WorksheetsESP Tagis Talino
Total questions: 20
Worksheet time: 5mins
Ang mga ____ ay ang mga direktibong nanggagaling sa Pangulo ng Bansa, kinatawan o Kongresista, gobernador, punong bayan o alkalde upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga tao.
tagubilin
kautusan
alituntunin
mensahe
Ang mga ____ ay ang mga kautusang pinatupad ng isang grupo o pangkat upang maging maayos ang takbo ng buhay ng mga tao.
kautusan
batas
alituntunin
tagubilin
Ito ay legal na basehan na kilala sa taguring Magna Carta para sa mga Taong May Kapansanan (Magna Carta for Persons with Disability).
Batas Republika 7277
RA 9003
RA 7586
Batas Republika 9722
Sino ang may pahayag nito:
"Sa kadahilanang lumiligaya ka rin habang nagbibigay ng kaligayahan sa iba, dapat mo munang kakaisipin ang kaligayahang naidudulot mo sa iba."
Corazon Aquino
Jesse Robredo
Franklin Roosevelt
Eleanor Roosevelt
Ang ____ ay naipakikita sa pagtanggap sa pagkakaiba ng pagkatao, kaugalian at paniniwala.
pagkamatapat
pagkamagalang
pagkamatulungin
pagkamahabagin
Sino ang may pahayag nito:
"Ang sayangin, ang siraan ng ating likas na yaman, ang kalbuhin at gawing tigang ang lupa sa halip na gamitin ito para madagdagan ang pakinabang nito, ay nagdudulot ng hindi pag-aasikaso na maibigay sa mga anak natin ang pag-unlad na dapat sana'y mapasakanila nang lubos at maunlad."
Theodore Roosevelt
Eleanor Roosevelt
Franklin Roosevelt
Greta Thunberg
Ito ay patungkol sa debosyon o katapatan sa lahat ng bagay at pananalig sa Diyos at pagmamahal sa kapwa.
Pananalig
Katuwiran
Kabanalan
Ispiritwalidad
Ito ay taunang pagdiriwang na naglalayong maiparating nang sabay-sabay sa milyon-milyong tao ang isang mensahe ukol sa global na mga isyu.
Blog Action Day
Global Gesture Day
Write and Act Day
Bloggers Unite Day
Ito ay laging kaagapay ng pagmamalasakit at pagsasakripisyo sa bansa.
Kasipagan
Kaluwalhatian
Katapatan
Kalinisan
Punan ang salitang nasa patlang:
Hango mula sa Salawikaing Tsino, "Kung gusto mo ng kaligayahang pang-isang oras, ____ ka."
kumain
managinip
umidlip
magbasa
Taong 1996, itinatag ni Dr. Fe Del Mundo ang isang pagamutan na may adbokasya na naglalayong mabigyang pansin ang anong sakit ng mga bata sa Pilipinas?
Leukemia
Tuberkulosis
Anemia
Psoriasis
Sino ang may pahayag na ito:
"Kadalasan,binabalewala natin ang lakas ng isang haplos, isang ngiti, isang magandang salita, pakikinig, isang tapat na papuri, o ng pinakamaliit na kilos ng pagdamay, gayong lahat ito ay may kakayahang magpabago ng buhay ng isang tao."
Leo Buscaglia
Ralph Waldo Emerson
Anne Frank
Saint John Paul
Hindi nabubulok ang plastik at ____ kaya dapat itong itapon nang hiwalay sa ibang basura.
dahon
straw
styrofoam
yero
Ito ay batas tungkol sa pagprotekta ng kagubatan na inaprubahan noong Mayo 1975.
Agricultural and Forestry Code of the Philippines
The Philippine Clean Air Act
Natural Resources Act
Revised Forestry Code
Kaakibat nito ang pagtitiis at pagtitimpi.
Pagmamahal
Pagtitipid
Disiplina
Pasensiya
Ito ay batas na naglalayong protektahan ang mga lugar na kinikilalang luklukan ng mga uri ng hayop at halaman at may layuning ipabatid ang pagpapanatili ng balanse ng ekolohiya at kalikasan.
RA 9275
RA 7586
RA 9147
RA 8749
Ang pagmamalasakit ay nangangailangan ng ____ sa tunay na nararanasan at nararamdaman ng taong tinutulungan.
pagdalamhati
pagkuwento
pag-iwas
pagkabukas-isipan
Ito ay isa sa pinakamahalagang pundasyon ng kahit anong relihiyon o paniniwala.
Pagkamakabayan
Pagkait
Pagninilay
Pagtulong
Ito ay ang batas ukol sa pagkontrol sa paggamit ng produktong Tobacco sa kahit saan mang pampublikong lugar.
RA 8485
RA 9003
RA 9211
RA 8750
Ang mga ____ ay sumasakop sa karapatan, tungkulin, at responsibilidad ng mga mamamayan.
kaugalian
pamantayan
batas
kautusan
