring magsalita at kumilos nang mapanagutan.

d)

Tama. Kaloob ng Diyos na magawa mo ito upang maging masaya.

8.

Bilang mag-aaral, ano ang kailangang mong gawin upang makamit ang tunay na kalayaan?

a)

Magpasa ng batas sa kongreso.

b)

Manahimik at maglathala ng mga storya ng naging biktima ng pang aapi sa social media.

c)

Gumawa ng plakard at magwelga sa kalsada o sa labas ng gate ng paaralan.

d)

Makipag-usap sa kaukulang tao at magbigay ng suhestiyon o panukala tungkol sa isyu.

9.

Si Arvin ay mahilig sa chocolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito.

Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?

a)

ang tao ay may kamalayan sa sarili.

b)

malaya ang taong pumili o hindi pumili.

c)

may kakayahan ang taong mangatwiran.

d)

may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.

10.

Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?

a)

nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.

b)

nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa.

c)

napauunlad nito ang kakayahang mag-isip.

d)

nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.

11.

Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?

a)

Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.

b)

Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.

c)

Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay.

d)

Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.

12.

Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.

a)

isip

b)

kilos-loob

c)

pagkatao

d)

damdamin

13.

Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili

a)

isip

b)

kilos-loob

c)

pagkatao

d)

damdamin

14.

Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:

a)

Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay

b)

Kasama ng mga hayop,likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralain ang mga anak

c)

Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan,lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan

d)

Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao

15.

Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?

a)

Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti

b)

Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya

c)

Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral

d)

Kung magsasanib ang tama at mabuti

16.

“Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?

a)

Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.

b)

May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.

c)

Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa mabuti.

d)

Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.

17.

Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?

a)

Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.

b)

Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.

c)

Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.

d)

Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya

18.

Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?

a)

Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama

b)

Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby

c)

Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito

d)

Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid

19.

Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay:

a)

Bahala ang tao sa kanyang kilos

b)

Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos

c)

Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos

d)

Makabubuti sa tao na kumilos nang tama

20.

Maituturing na masama ang magsinungaling. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?

a)

Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay

b)

Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak

c)

Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kihiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.

d)

Wala sa nabanggit

21.

Hindi lamang masamang kitilin ang sariling buhay kundi masama ring kitilin ang buhay ng kaniyang kapuwa. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?

a)

Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay

b)

Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak

c)

Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kihiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.

d)

Gawin ang mabuti, iwasan ang masama

22.

Ito ay tumutukoy sa mga kritikal na sandali ng ating buhay kung saan nahihirapan tayong mamili kung ano ang dapat gawin.

a)

Problema

b)

Krisis

c)

Pagsubok

d)

kahinaan

23.

Ang konsensiya ay bumubulong na wari’y sinasabi sa atin, “Ito ang mabuti, ang dapat mong gawin”, “Ito ay masama ang hindi mo dapat gawin”. Anong yugto ng konsensiya ang kinapapalooban nito?

a)

Alamin at naisin ang mabuti

b)

Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon

c)

Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos

d)

Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay

24.

Ano ang ibinigay sa tao noong siya ay likhain?

a)

Damit

b)

Pangalan

c)

Likas na Batas Moral

d)

Puso

25.

Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya?

a)

Puso

b)

Pamumuhay ng isang tao

c)

Ang mga maling nagawa ng tao

d)

Kung ang kilos ay tama o mali

26.

Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya?

a)

Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan

b)

Kapag kumikilos tayo ayon sa utos ng may likha

c)

Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin

d)

Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan

27.

Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?

a)

Isang negosyante na nagbibigay ng malaking pera bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na

b)

Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong

c)

Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan

d)

Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa.

28.

Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:

a)

Respetohin ang sariling buhay at buhay ng kapwa.

b)

Isa-isip ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.

c)

Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon

d)

Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.

29.

Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.

a)

Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.

b)

Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkikilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.

c)

Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao

d)

Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan.

30.

Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?

a)

Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.

b)

Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa.

c)

Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala

d)

Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian maayroon kundi sa karangalan bilang tao.