wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGSASANAY : RETORIKAL NA PANG-UGNAY

Total questions: 10

Worksheet time: 2mins

Name
Class
Date
1.

"Totoo na delikado pa rin ang paglabas ng bahay dahil sa nakahahawang sakit." Anong pang-ugnay na nanghihikayat ang ginamit sa pangungusap?

a)

delikado

b)

dahil sa

c)

totoo

2.

"Ang pagsusuot ng mask ay tunay na makatutulong upang hindi tayo madaling madapuan ng sakit"


Anong pang-ugnay na nanghihikayat ang ginamit sa pangungusap?

a)

na

b)

tunay

c)

upang

3.

"Talaga namang masayahin pa rin ang mga Pilipino sa kabila ng krisis na kinakaharap nito."


Anong pang-ugnay na nanghihikayat ang ginamit sa pangungusap?

a)

masayahin

b)

talaga

c)

ang

4.

" Mayroon pa ring pandemya sa bansa subalit hindi nito mahahadlangan ang pagkatuto ng bawat mag-aaral."


Anong pang-ugnay na nanghihikayat ang ginamit sa pangungusap?

a)

subalit

b)

ang

c)

rin

5.

"Maraming pagsubok ang kinahaharap natin pero kailangan nating maging matatag"


Anong pang-ugnay na nanghihikayat ang ginamit sa pangungusap?

a)

maging

b)

pagsubok

c)

pero

6.

"Makakapasa ako sa pagsusulit kung mag-aaral ako nang mabuti."


Anong pang-ugnay na panubali ang ginamit sa pangungusap?

a)

kung

b)

nang

c)

mabuti

7.

"Sakaling hindi niya na ako pansinin, maghahanap na lang ako ng panibagong kaibigan."


Anong pang-ugnay na panubali ang ginamit sa pangungusap?

a)

hindi

b)

sakaling

c)

lang

8.

"Kapag gumawa pa ulit ako ng gulo, ako ay patatalsikin na sa paaralan."


Anong pang-ugnay na panubali ang ginamit sa pangungusap?

a)

ulit

b)

ay

c)

kapag

9.

"Ipagtatapat ko ang aking nararamdaman kung papayag siyang sumama sa akin mamaya."


Anong pang-ugnay na panubali ang ginamit sa pangungusap?

a)

mamaya

b)

ang

c)

kung

10.

"Kapag umulan, hindi ako pupunta sa bahay ninyo."


Anong pang-ugnay na panubali ang ginamit sa pangungusap?

a)

kapag

b)

hindi

c)

ako