NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO 6 Q1-Week 5
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Si Mark ay nasa ika-anim na baitang, excited siyang buksan ang kanyang alkansiya. Simula kasi ng umpisa ng klase ay naisipan niyang magtabi ng sampung-piso para sa gusto niyang rubber shoes. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng pandemya ang buong lungsod at ang kanyang tatay ay natigil sa trabaho. Itutuloy pa ba ni Mark ang pagbili niya ng rubber shoes?
Hindi, ibibigay niya ito sa nanay niya pandagdag sa gastusin.
Hindi, itatabi nalang muna at dadagdagan sa susunod na pasukan uli.
Oo, kaya nga siya nag-ipon para makabili ng bagong rubber shoes.
Laging inaabangan ni Yumi ang araw ng Linggo, ito kasi ang araw na sila ay namamasyal sa mall. Pero dahil sa corona virus na kumakalat bawal lumabas sa bahay ang mga bata. Ano ang pwedeng gawin ni Yumi?
Magmukmok nalang sa bahay.
Manood ng t.v maghapon.
Tumulong sa gawaing bahay.
Inaasahan ng mga magulang ni Ann na siya ang makakakuha ng pinakamataas na karangalan sa pagtatapos niya sa ika-anim na baitang. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ng inanunsiyo ng kanilang guro ay naungusan siya ng kanyang kaklase na dati pumapangalawa lang sa kanya. Ano kaya ang kanyang gagawin?
Babatiin niya ito
Hindi niya kikibuin ang kanyang kaklase.
Manghihingi ng paumanhin sa magulang dahil hindi niya nakuha ang kanilang inaasam.
Nangako sa magulang si Mat na pagbubutihin niya ang kanyang pag-aaral ngayong nasa ika-anim na baitang siya. Habang tumatagal nakikita ng kanyang mga magulang ang kanyang pagbabago, kaya tuwang-tuwa ito sa kanya. Ano kaya ang ginawa ni Mat at bakit tuwang -tuwa sa kanya ang kanyang mga magulang?
Bumait na siya.
Umiiwas siya sa barkada
Matataas ang kanyang grado.
Hinahabol ng mga pulis ang isang snatcher sa palengke. Habang papalabas si Lito sa isang eskinita may nakasalubong siyang lalaki na tumatakbo. Pagkalabas niya sa may kanto ay nakita niya may hinahanap ang mga pulis. Ano kaya ang gagawin ni Lito?
Hahayaan niya at hindi papansin ang mga pulis.
Magtatago sa mga pulis.
Sasabihin sa mga pulis kung saan dumaan ang snatcher.
Pagbabasa ang kinahiligan ni Roda. Iniipon niya ang kanyang baon para makabili ng gusto niyang mga libro. Si Roda ay ________________.
Mahina sa pag-unawa
Nasisiraan na ng bait.
Siya ay may malawak na kabatiran
Kapag ang isang tao ay nagtanim ng kabaitan.
Marami ang kanyang kaibigan
Marami ang kanyang magiging kaaway
Maraming maiinggit sa kanya
Kapag ang mga mamamayan sa isang bansa ay pawang masisipag.
Ang bayan nila ay magiging mariwasa
Madali silang mapapagod sa paggawa
Mag-aaway-away sila sa kayamanan.
Masipag at matiyagang mag-aaral si Ana. Lagi siyang pinipili para sumali sa mga paligsahan sa paaralan.
Siya ay mabait
Siya ay maganda.
Siya ay matalino.
May mga bisitang dumating sa kanilang bahay. Isang araw, naisipang ayusin ni Mimi ang kanilang altar. Hinugasan niya ang plorerang mahal na mahal ng kanyang nanay, pinunasan at nilagyan ng magagandang bulaklak. Ilalagay na lamang niya ito sa altar nang may biglang dumating na pusa na hinahabol ng aso. Lumundag ang pusa sa kamay niyang may hawak na plorera. Nabitawan niya ito at nabasag. Ano ang gagawin ni Mimi?
Itatapon ang plorera.
Magsasabi ng totoo sa kanyang nanay
magwawalang bahala
