wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP7-Modyul2-Tayahin

Total questions: 15

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Si Ferdie ay Malaki na ang pinagbago sa pakikipaglaro. Dati gusto niya na lahat ng laruan ay kanya. Ngayon marunong na siyang magbahagi sa mga kalaro at hindi na siya nakikipag-away. Si Ferdie ay nagpakita ng:

a)

Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan

b)

Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan

c)

Pagtamo ng mapanagutan asal

d)

Pagtanggap ng papel sa lipunan

2.

Si Leah ay nais maging guro pagdating ng araw. Bata pa lamang siya ay ito na talaga ang kanyang nais. Kahit hikayatin siya ng mga kaibigan na kumuha ng ibang kurso sa kolehiyo ay hindi niya ito pinapakinggan. Pagaaral nang mabuti ang kanyang ginagawa para matupad ang kanyang pangarap. Sa tulong ng gabay ng kanyang magulang ay umaasa siya na matutupad niya ito. Ano ang ipinakita ni Leah sa kanyang pangarap na maging guro kahit hikayatin siya ng kaibigan ay hindi pa rin nagbago ang nais niya?

a)

Alam talaga kung ano ang nais sa buhay

b)

Nanatiling bukas ang kumonikasyon

c)

Ipinakita ang tunay na ikaw

d)

Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan

3.

Anong tulong ang ibinigay ng magulang ni Leah upang matupad ang kanyang pangarap?

a)

Pagganyak sa kanyang pangarap

b)

Gabay sa pagtupad ng pangarap

c)

Disiplina sa araw araw

d)

Kakayahang iakma ang sarili

4.

Ang mga sumusunod sa paghahanda para sa paghahanapbuhay, maliban sa isa na hindi. Alin ito?

a)

Kilalanin ang iyong mga talent, hilig at kalakasan

b)

Magkaroon ng plano sa kursong nais

c)

Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay

d)

Magkaroon ng oras sa paglalaro at libangan

5.

Para kay ate, ang pamilya ang mahalaga sa buhay ng tao. Kaya nagsisikap si ate na makatapos ng pag-aaral upang matulungan ang aming magulang sa pagpapa-aral sa aming magkakapatid at sa iba pang gastusin sa bahay. Ano ang katangian na ipinakita ni ate?

a)

Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.

b)

Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal

c)

Paghahanda para sa pagpapamilya

d)

Pagtanggap ng papel sa lipunan bilang babae

6.

Maaring magkaroon ng epekto ang pisikal na pagbabago sa katawan sa emosyon at maging sa pakikitungo sa kapwa.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung ikaw mismo ay hindi kayang tanggapin ang sariling kahinaan.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Hindi na kailangan na gumawa ng mga plano sa buhay dahil nakasalalay na ito sa kung anong kapalaran ang darating sa bawat isa.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Ang mga pagbabago sa katawan ay dapat langkapang ng tamang pamamahala at kilos.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Sa paggawa ng pagpapasya, mahalagang sumangguni sa mga kaibigan, sila ang nakakaalam ng tama bilang kasingedad.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Habang lumalaki ang isang bata, lumalawak din ang kanyang pananagutan at tungkulin.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay kailangan na may motibasyon sila upang gawin ang dapat inaasahan sa kanila ng lipunan.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Ang bawat tao ay may kanya kanyang kakayahan at kilos na dapat tugunan sa buhay.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Sa kursong nais kuhanin sa kolehiyo dapat ay malinaw sa iyong sarili kung ano ang iyong talagang gustong mangyari sa buhay mo.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Sa pagtatamo ng bagong pakikipag-ugnayan sa kasing-edad, mainam na ang mga nagbibinata at nagdadalaga ay hayaan sa mga nais nilang gawin kahit walang gabay ng magulang dahil bahagi na ito ng kanilang buhay.

a)

TAMA

b)

MALI