Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 6

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Dito nagwawakas ang tunggalian at ginigising ang pananabik ng mga mambabasa dahil dito pagpapasiyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan.

a)

Pataas na aksiyon

b)

Panlinang na pangyayari

c)

Kasukdulan

d)

Wakas

2.

Sa bahaging ito, nakikilala ang mga tauhan ng kuwento lalo na ang katangian at pagkatao ng pangunahing tauhan .

a)

Panlinang na pangyayari

b)

Pataas na aksiyon

c)

Kasukdulan

d)

Wakas

3.

Dito makikita ang magiging kapalaran ng pangunahing tauhan sa kuwento.

a)

Wakas

b)

Panlinang na pangyayari

c)

Kasukdulan

d)

Kakalasan

4.

Ipinakikita rito ang hangarin ng pangunahing tauhan na hadlangan ang sino man o ano mang makatunggali niya.

a)

Wakas

b)

Panlinang na pangyayari

c)

Tunggalian

d)

Kasukdulan

5.

Ito ay matalinghagang paglalarawan o pagpapahayag sa masining na paraan.

a)

Pangngalan

b)

Pandiwa

c)

Tayutay

d)

Panghalip

6.

Ito ang tayutay na gumagamit ng kawangis, wari, animo, gaya, tila, paris, parang, -ga, tulad, sing at kasing sa paghahambing.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Tayutay

d)

Pandiwa

7.

Ito ay lipon ng mga salitang hindi buo ang diwa; bahagi lamang ng pangungusap.

a)

Parirala

b)

Pangungusap

c)

Salita

d)

Sugnay

8.

Ito ay salita o lipon ng mga salitang may buong diwa.

a)

Pangungusap

b)

Parirala

c)

Salita

d)

Sugnay

9.

Ito ay lipon ng mga salitang may simuno at panaguri subalit hindi buo ang diwa.

a)

Pangungusap

b)

Sugnay

c)

Parirala

d)

Salita

10.

Alin sa mga sumusunod ang pangungusap?

a)

nang lumakas ang katawan mo

b)

ay panaginip ko lang

c)

Takbo!

d)

maraming tao

11.

Alin sa mga sumusunod ang parirala?

a)

dahil hindi nakapasok ang ama

b)

Magalang at matulungin si Carlos.

c)

nakaiwan ng kaniyang dala-dalahan

d)

Sino ba siya?

12.

Ano-ano ang dalawang bahagi ng pangungusap?

a)

sugnay at parirala

b)

pandiwa at pangngalan

c)

simuno at panaguri

d)

wala sa nabanggit

13.

Ito ang tawag sa payak na simuno kasama ang iba pang salitang panuring.

a)

Panaguri

b)

Simuno

c)

payak na panaguri

d)

buong simuno

14.

Ito ang tawag sa payak na panaguri kasama ang iba pang salitang panuring.

a)

payak na simuno

b)

payak na panaguri

c)

buong simuno

d)

buong panaguri

15.

Ito ang dalawang ayos ng pangungusap.

a)

Karaniwan at Di-karaniwan

b)

Simuno at Panaguri

c)

Pangungusap at Parirala

d)

Parirala at Sugnay

16.

Ito ang tawag sa salita o lipon ng mga salita na walang paksa.

a)

Pangungusap

b)

Parirala na walang paksa

c)

Sugnay na walang paksa

d)

Pangungusap na walang paksa

17.

Ito ay nangangahulugang may pangyayaring ginawa na at kailangan lamang pasalamatan.

a)

pangungusap na muling pagtatanong

b)

pangungusap na pasasalamat

c)

pangungusap na patawag

d)

pangungusap na pagbati

18.

Gumagamit ito ng mga katagang may, mayroon, at wala.

a)

pangungusap na pautos

b)

pangungusap na pakiusap

c)

pangungusap na padamdam

d)

pangungusap na eksistensiyal

19.

Ito ay pangungusap na ginagamitan ng mga katagang kay at napaka.

a)

pangungusap na eksistensiyal

b)

pangungusap na pautos

c)

pangungusap na pasukdol

d)

pangungusap na pakiusap

20.

Ito ay ginagamitan ng paki at maki.

a)

pangungusap na patawag

b)

pangungusap na pangkalikasan

c)

pangungusap na pagbati

d)

pangungusap na pakiusap

21.

Ito ay nagsasaad ng nadarama.

a)

pangungusap na pamanahon

b)

pangungusap na patawag

c)

pangungusap na padamdam

d)

pangungusap na pakiusap

22.

Ito ay nangangahulugang kaharap na ng nag-uutos ang inuutusan.

a)

pangungusap na eksistensiyal

b)

pangungusap na pasukdol

c)

pangungusap na pautos

d)

pangungusap na pakiusap

23.

Ito ay nangangahulugang may nauna nang pahayag na hindi lamang gaanong narinig o naunawaan kaya ipinaulit.

a)

pangungusap na muling nagtatanong

b)

pangungusap na pasasalamat

c)

pangungusap na patawag

d)

pangungusap na pangkalikasan

24.

Tinatawag sa pangalan ang isang tao at nauunawaan naman ng tinatawag na siya'y hinahanap

a)

pangungusap na pagbati

b)

pangungusap na patawag

c)

pangungusap na pasasalamat

d)

pangungusap na padamdam

25.

Nangangahulugang kaharap na ang taong binabati.

a)

pangungusap na pasasalamat

b)

pangungusap na patawag

c)

pangungusap na pangkalikasan

d)

pangungusap na pagbati

26.

Ito ay nauukol sa pangyayaring may kinalaman sa kalikasan.

a)

pangungusap na pangkalikasan

b)

pangungusap na padamdam

c)

pangungusap na pagbati

d)

pangungusap na pautos

27.

Nagsasaad ito ng panahon.

a)

pangungusap na panagot sa tanong

b)

pangungusap na pamanahon

c)

pangungusap na muling pagtatanong

d)

pangungusap na pagbati

28.

Ito ay nangangahulugang dati nang kausap ang pinagpaalaman ng aalis.

a)

pangungusap na pagbati

b)

pangungusap na pakiusap

c)

pangungusap na padamdam

d)

pangungusap na pagpapaalam

29.

Ito ang pangungusap na sumasagot sa tanong.

a)

pangungusap na patawag

b)

pangungusap na panagot sa tanong

c)

pangungusap na pamanahon

d)

pangungusap na pagbati

30.

Ano ang tawag sa pangungusap na ito? " Maligayang bati sa iyo."

a)

pangungusap na pagbati

b)

pangungusap na pamanahon

c)

pangungusap na pakiusap

d)

pangungusap na pasukdol

31.

Saan sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa di-karaniwang ayos?

a)

Si Maria ay maganda.

b)

Matalino si Michael.

c)

Mabait na bata si Carla.

d)

Palakaibigan ang batang si Ana.

32.

Ano ang tawag sa pangungusap na ito? " Ang matapat ay ginagantipalaan ng Diyos."

a)

Karaniwan

b)

Di-karaniwan

c)

Panaguri

d)

Simuno

33.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tayutay?

a)

Ang aso ay tumatahol.

b)

Kasing-puti ng gatas ang kutis ni Mika.

c)

Masarap kumain ng mangga.

d)

Malamig ang simoy ng hangin.

34.

Alin sa mga sumusunod na salita ang ginagamit sa tayutay na simili?

a)

baka

b)

may

c)

parang

d)

wala

35.

Alin ang hindi kasama sa pangkat?

a)

wari

b)

animo

c)

ga-

d)

may

36.

Ang banghay ng kuwento ay binubuo ng limang bahagi.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Ang katangian ng pangunahing tauhan ay makikita agad sa panimulang pangyayari.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Makikita sa wakas ang magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.

a)

Tama

b)

Mali

39.

Ipinapakita sa tunggalian ang hangarin ng pangunahing tauhan na hadlangan ang sino man o ano mang makatunggali niya.

a)

Tama

b)

Mali

40.

Ang simili o pagtutulad ay paghahambing ng dalawang pangngalang may pagkakahawig subalit magkaiba sa ibang katangian.

a)

Tama

b)

Mali

41.

Ang tayutay ay isang simpleng paglalarawan o pagpapahayag ng damdamin o kaisipan.

a)

Tama

b)

Mali

42.

Ang parirala ay lipon ng mga salitang hindi buo ang diwa.

a)

Tama

b)

Mali

43.

Ang sugnay ay lipon ng mga salita na may buong diwa.

a)

Tama

b)

Mali

44.

Ang Di-karaniwan o baligtad ay isang pangungusap na kung saan ang panaguri ay nauuna sa simuno.

a)

Tama

b)

Mali

45.

Ang kahulugan ng “isinalya” ay isinara ng pahagis.

a)

Tama

b)

Mali

46.

Ang kahulugan ng “nagluwat” ay nakatutuwa.

a)

Tama

b)

Mali

47.

Ang kabaliktaran ng “salat” ay sagana.

a)

Tama

b)

Mali

48.

Ang “Naku!’ ay isang pangungusap na pasalaysay.

a)

Tama

b)

Mali

49.

Ang “ Lakad na.” ay isang halimbawa ng pangungusap na pautos.

a)

Tama

b)

Mali

50.

Ang “Makikiraan po.” ay isang halimbawa ng pangungusap na eksistensiyal.

a)

Tama

b)

Mali