WorksheetsSURING SURI - SUBUKAN NATIN
Total questions: 11
Worksheet time: 8mins
Isang pang-akademikong gawain (academic requirement) ang pagsusulat ng SURING-BASA. Sa iyong pananaw ano anong ideya/ kaisipan ang maiuugnay mo sa suring-basa?
Magbigay ng isa o higit pang ideya.
Ang mga sumusunod na kaisipan ay may kaugnayan sa Suring-Basa MALIBAN sa isa.
rebyu ng binasang teksto
malalim na paghihimay at pagtalakay sa akda
naglalahad ng sariling kuro-kuro tungkol sa akda
naglalahad ng kaisipan sa akda at ang kahalagahan nito
Binigay na ni G. Ranido ang huling performance task ng 10-Sparta sa Filipino 10 at ito ay ang pagsulat ng suring-basa. Ngunit bahagyang nahihirapan si MAG-AARAL A sa kung papaano isagawa ito. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong ibigay na paunang payo?
Gumawa muna ng sipnosis o maikling lagom.
Alamin muna kung anong uri ng akda ang susuriin.
Siguraduhin na may mahusay na organisasyon o balangkas.
Magpamalas dapat ng masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng pagsulat
Ang mga sumusunod na bahagi ng panimula sa pagsulat ng suring-basa bukod sa ___________.
Pamagat at May-akda
Uri ng Panitikan
Bansang pinagmulan
Layunin ng Akda
Tema o Paksa
"Dahil sa hindi mabasag-basag ng mga mandirigma ang malakas na dipensa ng mga Trojan, naisip ni Odysseus na gumawa ng higanteng kabayo na gawa sa kahoy na magsisilbing regalo sa mga Trojan. Ang hindi nila alam ito ay panlilinlang lamang."
Sa anong bahagi ng pagsusuring pangnilalaman mi ito maibibilang?
Tauhan
Tagpuan at Panahon
Balangkas
Sinasalaming Kultura
Tema o Paksa
"Kahanga-hanga ang pagkakalatag ng mga naging istratehiya ng pangkat nila Odysseus upang makapasok sa mga Trojan. Nilaro nito ang aking imahinasyon sa sinaunang pamamaraan ng digmaan. Masasalamin dito ang katalinuhan at galing sa pakikidigma ng mga sinaunang Griyego"
Sa anong bahagi ng pagsusuring pangkaisipan sa tingin mo ito mabibilang?
Kaisipan/ Ideyang taglay
Sinasalaming kultura
Estilo ng pagkakasulat na may bisa sa isip
Estilo ng pagkakasulat na may bisa sa damdamin
Ang mga sumusunod ay pamamaraan ng pagsulat ng buod bukod sa kailangan ________.
ito ay mahaba.
maging epektibo sa pagbibigay ng wakas.
mabanggit ang mga mahahalagang detalye.
bigyan tuon lamang ang mahahalagang detalye.
Tinuturing na isang pagpupulong o pagtitipon ang simposyum para talakayin ang isang partikular na paksa.
TAMA
MALI
Kumperensya ring maituturing ang simposyum na may mas malaking bilang ng mga kalahok na eksperto o may kaalaman sa partikular na paksa.
TAMA
MALI
Moderytor ang tawag sa nagsisilbing tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng talakayan at iba pang mga gawain para sa ikagaganda ng pagpupulong.
TAMA
MALI
Open forum ang susunod na bahagi ng simposyum pagkatapos na makapagsalita ang lahat ng kalahok sa pangkat. Sa bahaging ito rin ay magbabahagi sila ng mga tanong para sa ikauunlad pa ng talakayan.
TAMA
MALI
