wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Week 3 and 4

Total questions: 10

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Sino sa mga batang ito ang nagpapamalas ng kanyang natatanging kakayahan?

a)

Si Nora na umiiyak dahil siya ay natalo sa contest.

b)

Si Russel na magaling magpinta ngunit natatakot matalo sa contest.

c)

Si Venus na sumali sa contest ng pagtula at buong husay na ipinamalas ang kanyang talento.

d)

Si Enchong na nagdabog sa kanyang nanay nung siya ay hindi nanalo.

2.

Nakita mong may hugasing pinggan at baso sa inyong lababo. Ano ang iyong gagawin?

a)

Tawagin ang kapatid at utusan siya.

b)

Hayaan nalang sa lababo at intayin si nanay na dumating para siya ang maghugas.

c)

Gawin ito ng may pagkukusa.

d)

Gawin ito ng may pagkukusa at humingi kay nanay ng kapalit na laruan.

3.

Nakita mong may nakakalat na sabon sa inyong banyo. Ano ang maari mong gawin?

a)

Kunin ito at itapon sa basurahan.

b)

Kunin ito at ilagay sa tamang lalagyan.

c)

Hayaan ito sa sahig at hintaying may madulas.

d)

Tawagin si ate o kuya at sabihing kunin nila ito.

4.

Binigyan ka ng gawain ng iyong tatay, ito ay ang pagwawalis sa inyong salas tuwing umaga. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Magsimangot dahil hindi mo naman ito gawain.

b)

Maghintay palaging paalalahanan ni tatay tuwing umaga.

c)

Gumising ng tanghali para hindi ikaw ang gumawa.

d)

Gagawin ito ng bukal sa loob at pagbubutihin ang pagwawalis araw-araw.

5.

Magiging mayabang ako dahil alam kong may natatangi akong talento.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Hindi ko sigurado

6.

Ito ay kataingan na nagpapakita ng kakayahang harapin ang anomang gawain o sitwasyon nang walang takot o alinlangan.

a)

A. tatag ng loob

b)

B. katapangan

c)

C. pagka-matiyaga

7.

Masasabing matatag ang iyong kalooban kung:

a)

A. nakikinig ka kapag pinagsasabihan at nagsisikap magbago

b)

B. hindi ka humihingi ng tawad kapag nagkakamali

c)

C. nagtatampo ka kung pinagsasabihan sa maling nagawa

8.

Palatandaan ng katatagan ng kaloobang ang

a)

A. hindi pagpapadala sa pakikipag-away

b)

B. pag-amin sa nagawang pagkakamali

c)

C. lahat ng nabanggit

9.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katatagan ng kalooban, maliban kay:

a)

A. Carl, na tinanggap ang pagkatalo sa laro nang nakangiti

b)

B. Glen, na nakipag-usap ng mahinahon sa sumisigaw sa kanya

c)

C. Claire, na nagmukmok sa silid nang nahirapang magbasa

10.

Dahil libre ang pag-aaral sa pampublikong paaralan, sinikap ni Jose na makatapos ng pag-aaral upang makakuha ng magandang trabaho balang araw.

a)

Tama

b)

Mali