NEW
Font size
Worksheetsesp8
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
Paaralan
Pamilya
Pamahalaan
Barangay
Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa
Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya.
Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa iskwela.
Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.
“Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.
Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.
Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
Pinagsama ng kasal ang magulang
Pagkakaroon ng mga anak
Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
Mga patakaran sa pamilya
Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
. Buo at matatag
May disiplina ang bawat isa
Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.
Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan
Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya
Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.
“Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay?
Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao.
Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa
Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan
Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
Kalusugan
Edukasyon
Buhay
Pagkain at tahanan
Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay___________________.
bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang
pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay matagumpay na malampasan
pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan
malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito
Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga anak.
Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap
Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap.
Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamilya.
Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turuan.
Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.
Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya
Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
pagtanggap
pagmamahal
katarungan
pagtitimpi
Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
pagtitiwala
pagtataglay ng karunungan
pagkakaroon ng ganap na kalayaan
pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal maliban sa:
ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya
ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya
Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya
Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya
Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan
