wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Online Asynchronous Quiz 1

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ayon kay Pierangelo Alejo, ito ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag iimbot, puro at romanikong pagmamahal.

a)

Pamayanan

b)

Pamilya

c)

Komunidad

d)

Institusyon

2.

May mga pagkakataon na labis ang pagnanais ng mga kasapi ng pamilya na maging malapit sa isa’t-isa kung kaya hindi natuturuan ang mga kasapi nito na tumayo sa sarili nilang mga paa. Ang ganitong kaugalian ay nagpapakita ng ________ng isang pamilyang Pilipino.

a)

Kalakasan

b)

Pagbibigay Oportunidad

c)

Kahinaan

d)

Banta

3.

Masyadong mabilis ang paglago ng teknolohiya. Sa pagdaan ng panahon hindi maita-tanggi ang labis na pangangailangan ng tao sa makabagong modernisasyon lalo na pagdating sa komunikasyon, sa panahong ito ng pandemya. Sa kabilang banda, ang makabagong modernisasyong ito ang nagiging dahilan upang mawalan ng mas malalim na pakahulugan ng ugnayan sa loob ng tahanan ang bawat pamilyang Pilipino. Sa pagkakataong ito ang modernisayong bunga ng teknolohiya ay nag sisilbing ___________ sa ugnayan ng miyembro ng pamilya.

a)

Kalakasan

b)

Oportunidad

c)

Kahinaan

d)

Banta

4.

Likas sa bawat Pilipino ang labis na pagmamahal sa pamilya. Ang pagmamahal na ito ang kadalasang nagiging motibasyon ng bawat isa, higit ng ating mga magulang upang itaguyod ang kanilang mga anak sa pag-aaral upang magkaroon ito ng magandang buhay. Ang katangian ito ay sadyang malaking ___________ ng bawat pamilyang Pilipino.

a)

Kalakasan

b)

Oportunidad

c)

Kahinaan

d)

Banta

5.

Si Jeriel ay lumaki sa isang maayos na pamilya. Busog sya sa pangaral mula sa kanyang mga magulang na maging isang mabuting mamamayan upang mas maging kapaki-pakinabangsa lipunan. Dahil sa pangaral na ito sya ay naging isang matagumpay at mahusay na lingkod-bayan. Ano ang ipinapakita ng sitwasyon?

a)

May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.

b)

Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama habang buhay.

c)

Mahalgang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananamapalataya.

d)

Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay.

6.

Mahilig sa pagkuha ng larawan at video si Joshua. Sa kanyang paglalakad ay nakita nya ang isang nasusunog na gusali., agad nya itong kinuhaan ng video at ipinadala sa youscoop segment ng Unang Hirit. Dahil dito marami ang nakaalam at nagbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng sunog. Ang aksyong ginawa ni Joshua ay tiyak na pagpapatunay na ________.

a)

May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.

b)

Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama habang buhay.

c)

Mahalgang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananamapalataya.

d)

Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay.

7.

Labis na nagmamahalan si Captain Ri at Yoon Seri, malinaw rin sa kanilang isipan na higit sa kanilang nararamdaman ay ang tungkuling maging mabubuting magulang sa kanilang magiging mga anak. Palagi nilang iniisip ang magiging bahagi nila upang mas maging malinaw sa mga ito ang misyon nila sa buhay at ang banal na pagkatakot sa Diyos.

a)

May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.

b)

Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama habang buhay

c)

Mahalgang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananamapalataya.

d)

Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay.

8.

Sa kabila ng buyo ng mga kabarkada ni Lee Min Ho na sumama sa kanila upang magsugal at gumamit ng ipinagbabawal na gamot, ay mas pinili nitong lumayo sa mga ito, dahil na rin sa palaging pangangaral ng kanyang magulang.

a)

May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.

b)

Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama habang buhay

c)

Mahalgang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananamapalataya.

d)

Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay.

9.

Si Onay ay may dwarfism, mas maliit sya sa pangkarniwang tangkad ng mga babae. Ngunit hindi naging dahilan ang kanyang kalagayan upang maranasan nya ang labis na pagmamamahal at malasakit mula sa kanyang mga magulang at mga kapatid.

a)

May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.

b)

Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama habang buhay

c)

Mahalgang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananamapalataya.

d)

Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay.

10.

Sinasamantala ng pamilya Diaz ang pandemya upang makatulong sa ibang tao at maging daan upang magkabuklod-buklod ang bawat miyembro ng kanilang pamilya. Sama sama silang nagbabalot ng mga relief goods na ipapamahagi ng mga volunteers.

a)

Kalakasan

b)

oportunidad

c)

kahinaan

d)

banta

11.

TAMA O MALI


Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.

a)

Tama

b)

Mali

12.

TAMA O MALI


Sa pamilya unang sumisibol ang bawat mamamayan na maging mahalagang bahagi ng lipunan, ang mga magiging kasapi ng iba’t-ibang sector ng lipunan.

a)

Tama

b)

Mali

13.

TAMA O MALI


Ang pagpapakasal ay hindi na mahalaga sa panahon ngayon, hindi na ito bahagi ng kultura ng pamilyang Pilipino sapagkat kailangang mas maging praktikal.

a)

Tama

b)

Mali

14.

TAMA O MALI


Ang paaralan ang pinaka-epektibong paraan upang gawing makatao at mapagmahal ang lipunan.

a)

Tama

b)

Mali

15.

TAMA O MALI


Ang pagkakaroon lamang ng anak ang pananagutan ng mga magulang, ang gabayan ang mga ito, pag-aralin at hubugin upang magkaraoon ng pananampalataya sa Diyos ay labas na sa kanilang tungkulin.

a)

Tama

b)

Mali