wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGKAMATIISIN-G4

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging matiisin?

a)

Namasukang kasambahay si Leny sa kanilang kapit-bahay na mayaman bilang kapalit ay pag-aaralin siya nito.

b)

Nagpasyang hindi magpasa ng proyekto si Ana sa EPP dahil lubha siyang nahirapan sa paggawa nito.

c)

Hindi dumalo ng flag ceremony si Anton dahil ayaw niyang tumayo nang matagal.

d)

Nag-backout si Randy bilang mananayaw ng kanilang paaralan dahil nahihirapan siya sa mga pagsasanay.

2.

Kinausap ka ng nanay at tatay mo na hindi ka muna ibibili ng bagong school uniform dahil nawalan ng trabaho ang iyong tatay kaya kailangan ninyong magtipid sa mga gastusin. Ano ang iyong dapat gawin?

a)

Magtatampo sa iyong mga magulang.

b)

Hihinto sa pag-aaral dahil wala kang bagong school uniform

c)

Aayusin ang lumang uniform para magamit muli.

d)

Hindi na lang ako magsusuot ng school uniform.

3.

Gusto mong bumili ng usong sapatos tulad ng sa iyong kaibigan. Ngunit hindi sapat ang pera mo. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

Mag-iipon ako ng pera mula sa aking baon.

b)

Manghihingi ako ng pambili kay nanay.

c)

Manghihiram nalang ako ng sapatos sa aking kaibigan.

d)

Makikiusap ako sa aking kaibigan na magpalit na lang kami ng sapatos.

4.

Pumapasok araw-araw si Lisa kahit wala siyang baon at mga bagong kagamitan sa pag-aaral. Anong magandang pag-uugali ang taglay ni Lisa?

a)

Pagiging matiisin.

b)

Pagiging tamad sa pag-aaral.

c)

Pagiging sanay sa walang baon.

d)

Pagiging masunurin sa nanay.

5.

Namamasyal ka sa mall kasama ng nanay mo. Nakaramdam ka ng gutom. Nagpasya ang nanay mo na kumain kayo sa isang fast food chain. Napansin mo na mahaba ang pila, ano ang dapat mong gawin?

a)

Sisingit ako sa pila dahil gutom na gutom na ako.

b)

Makikiusap sa cashier na unahin ako dahil gutom na gutom na ako.

c)

Iiyak nang malakas ng maawa sa akin ang cashier para mauna ako sa pila.

d)

Pipila tulad ng iba at hihintayin ang aking pagkakataon

6.

Napakahalaga sa isang tao lalo na sa mga mag-aaral tulad mo ang marunong sumangguni sa mga taong __________________tulad ng iyong mga magulang at iyong mga guro, bago gumawa ng anumang aksyon o hakbangin

a)

binabantayan

b)

inaasahan

c)

pinagkakatiwalaan

d)

minamahal

7.

Alin ang maari mong matanggap kung ikaw ay sumasangguni sa mapagkakatiwalaang tao o mga tao bago ka gumawa ng desisyon o hakbangin sa buhay?

a)

problema nila

b)

payo o mga payo nila

c)

suliranin mo

d)

mga kahinaan mo

8.

Upang makagawa ng mahuhusay na desisyon sa buhay, alin ang HINDI mo dapat gawin?

a)

Suriin kung ano ang mga negatibo at positibong idudulot ng iyong gagawing hakbang.

b)

Makipag-usap sa mga nakaranas na ng katulad ng iyong kinakaharap na suliranin.

c)

Makinig sa payo ng lahat na nakakausap mo.

d)

Huwag padalos-dalos na gumawa ng pagpapasya.

9.

Alin ang naidudulot ng pagiging matiisin?

a)

Magiging matagumpay ka sa buhay.

b)

Masarap sa pakiramdam na nagawa mo ang isang bagay dahil hindi ka agad sumusuko

c)

Higit na madali para sa iyo ang pag-abot ng iyong mga pangarap.

d)

Lahat ng nabanggit.

10.

Aling kasabihan ang nagpapakita ng pagiging matiisin?

a)

Matutong lumingon sa iyong pinanggalingan.

b)

Kapag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.

c)

Ang batang masayahin ay malayo ang mararating.

d)

Gawin mo sa iyong kapuwa ang nais mong gawin nila saiyo.