Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Review (Ponemang Suprasegmental at Tanka at Haiku)

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang bansa na matatagpuan sa Silangang Asya kung saan kilala ito sa larangan ng amimation at maunlad sa teknolohiya at ekonomiya.

a)

China

b)

Japan

c)

Mongolia

d)

South Korea

2.

Haiku: Japan; ____________:Pilipinas

a)

Tanaga

b)

Tanka

c)

Soneto

d)

Patnigan

3.

Ang tiyak na bilang ng tradisyunal na tanka.

a)

31 pantig na may 7 taludtod

b)

31 pantig na may 5 taludtod

c)

3 taludtod na may 17 pantig

d)

4 taludtod na may 28 na pantig

4.

Binubuo ito ng 17 pantig na nahahati sa 3 taludtod.

a)

Tanaga

b)

Soneto

c)

Tanka

d)

Haiku

5.

Ito ay mahalagang tunog na tumutulong upang malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.

a)

Ponemang malayang nagpapalitan

b)

Ponemang segmental

c)

Ponemang Suprasegmental

d)

Ponemikong segmental

6.

Tumutukoy ito sa lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita.

a)

Antala

b)

Diin

c)

Tono

d)

Ponema

7.

Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay. Paano binibigkas ang salitang nasalungguhitan sa pangungusap?

a)

/tu.boh/

b)

/TU:bo/

c)

/tu.bo?/

d)

/tu.BO/

8.

Batay sa kahulugang ibinigay sa ibaba, piliin ang angkop na sagot na nagsasaad ng tamang paghinto o antala sa pagpapahayag.


Kahulugan ng Pahayag: Hindi talaga si Jane ang kumuha ng pera.

a)

Hindi si Jane, ang kumuha ng pera.

b)

Hindi, si Jane ang kumuha ng pera.

c)

Hindi si Jane ang kumuha ng pera.

d)

Hindi si Jane ang kumuha, ng pera.

9.

Tita/ Jean/ Grace ang pangalan niya.

a)

Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala.

b)

Kinakausap si Tita Jean dahil ipinakikilala si Grace sa kanila.

c)

Kausap ang isang Tita Jean na ipinakikilala si Grace.

d)

Ipinapakilala si Tita at Jean kay Grace.

10.

Ipinakikilala si Mario na tatay niya kay Padre.

a)

Padre, si Mario ang tatay ko.

b)

Padre Mario/ ang tatay ko.

c)

Padre Mario ang tatay ko.

d)

Padre/ Mario/ ang tatay ko.

11.

Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba't ibang damdamin, makapagbigay-kahulugan at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.

a)

Diin

b)

Tono

c)

Antala

d)

Ponema

12.

Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.

a)

Diin

b)

Tono

c)

Antala

d)

Ponema

13.

Ikaw ay nagtataka at nais mong linawin ang iyong narinig mula sa mga tao.

a)

May sunog.

b)

May sunog!

c)

May sunog?

14.

Nais mong sabihin sa iyong ina na huwag gagalawin ang iyong mga papel na nasa kuwarto.

a)

Huwag po ninyong gagalawin.

b)

Huwag po ninyong gagalawin!

c)

Huwag pong gagalawin?

15.

Nangsasaad na si Mang Kanor ang tatay niya.

a)

Mang Kanor, siya ang tatay ko.

b)

Mang June, si Mang Kanor ang tatay ko.

c)

Mang Kanor, si Mang June ang tatay ko.

16.

Collection of Ten Thousand Leaves

a)

Manyoshu

b)

Manyos

c)

Tanaga

17.

Dugtungan ng isang salita ang haiku sa ibaba:


TAPAT DAPAT

Kung maghahanap

Kaibigang kausap

Dapat ay ?

a)

tinapat

b)

tapat

c)

tatapat

d)

tapatin

18.

Maaari bang sumobra sa limang (5) taludtod ang isang haiku?

a)

Oo, upang mapahayag mo ang iyong nararamdaman

b)

Oo, basta ito ay di lalampas ng 31 na pantig

c)

Hindi, dahil ito ay may sinusundang pattern na 5-7-5-7-7

d)

Hindi, dahil ito ay may 3 taludtod lamang

19.

Maestro ng sinaunang haiku sa bansang Hapon

a)

Matsuo Basho

b)

Maosaka Shiki

20.

Ang mga paksa ng tanka ay umiikot sa pagbabago, pag-ibig at pag-iisa. Ano-ano ang paksa ng haiku?

a)

A. pag-ibig at kalikasan

b)

B. pag-ibig at romansa

c)

C. paghihirap at takot

d)

D. pagbabago at pag-unlad

21.

Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito?


“Hindi, akin ang makapal na aklat na iyan!”

a)

Sinasabing hindi sa kanya ang aklat na itinuturo.

b)

Sinasabing siya ang may-ari ng aklat na itinuro.

c)

Sinasabing hindi makapal ang aklat.

d)

Sinasabing makapal ang aklat na itinuturo.

22.

Sa pagbibigay ng tono sa isang salita, paano bigkasin ang salitang "lumikas" ng may katiyakan?

a)
b)
c)
d)
23.

Sa pagbibigay ng tono sa isang salita, paano bigkasin ang salitang "naubos" kapag ang nagsasalita ay may pag-aalinlangan?

a)
b)
c)
d)
24.

Piliin sa mga larawan ang kahulugan ng salitang Upo, nasa unang pantig ang diin.

a)
b)
c)
d)
25.

Sa sumusunod na pangungusap ano ang nagpapakita ng pagbubunyi na angkop na halimbawa ng Tono.

a)

Maligaya siya.

b)

Maligaya siya?

c)

Maligaya siya!

d)

Maligaya siya,