wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 5-WEEK 6

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Nakita mo ang iyong kaklase na mabilis na lumabas ng palikuran ng mgababae na parang may tinatakasan. Kinabukasan ay inanunsyo ng punongguro ng paaralan na mayroong nagsulat sa dingding sa loob ng palikuran.Bilang isang matapat na mag-aaral, ano ang gagawin mo?

a)

Ipagsigawan sa buong paaralan na ang iyong kaklase ang nagsulat.

b)

Pumunta sa punong guro at makipag-usap nang masinsinan tungkolsa iyong kaklase.

c)

Ipahiya ang kaklase sa buong paaralan.

d)

Tumahimik lang at huwag sabihin ang nakita.

2.

“Bawal umihi rito”. Ito ang karatulang mababasa sa pader sa tapat ng inyong paaralan. May mga kabataang lalaki ang lumabag sa babala na bawal ang umihi sa lugar na iyon. Paano mo aaksyonan ang pangyayari?

a)

Isumbong kaagad ang mga nakitang lalaki

b)

Pagalitan ang mga lalaking umihi sa hindi tamang lugar.

c)

Pagsabihan nang mahinahon ang mga lalaki na bawal umihi rito.

d)

Sabihin sa punong guro na may mga lalaking lumabag sa babala ng paaralan.

3.

Alam ni Myra na si Jose ang nambato sa batang katutubo sa inyong paaralan ngunit natakot siyang sabihin ang katotohanan dahil sa pinagbantaan siya ni Jose. Gustong ipaalam ni Myra ang totoo, kanino niya ito sasabihin?

a)

Sasabihin ni Myra sa kaniyang mga kaklase.

b)

Sasabihin ni Myra sa kaniyang kapitbahay.

c)

Sasabihin niya ito sa guro ng batang katutubo.

d)

Sasabihin niya ito sa punong barangay.

4.

Pinuri ng Science teacher si Jane dahil nakakuha siya ng pinakamataas na marka sa pagsusulit. Pinalakpakan at pinuri siya ng buong klase.Mayamaya lang ay dahan-dahan siyang tumayo at pumunta sa gitna.Inamin niya na siya ay nagkodigo. Anong katangian ang ipinakita ni Jane sa kaniyang pag-amin sa kasalanan?

a)

Pagpapakumbaba

b)

Pagkamatapat

c)

Pagkamasunurin

d)

Pagkamabait

5.

6. Nag-away ang dalawa mong kaklase. Si Niko na matalik mong kaibigan ang nagsimula ng gulo. Bilang kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?

a)

Tutulungan ang kaibigan at makikipag-away din sa kaklase.

b)

Pagtatawanan ang dalawang nag-aaway.

c)

Aalis at pababayaan ang nag-aaway.

d)

Aawatin ang nag-aaway at pagsasabihan silang dalawa samahinahong paraan.

6.

Kailan makikita ang katapatan sa sarili?

a)

Aangkinin ang gawa ng iba para purihin ng guro.

b)

Tatanggapin nang maluwag sa loob ang maliit na marka at pag-iigihinang pag-aaral sa susunod.

c)

Magagalit kapag pinupuna ng kaklase.

d)

Maniniwalang palaging tama ang kaniyang ginagawa.

7.

Inutusan ng nanay si Mila na bumili ng asukal sa tindahan ngunit nadaanan niya ang mga kaibigang naglalaro. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Sasali sa laro at kakalimutan ang utos ng nanay.

b)

Pahihintuin ang mga naglalaro.

c)

Hahayaang maglaro ang mga kaibigan at didiretso sa tindahan parasundin ang utos ng nanay.

d)

Ibibili ng meryenda ang pera at ipamimigay sa mga kaibigan.

8.

Isang opisyal ng barangay si Mang Mario. Ginagampanan niya nang maayos at matapat ang kaniyang mga tungkulin sa kanilang barangay.Ano ang ipinakikita ni Mang Mario?

a)

Katapatan sa guro

b)

Katapatan sa pamilya

c)

Katapatan sa paaralan

d)

Katapatan sa pamayanan

9.

Napansin mong walang imik ang iyong nakababatang kapatid. Nang tanungin mo, sinabi niya sa iyo ang problema niya. Ano ang gagawin mo?

a)

Makinig, unawain at maging tapat sa pagbibigay ng payo sa kapatid.

b)

Pabayaan ang kapatid na lutasin ang sariling problema.

c)

Huwag pagsabihan ang kapatid dahil baka masaktan siya

d)

Isumbong sa nanay para mapagalitan.

10.

Napagtanto ni Celso na sobra ang ibinigay na sukli ng tindera sa grocery store na kaniyang binilhan. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Umuwi kaagad sa bahay pagkatapos bumili.

b)

Pagalitan ang tindera dahil nagkamali ito.

c)

Ibalik ang sobrang sukli sa tindera.

d)

Isilid sa bulsa ang sobrang sukli.