wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Elemento ng Tula at Pagpili ng Angkop na Salita sa Tula

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Isang mahalagang elemento ng tula ay ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong

a)

TUGMA

b)

SUKAT

c)

KARIKTAN

d)

PANTIGAN

2.

Isa sa pinakamahalagang elemento o sangkap ng tula ay pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod.

a)

TUGMA

b)

SUKAT

c)

KARIKTAN

d)

PANTIGAN

3.

Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag.

a)

KARIKTAN

b)

TUGMA

c)

TALINGHAGA

d)

SUKAT

4.

Ano ang sukat ng tulang ito:


Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!

Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.

Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,

tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa

a)

wawaluhin

b)

lalabing-animin

c)

lalabindalawahin

d)

walang sukat

5.

TUKUYIN KUNG ANONG KAYARIAN NG TALUDTURAN ITO:

Ang halik ng araw sa dapit-umaga: naiiwang

Sanlang hiyas na makinang na nakasisilaw

Sa maraming mata ang magandang tampok

Nag-iwan ng sugat ang maraming daan

a)

May sukat- may tugmang taludturan

b)

Di- tugmaang taludturan

c)

Malayang taludturan

6.

Ito ay tulang may sukat subalit walang tugma.

a)

Di- tugmaang taludturan

b)

May sukat- may tugmang taludturan

c)

Malayang taludturan

7.

Tukuyin kung ang kahulugan ng may salungguhit na salita sa pangungusap ay ginamit bilang konotasyon o denotasyon.


Matagal siyang makapagpatawad dahil matigas ang kanyang puso.

a)

konotasyon

b)

denotasyon

8.

Tukuyin kung ang kahulugan ng may salungguhit na salita sa pangungusap ay ginamit bilang konotasyon o denotasyon.


Kaawa-awa ang mga basang sisiw sa kulungan.

a)

konotasyon

b)

denotasyon

9.

Tukuyin kung ang kahulugan ng may salungguhit na salita sa pangungusap ay ginamit bilang konotasyon o denotasyon.


Si Luisa ay nanguha ng mga bato sa ilog upang ihanay sa harapan ng kanilang bahay.

a)

konotasyon

b)

denotasyon

10.

Tukuyin kung ang kahulugan ng may salungguhit na salita sa pangungusap ay ginamit bilang konotasyon o denotasyon.


Parang hangin na nawala ang mag-aaral ni Binibining Santos.

a)

konotasyon

b)

denotasyon

11.

Tukuyin kung ang kahulugan ng may salungguhit na salita sa pangungusap ay ginamit bilang konotasyon o denotasyon.


Tumalbog sa malayo ang bola na nilalaro ng bata.

a)

konotasyon

b)

denotasyon

12.

Tukuyin kung ang kahulugan ng may salungguhit na salita sa pangungusap ay ginamit bilang konotasyon o denotasyon.


Ang mga ina ang mga ilaw ng tahanan.

a)

konotasyon

b)

denotasyon

13.

Tukuyin kung ang kahulugan ng may salungguhit na salita sa pangungusap ay ginamit bilang konotasyon o denotasyon.


Ang mga bata sa lansangan ay tila basang sisiw.

a)

konotasyon

b)

denotasyon

14.

Tukuyin kung ang kahulugan ng may salungguhit na salita sa pangungusap ay ginamit bilang konotasyon o denotasyon.


Inilagy ni Ruel sa matibay na plastik ang dala-dalang pinya ng nanay.

a)

konotasyon

b)

denotasyon

15.

Tukuyin kung ang kahulugan ng may salungguhit na salita sa pangungusap ay ginamit bilang konotasyon o denotasyon.


Ang lamig ng simoy ng hangin wari’y sasapit na ang taglamig.

a)

konotasyon

b)

denotasyon

16.

Piliin ang ibig sabihin ng mga nakasalungguhit na salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.


Isang malaking bundok ang nawala sa aking dibdib nang dinggin ng Diyos ang aking panalangin.

a)

problema

b)

uri ng anyong lupa

17.

Piliin ang ibig sabihin ng mga nakasalungguhit na salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.


Masyadong mataas ang bundok na inakyat namin ng aking mga kaibigan.

a)

problema

b)

uri ng anyong lupa

18.

Piliin ang ibig sabihin ng mga nakasalungguhit na salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.


Kahit bata pa lamang ay marami na siyang alam sa buhay.

a)

nobya

b)

musmos

19.

Piliin ang ibig sabihin ng mga nakasalungguhit na salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.


Bato na ang kanyang puso sa lahat ng mga problemang nararanasan sa buhay.

a)

manhid na

b)

uri ng mineral

20.

Piliin ang ibig sabihin ng mga nakasalungguhit na salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.


Natisod ang binata sa isang malaking bato.

a)

manhid na

b)

uri ng mineral