wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan

Total questions: 88

Worksheet time: 44mins

Name
Class
Date
1.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ________________.

a)

Timog Asya

b)

Silangang Asya

c)

Timog-Kanlurang Asya

d)

Timog-Silangang Asya

2.

Saang kontinente nabibilang ang Pilipinas?

a)

Europe

b)

Africa

c)

Asya

d)

Australia

3.

Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng _______.

a)

tao

b)

tubig

c)

lupa

d)

bato

4.

Anong elemento ng bansa ang tumutukoy sa lupang nasasakupan?

a)

Teritoryo

b)

Pamahalaan

c)

Soberanya

d)

Tao

5.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga elemento ng isang bansa?

a)

Tao

b)

Teritoryo

c)

Soberanya

d)

Lahat ng nabanggit

6.

Ang Pilipinas ay isang __________

a)

bayan

b)

bansa

c)

pulo

d)

lalawigan

7.

Ang Pilipinas ay binubuo ng ilang malalaking pulo?

a)

apat

b)

lima

c)

anim

d)

tatlo

8.

Ang Pilipinas ay binubuo ng ____________ na mga pulo o isla.

a)

7, 100

b)

7, 147

c)

7, 641

d)

7, 107

9.

Anong karagatan ang malapit sa Pilipinas?

a)

Atlantic Ocean

b)

Arctic Ocean

c)

Indian Ocean

d)

Pacific Ocean

10.

Aling pagkain ang hindi gawang Pilipino?

a)

Adobo

b)

Puto

c)

Pancit

d)

Balut

11.

Nadiskubre ni Ferdinand Magellan ang ating bansa noong taong 1521

a)

Tama

b)

Mali

12.

Alin sa mga sumusunod ang institusyong tumutupad sa adhikain ng bawat mamamayan?

a)

pamahalaan

b)

teritoryo

c)

soberanya

d)

bansa

13.

Ano ang ibig sabihin ng abbreviations ng ng mga letra sa UN?

a)

United Nations

b)

Asia-Pacific Economic Cooperation

c)

Association of Southeast Asian Nations

14.

Sa kasalukuyan ilan ang kinikilalang bansa sa mundo?

a)

203

b)

200

c)

198

d)

193

e)

139

15.

Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na mga bansa sa Asya?

a)

USA, Spain, Canada

b)

Philippines, Japan, Singapore

c)

Colombia, Argentina, Mexico

d)

USA, China, Russia

16.

Ang CAR ay nangangahulugang __________________ Administrative Region.

a)

Caraga

b)

Cavite

c)

Cordillera

17.

Ilang rehiyon mayroon ang Pilipinas?

a)

17 rehiyon

b)

18 rehiyon

c)

19 rehiyon

18.

Ang BARMM ay nangangahulugang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim ____________________.

a)

Mindanao

b)

Mindoro

c)

Maguindanao

19.

Ang CALABARZON ay anong rehiyon?

a)

Rehiyon IV-A

b)

Rehiyon III

c)

Rehiyon II

20.

Ang MIMAROPA ay anong rehiyon?

a)

Rehiyon IV-B

b)

Rehiyon V

c)

Rehiyon VI

21.

Ang Kanlurang Visayas ay anong rehiyon?

a)

Rehiyon VI

b)

Rehiyon I

c)

Rehiyon XII

22.

Ano ang dalawang panahon sa Pilipinas?

a)

tag-init at tag-ulan

b)

tagsibol at tag- init

c)

taglagas at tag- ulan

d)

tagsibol at taglagas

23.

Alin ang hindi nakaaapekto sa pagbabago ng klima sa bansa?

a)

dami ng ulan

b)

lindol

c)

halumigmig

d)

temperatura

24.

Alin sa sumusunod na mga lugar ang may mababang temperatura dahil ito ay nasa mataas na lugar?

a)

Maynila

b)

Tarlac

c)

Bulacan

d)

Baguio

25.

Ano ang tawag sa isang pangmatagalang kalagayan ng panahon sa isang lugar?

a)

temperatura

b)

panahon

c)

klima

d)

halumigmig

26.

Ano ang tawag sa isang hanging na nagmumula sa karagatang Pasipiko at nararanasan natin sa buwan ng Pebrero hanggang Mayo?

a)

Amihan

b)

Habagat

c)

Hilagang- Silangang Monsoon

d)

Hanging silangan o trade winds

27.

Ano ang hanging nagdudulot ng malakas na ulan na nararanasan sa mga buwan ng Hunyo hanggang Setyembre na mula sa direksyong timog- kanluran ng bansa?

a)

Habagat

b)

Amihan

c)

Hanging silangan

d)

Tradewinds

28.

Ito ay mga likhang-isip na guhit pahalang na may sukat na 0-90 digri.

a)

Ekwador

b)

Prime Meridian

c)

Latitud

d)

Longhitud

29.

Mga likhang-isip na patayong guhit, may sukat na 0-180 digri.

a)

Latitud

b)

Longhitud

c)

Ekwador

d)

Prime Meridian

30.

Ano ang tawag sa pinagsamang guhit latitid at longhitud?

a)

International Dateline

b)

Prime Meridian

c)

Ekwador

d)

Grid

31.

Pagkuha sa eksaktong kabuuang lokasyon ng isang lugar na ginagamitan ng mga coordinates

a)

Relatibong Lokasyon

b)

Absolute Location

c)

Lokasyon Bisinal

d)

Lokasyong Insular

32.

Paghanap ng eksaktong lokasyon na ibinibigay ang mga nakapaligid na pook nito

a)

Relatibong Lokasyon

b)

Absolute Location

c)

Grid

d)

Coordinates

33.

Ahensya ng pamahalaan na nabibigay ng ulat sa kalagayan ng panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

a)

DSWD

b)

PHILVOCS

c)

PAGASA

d)

DepEd

34.

____________ ang klima ng Pilipinas.

a)

Mainit

b)

Malamig

c)

Tropikal

35.

Karaniwang malamig ang klima sa ____________.

a)

Kabundukan

b)

Kapatagan

c)

Kanayunan

36.

Madalas na nanggaling sa ____________ ang mga bagyo na dumarating sa Pilipinas.

a)

Dagat Celebes

b)

West Philippine Sea

c)

Karagatang Pasipiko

37.

Ang lokasyon ng Pilipinas ay matatagpuan malapit sa ____________.

a)

Longitude

b)

Latitude

c)

Ekwador

38.

Anong bilang ng babala umaabot ang pinakamalakas na bagyo?

a)

1

b)

3

c)

5

39.

Malamig at tuyong hangin na nagmumula sa China at Siberia na nararanasan mula Nobyembre hanggang Pebrero sa Pillipinas.

a)

Hanging Habagat

b)

Hanging Amihan

c)

Hanging Silangan

d)

bagyo

40.

Sa ulat ng panahon ay isinasama ang bilis ng hangin bilang elemto sa pagtataya ng panahon. Ano ang gamit sa pagsukat ng bilis nito?

a)

barometer

b)

anemometer

c)

wind rock

d)

thermometer

41.

Panuto: Piliin ang tamang sagot.

Ang mga bansang nasa pagitan ng 23 1/2 hanggang 66 1/2 hilaga at 23 1/2 hanggang 66 1/2 timog mula sa ekwador ay kabilang sa anong latitud?   
  

a)

mataas na latitud

b)

gitnang latitud

c)

mababang latitud

42.

Panuto: Piliin ang tamang sagot.


Ang mga bansa sa gitnang latitud ay nakakaranas ng anong klima?

a)

klimang taglamig

b)

klimang mainit o klimang tropikal

c)

klimang tagsibol, taglamig, taglagas at tag-init

43.

Panuto: Piliin ang tamang sagot.

Ang mga bansang nasa pagitan ng 66 1/2 hanggang 90 hilaga o kabilugang artiko at 66 1/2 hanggang 90 timog o kabilugang antartiko ay kabilang sa anong latitud?   
  

a)

mataas na latitud

b)

gitnang latitud

c)

mababang latitud

44.

Panuto: Piliin ang tamang sagot.

Sa kasalukuyan, nagbabago na ang sitwasyon ng klima sa Pilipinas dahil sa ________________

a)

Climate Change

b)

Polusyon

45.

Anong bansa sa Timog Silangang Asya ang isa pangunahing nagluluwas ng pangunahing nagluluwas ng langis mula sa niyog?

a)

Pilipinas

b)

Indonesia

c)

Malaysia

d)

Singapore

46.

Anong uri ng likas na yaman ang palay?

a)

Yamang Lupa

b)

Yamang Gubat

c)

Yamang Mineral

d)

Yamang Tubig

e)

Yamang Tao

47.

Ito ay enerhiyang nagmumula sa singaw (steam) ng maiinit na tubig sa ilalim ng lupa.

a)

Geothermal Energy

b)

Hydroelectric Energy

c)

Solar Energy

d)

Wind Energy

48.

Saan matatagpuan ang pinakamalawak na kagubatan sa Pilipinas?

a)

Luzon

b)

Visayas

c)

Mindanao

d)

Panay

49.

Saang lalawigan matatagpuan ang malaking deposito ng marmol sa Pilipinas?

a)

Romblon

b)

Palawan

c)

Mindoro

d)

Camarines

50.

Ano ang tawag sa pangitlugan at kanlungan ng mga isda.

a)

Korales

b)

Bato

c)

Sea weeds

d)

Sea Orchins

51.

Ito ang yamang pwedeng magamit ng pauli-ulit.

a)

Renewable Resources

b)

Nonrenewable Resources

c)

Yamang-mineral

d)

Lahat ay tama

52.

Ano ang pambansang puno ng Pilipinas?

a)

Narra

b)

Sampalok

c)

Santol

53.

  1. Ito ang tinaguriang "Bangan ng Palay ng Pilipinas."

a)

Central Luzon

b)

Eastern Visayas

c)

Central Visayas

d)

Central Mindanao

54.

  1. Binansagang "Sugar Bowl of the Philippines."

a)

Negros Oriental

b)

Palawan

c)

Negros Occidental

d)

Bukidnon

55.

Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa bansa subalit pangunahing atraksiyon sa lalawigan ng Albay.

a)

Bulkang Mayon

b)

Bulkang Pinatubo

c)

Bulkang Taal

d)

Bulkang kanlaon

56.

Naitala bilang "Best Island of the World" ang islang ito sa Aklan

a)

Boracay

b)

Puerto Princesa

c)

Puerto Galera

d)

Palawan

57.

Tuna Capital of the Philippines.

a)

General Trias

b)

General Santos

c)

General Mariano

d)

General Santiago

58.

Tawag sa bilang ng taong naninirahan sa isang lugar.

a)

mamayan

b)

Yamang Tao

c)

Tao

d)

populasyon

59.

Ito ay paggamit ng dinamita sa pangingisda.

a)

Dynamite cooking

b)

Dynamite eating

c)

Dynamite planting

d)

Dynamite fishing

60.

Kapag ating pinutol ang mga halaman ng walang pahintulot mula sa DENR ang tawag dito ay_______?

a)

Illegal buying

b)

Illegal logging

c)

Illegal bidding

d)

Illegal haunting

61.

Si Ana ay isang mabait na bata at mapagmahal sa kapaligiran, ugali na niyang paghiwa-hiwalayin ang mga basura kung ito ay nabubulok, di-nabubulok at recycables. Ano ang tawag sa kanyang pamamaran ng pagtatapon ng basura?

a)

Waste segregation

b)

Waste arrangement

c)

Waste disposal

d)

Waste management

62.

Ito ay ang isa sa dahil kung bakit nasisira ang Ozone layer na maaring magdulot ng pagkakasakit sa balat o skin cancer dahil sa sobrang radiation mula sa araw.

a)

Pagputol ng mga punong-kahoy

b)

Pagsunog ng basura

c)

Pagtatapon ng basura

d)

Paggamit ng dynamita

63.

Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit gumuguho ang kabundukan bukod sa lindol at malakas na ulan.

a)

Mining

b)

Dynamite fishing

c)

Pagsusunog ng basura

d)

Pagtatanim ng mga punong-kahoy

64.

Ano ang ibig sabihin ng 3R's: Reduce, Re-use at _________.

a)

Repair

b)

Redo

c)

Regain

d)

Recycle

65.

Ano ang katangian ng isang maayos na kapaligiran

a)

Maraming halaman at hayop

b)

Maraming basura

c)

Maraming insekto at langaw

d)

Wala sa nabanggit

66.

Ang mga sumusunod ay hindi pangangalaga sa anyong tubig na siyang tirahan ng mga isda, maliban sa isa.

a)

Magsagawa ng dynamite fishing

b)

Manguha ng mga corals

c)

Huwag magtapon ng basura dito

d)

Magtapon ng nakalalasong kemikal

67.

Ang mga sumusunod ay katangian ng maruming kapaligiran, maliban sa isa.

a)

Maraming basura

b)

Kakaunting puno

c)

Maraming sariwang damo

d)

Mabahong simoy ng hangin

68.

Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagkasira ng kapaligiran maliban sa isa.

a)

Pagtatapon ng basura

b)

Pagtatanim ng mga halaman

c)

Dynamite Fishing

d)

Mining

69.

Ang mga epekto ng gawaing ito ay pagguho ng lupa, pagbaha at pagkawala ng tirahan ng mga hayop. Anong gawain ito?

a)

Labis na pagpuputol ng mga puno

b)

Paggamit ng dinamita sa pangingisda

c)

Pagbuga ng maitim na usok ng mga sasakyan

70.

Aling bahagi ng ating katawan ang masisira dahil sa paglanghap ng usok mula sa sasakyan at pagsisiga?

a)

Baga (Lungs)

b)

Bato (Kidney)

c)

Tiyan (Stomach)

71.

Ang ahensya na ito ng pamahalaan ang may pananagutan na tiyakin ang kaligtasan at kabutihan ng mga mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna.

a)

National Disaster Risk Reduction Management Council

b)

Department of National Defense

c)

Department of Education

d)

Department of Interior and Local Government

72.

Ang pangulo ay nag atas na mamahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo at asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. Anong ahensya ang namamahala sa gawain na ito ng pamahalaan

a)

Department of Education (DepEd)

b)

Department of Social Welfare and Development (DSWD)

c)

National Food Authority (NFA)

d)

Department of Interior and Local Government (DILG)

73.

Anong ahensiya ng pamahalaan ang nagbibigay ng libreng gamot at pangangalaga sa may sakit at nagpapalaganap ng kaalaman upang mapanatiling malusog ang mga mamamayan?

a)

DILG

b)

DSWD

c)

DOH

74.

Anong ahensiya ng pamahalaan ang nagsasaayos ng lansangan, daan, tulay, dike at iba pang impraestruktura ng pamahalaan na nasisira kapag may mga baha o lindol?

a)

DPWH

b)

DILG

c)

PAGASA

75.

Ano ang ahensiya ng nangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman ng bansa. Tumutulong ang kagawarang ito sa pagsasaayos ng ating kapaligiran?

a)

DEPED

b)

PAGASA

c)

DENR

76.

1.Ang kulturang Pilipino ang nagpapakita ng ating

pagkakakilanlan bilang isang bansa.

a)

tama

b)

mali

77.

2.Gawing kawili-wili ang pagbabasa ng kuwentong bayan,

alamat at epiko.

a)

tama

b)

mali

78.

Ano ang pambansang wika ng Pilipinas?

a)

Cebuano

b)

Tagalog

c)

Filipino

79.

Sino ang tinaguriang “Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa”.

a)

Lope K. Santos

b)

Manuel L. Quezon

c)

Severino Reyes

80.

Kailan nagsimula ang buwan ng wika?

a)

1935

b)

1936

c)

1937

81.

Sino ang pangulong nagdeklara ng buwan ng Agosto bilang “Buwan ng Wika”?

a)

Diosdado Macapagal

b)

Ferdinand Marcos

c)

Fidel Ramos

82.

Sino ang naging pangulo ng Unang Republika?

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Felipe Calderon

c)

Apolinario Mabini

d)

Mariano Ponce

83.

Sino ang namuno sa Kongreso ng Malolos?

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Felipe Calderon

c)

Apolinario Mabini

d)

Pedro Paterno

84.

Siya ang kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban sa mga mananakop na Kastila.

a)

Andres Bonifacio

b)

Lapu-lapu

c)

Jose Rizal

85.

Siya ang pambansang bayani ng Pilipinas.

a)

Manuel Quezon

b)

Lapu-lapu

c)

Jose Rizal

86.

Siya ang nagtatag ng Katipunan.

a)

Apolinario Mabini

b)

Gregorio Del Pilar

c)

Andres Bonifacio

87.

Siya ang Utak ng Himagsikan

a)

Apolinario Mabini

b)

Juan Luna

c)

Jose Rizal

88.

Siya ang Ina ng Katipunan.

a)

Melchora Aquino

b)

Josefa Escoda

c)

Cory Aquino